Episoder

  • Teruo Nakamura was the indigenous Formosan Japanese war soldier who survived the war and post war years in the jungle not aware that the war has ended. And when he was found, he would find his status in limbo - presumed dead he was stateless, homeless and would find his family under new identity.

    Private Teruo Nakamura (Amis: Attun Palalin), an Amis aborigine from Taiwan and member of the Takasago Volunteers, was discovered by the Indonesian Air Force on Morotai, and surrendered to a search patrol on December 18, 1974. Nakamura, who spoke neither Japanese nor Chinese, was the last confirmed holdout.

    Si Teruo Nakamura ang pinakahuling sundalong Hapon na sumuko noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan. Siya’y nakadestino noon sa isla ng Morotai na bahagi ng Indonesia.

    Si Nakamura ay tubong galing sa tribu na Amis Pangcah ng isla ng Formosa. Ang Formosa ay siya nang kilalang Taiwan sa kasalukuyang panahon. Sa mga panahong iyon ng digmaan, Hapon noon ang namamahala sa Formosa.

    Naipanganak si Nakamura noong taong MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y NUEBE at nakapasok siya sa Takasago Voluntary Unit na puwersa ng Hapon noong Nobyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y TRES (1943). Napadala siya sa isla ng Morotai na bahagi noon ng inokupahang teritoryo ng mga Hapon na DutchEast Indies.

    Ang Dutch Easr Indies ay Indonesia na sa kasalukuyan. Naagaw ng mga Hapon ang islang Morotai sa isang labanan noong Setyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO (1944). Sa pag-aakalang nasama na sa mga patay si Nakamura, idineklara siya ng Hapon na patay na noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO.

    Lingid sa kaalaman ng mga Hapon, ito ay nakaligtas at namuhay ito sa isla na kasama ng iba pa hanggang MIL NUEBE SIYENTOS SINGKUWENTA’Y SAIS (1956). Sa taong ito, iniwanan ni Teruo Nakamura ang kanyang mga kasama at siya ay nagkampo nang nag-iisa. Ang dahilan nito ay dahil inakala niya na binabalak ng mga kasama niya na siya’y papatayin.

    Nakipagkaibigan si Nakamura sa isang taong tubo ng lugar na iyon at tinawag ng Baicoli. Ito ang malimit noon na nagbibigay sa kanya ng tsa, kape at iba pang kakailanganin para mabuhay. Bago namatay si Baicoli, naghayag siya sa kanyang anak at inihabilin niya na ipagpatuloy ang pagtulong kay Nakamura.

  • Pangalawang tenyente ang posisyon ni Hiroo Onoda noong Ikalawang Digmaang pangsandaigdigan. Siya ay nasa posisyong iyan noong nagtapos din ang digmaan. Subalit dahil siya ay nasa kagubatan sa isla ng Lubang sa Occidental Mindoro, hindi niya nalaman ang mga sumunod na mga pangyayari kaugnay sa digmaan maging ang pagtatapos nito.

    Bahaging kanluran ng Occidental Mindoro ang kinaroroonan ng islang ito na sakup ng probinsiyang kalapit ng Palawan. Masukal na kagubatan ang interior ng isla ng Lubang at may sukat ang islang ito ng ISANG DAAN AT LABING TATLONG (113) kilometro kuadrado bagaman ang bahagi nito sa baybaying dagat ay may mga pook ng mga taong mangingisda at mga katutubo.

    Matapat sa tradisyong Hapon ang sundalong si Hiroo, at ang paniwala niya ay diyos ang emperador ng kanilang bansa. Kaya ang kanyang misyon sa digmaan ay isang banal na tungkulin sa kanya. Maliit at payat na lalaki ito subalit malakas at makisig ang tindig niya bilang isang samurai.

    Listen to the full story in podcast.

  • Manglende episoder?

    Klik her for at forny feed.

  • It was May 9 1945 in Europe people took to once shunned streets to rejoice at the declaration that the war was finally  over. The following year, in the East, the Allies declared victory putting a full end to the biggest man-caused  wastage of human lives in history - World War 2. Opponents surrendered, some of  those ordered to surrender preferred giving up their lives in their own terms.  Others did not know and remained in hiding for a few more months. A few remained in hiding - not believing or knowing that the battle has been declared over. This is a story of one of those who kept in hiding in the jungle  for years.

