Folgen
-
Fehlende Folgen?
-
Muling ibinalita ng Senado na iuurong muli ang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte mula June 2, magiging June 11 na. Ano nga ba ang mga proseso ng senado sa mga ganitong Impeachment Trial?
-
Naging trending issue nitong nakaraang linggo ang balitang itataas ang ilang mga taxes mula 6%, gagawing 10%. Matapos ang matinding panawagan ng mga tao, sa isang pahayag, sinabi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na hindi na muna itutuloy ang planong itaas ang tax. Ngayong isang linggo nalang bago ang Eleksyon 2025, ating pag-usapan kung sino ang ating mga dapat iboto!
-
Kamakailan pumanaw na ang tinaguriang "People's Pope" na si Pope Francis. Ngayon, usap-usapan na kung sino ang susunod na Pope at isa sa pinakamatunog na pangalan ay si Cardinal Luis Antonio Tagle. Posible nga ba na Pinoy ang susunod na Santo Papa?Comment na kung sino ang Senador na iboboto mo at bakit!
-
Kampo ng Dating Pangulong Rodrigo Duterte, nag-hain ng request sa International Criminal Court na i-restrict o limitahan ang pag-verify ng mga dokumento sa victim identification. ICC, hindi pumayag sa kanilang request.Ngayong napapalapit ang eleksyon, ating pag-usapan kung ano nga ba ang dapat mga qualifications ng matinong pagboto.
-
Senator Robinhood Padilla, naiyak at nag-walk out sa speech ni Senator Bong Go sa hearing ni Senator Imee Marcos tungkol sa paghuli kay Dating Pangulong Duterte. Senator Imee, gumamit din di umano ng 'bogus' na dokumento. Senate President Chiz Escudero, sinita ang mga senador na ginagamit ang senado sa pamumulitika.
-
United States of America President Donald Trump, isinama ang Pilipinas sa pagpapataw ng mas mataas na Tariff sa iba't ibang mga bansa.
Ilang mga kandidato para sa Eleksyon 2025, na-call out ng mga netizens dahil sa kanilang mga di magandang sinsasabi sa kanilang kampanya.Former Spokesperson ni Former President Rodrigo Duterte na si Harry Roque, nasa The Netherlands ngayon at mag-aaply di umano ng asylum.
-
Ating siyasatin ang unang hearing ng Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
-
Ating pag-usapan ang 2025 National Budget, ano nga ba ang epekto sa pagtanggal kay VP Sara Duterte sa National Security Council, Effectivity ng mga pinirmahang batas ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng mga contribution sa SSS ngayong 2025, at ang ika-apat na impeachment case laban kay VP Sara.
-
Samahan nyo kaming magbalik tanaw sa mga maiinit na iyung bumalot sa ating lipunan ngayong 2024!
-
Inamin ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon syang "Death Squad." Sinabi rin ni FPRRD na inutusan nya ang mga kapulisan na "i-encourage" ang mga inaarestong suspek na lumaban para sila ay mapatay.
- Mehr anzeigen