    Nagtapos na ang Pangalawang Digmaang Pang-sandaigdigan.. Subalit mayroong mga sundalong Hapon na hindi nakakaalam at kung nababalitaan man nila, tinatanggihan nilang paniwalaan na tapos na ang digmaan. Ilang dekada ang dumaan na nagpatuloy silang patago-tago sa mga masusukal na mga kagubatan. Sa tatlong huling ‘hold-out’ ng sundalong Hapon sa digmaan, nauna si Shoichi Yokoi na lumabas mula sa kanyang pinagtatagu-an sa isla ng Guam. Sumunod si Onoda na lumabas naman mula sa isla ng Lubang sa Mindoro. Ang kahuli-hulian ay si Teruo Nakamura, sundalong tubong Taiwan na nanilbihan sa militar ng Hapon sa digmaan. Natuklasan siya noong nagtatanimna nag-iisa sa isang isla na tinawag na Morotai sa Indonesia noong Disyembre ng 1974.

    Pagkatapos bumalik ang mga Amerikano sa isla ng Guam at binawi ito mula sa kamay ng mga Hapon noong Agosto, 1944, humigit- kumulang sa LIMANG LIBO (5000) na sundalong Hapon ang tumutol na sumuko sa Alyansa. Karamihan sa kanila ang nagpatuloy na tumatakas at nagtatago dahil kahihiyan nilang lubos na sila ay mabihag at maging bilanggo ng digmaan.

    Kadamihan sa mga sundalong Hapon na ito ang tumakbo upang magtago ay napatay o nahuli ng mga sundalong Alyansa sa laon ng ilang buwan. Isang daan at tatlumpo ang mga naiwan na nagtatago noong dumating ang buwan ng Setyembre ng 1945).

    Isa sa mga nanatili sa kagubatan si Yokoi at namuhay siya doon hanggang 1972. Nagtago noon si Yokoi kasama ng siyam na kapwa sundalong Hapon. Pito sa kanila ang lumayo at humiwalay at hindi nagtagal ay naging tatlo na lamang sina Yoichi na naiwan s rehiyon na iyon. Sumunod na naghiwa-hiwalay ang mga natirang tatlo bagaman noong 1964, malimit sila noong nagtatagpo at nagbibisititahan sa bawat isa.

    Noong 1964 hindi naligtasan ng dalawang kasama ni Yokoi ang dumating na malaking baha na siyang kinamatayan ng dalawang kasama niya. Sa sumunod na walong taon, nag-iisang namuhay si Yokoi. Nangaso siya kapag gabi at ito ang kanyang ikinabuhay. Gumamit siya ng mga halaman na ginawa niyang damit , kumot at mga kasangkapan. Itinago niya ang mga ito sa kuweba na ginawa niyang tirahan.

    Listen to the the podcast for the story in full in Tagalog.

  • This is a story about an incident during World War 2 involving 2 men - each at the service of his country.. Their countries were enemies and they figured in a heroic encounter that had to be kept hidden for years. This is a story of valor and the magnanimity of the human spirit. Listen to the podcast for the full story.

    Minsan ang tadhana ay mapagbiro - mapagsubok. Ipapanganak tayo na mayroon nang likas na mga kabahagi natin na ating mamahalin, aarugain, kakasamahin at magmamahal din sa atin. At habang tayo ay lumalaki at lumalawak ang ating mundo, nadadagdagan ang ating makakahalubilo at magkakaroon tayo ng mga kaibigan, kakilala, mga kasamahan sa ating mga gawain at mga pakay. Tayo’y magiging bahagi ng mundong kabibilangan natin at sa mga hindi maisawang mga pangyayari sa paggulong ng buhay, magkakaroon din tayo ng mga kaaway, katunggali at maaring kaagaw sa buhay. Ang mga kaaway natin ay maaring sila ang kikitil sa ating kinabukasan at ipagtatanggol natin ito na buhay natin ang ating panangga. Subalit kung ang kapalaran ay bibigyan tayo ng isang pagkakataong makaligtas sakaaway dahil kusang palalagpasin tayo nito,

    at darating ang panahong makakatagpo natin muli ito, ano kaya ang ating magiging damdamin? Ito ang tema ng ating naratibo ngayon.

    Pakinggan ang kuwentong ito tungkol sa enkuwentro ng dalawang taong naninilbihan ng magiting sa kanikaniyang bayan na magkaaway.

  • Kung isipin ang karahasang nangyari sa pagsalakay ng mga Hapon noong panahon ng digmaan sa mga kuta ng Panig ng Alyansa, na wala noong kahanda-handa, mahirap mapaniwalaan na mayroong mga mandirigmang Hapon na maydamdaming pakikiramay o mayroong awa na makatao sa kapwa.

    Subalit si Saburo Sakai, na isa sa mga pinakamagaling na pilotong mandirigmang Hapon ay may dakilang kalooban. Masasabi na si Saburo Sakai ay siyang pinakamagiting na Hapon na piloto noong Pangalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa laon ng panahon ng digmaan na siya’y nanilbihan sa kanyang bayan, umabot sa animnapu’t apat (64) na mga eroplano ng Alyansa ang Ipinanganak si Saburo sa lugar na nagngangalang Saga at galing siya sa lahing Samurai. Subalit pagsasaka ng lupain ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.

    Naulila siya sa ama noong siya’y labing isang taong gulang. Sumanib siya sa Armadang Hapon noong labing anim na taong gulang siya. Noong nakapagtapos siya doon, gumanap siyang “turret gunner” at humawak siya ng baril doon sa bapor na pandirigma na Kirishima.

    Noong siya’y nagkaedad ng labing siyam, umalis siya sa armada at nagpalista siya sa programa ng sanayan ng pagpi-piloto. .Noong nagtapos siya ng pagka-piloto, siya ang may pinakamataas na grado at niregaluhan siya ni Emperador Showa ng relos na pilak.

    Taon nang (1938), kasalukuyan noon ang pag-lalabanan ng Hapon at Tsina. Naatasan si Sakai na magpalipad ng A5M Navy Type 96 fighter. (1939), mayroon siyang pinabagsak na eroplano na DB-3 Bomber ng mga Ruso na gamit nila sa pagbomba.

    Noong (1940), siya ang isa sa mga naunang pinahawak ng bagong eroplano na A6M Zero fighter na panlaban sa mga Tsino. Noong (1941), kabilang siya noon sa grupo na Tainan ng mga abyador na nakadestino sa Taiwan. Mula sa kampo nilang iyon, nagpalipad siya ng 45 A6M Zero fighter na pangontra ng puwersang Hapon laban sa Clark Airfield ng mga Amerikano sa Pilipinas.

    Pakinggan ang buong kuwento at alamin ang ginawang kakaiba na Saburo Sakai.

  • This next story is about the amazing story of Ruth and Philip; about how they survived the genocide that marked them and how their lives got interwoven with each other from an encounter that determined their fate and future.

    Ang susunod na kuwento ay hango sa nailathalang mga kuwentong pag-ibig sa panahon ng holocaust na inilathala ng momentmag.com noong Hunyo ng 2005. Para sa ating podcast, sa season 5, pang 21 na Episode, itong pangalawang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina PHILIP AT RUTH LAZOWSKI.

    Isinilang si Philip Lazowski noong ika TRESE (13) ng Hulyo, (1930) sa Bielica sa bahaging Norte ng Poland. Bayan ito ng mga mangingisda, mangangaso atmagsasaka. Noong 1939 bumibilang noon ang mga mamamayan doon ng I(1800) at 600 sa kanila ang Lahing Hudyo.

    Noong unang araw ng Setyembre, dumating ang mga Ruso sa Poland at sinakop nila ang Bielica hanggang (1941). Ngunit pinagtuunan ng mga Aleman ang Bielica bagaman maliit lamang na bayan ito.

    Ito ay dahil tatlo sa mga pangunahing landas ang dumadaan dito at dahil isa pa, malapit ito sa paliparan ng mga eroplano. Noong Hunyo ng 1941), dumating ang mga Aleman at pinagwawasak at pinagsisira nila ang tahanan at mga ari-arian ng pamilyang Lazowski.

    Subalit nanatili ang mag- anak sa bayan. Nakitira sila sa bahay ng impong ni Philip at mayroon pa silang kasamang dalawa pang pamilya roon.

    Noong ika a-DIYES (10) ng Nobyembre, binilin ang mga Hudyong mamamayan na umalis sa mga sandaling iyon. Kaagad na nag-impake ang pamilya ni Philip at pumunta sila sa ghetto ng Zhetel. Ang ghetto ng Zhetel na kilala din sa pangalan noon na Dyatlovo ay nasa bandang Kanluran ng Poland at tinatawag na ngayon na bayan ng Belarus.

    Noong Abril ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS, sinimulan ng mga Aleman ang pagtitipun-tipon nila sa mga tao na lahing Hudyo.

    Nagsagawa sila ng dalawang grupo at klinase nila ang mga tao sa dalawa. Isang grupo ang para sa mga taong may kakayanang magtrabaho. Isang grupo ang para sa mga hindi makapagtrabaho. Sa isang pagkakataon habang naisasagawa ang pamimili, siya ang nagsara doon sa taguan sa kanilang tahanan.

    Ang taguan na iyon ay sumukat noon ng pitong talampakan sa lawak at walong talampakan ang kakitiran at doon ang pinagtaguan ng kanyang mga magulang at mga nakababatang mga kapatid habang siya ay nasa palengkehan sa bayan nakung saan ay doon isinasagawa ang pamimili at pagkalase-klase sa mga tao. Nahuli ng isang sundalong Aleman si Philip at dinala ito sa palengke ng Zhetel.

    Habang siya’y naroon, nagmasid si Philip at napagtanto niya ang katuturan ng ginagawang pamimili ng mga Aleman. Sa kanyang kaliwa, doon napapapunta ang mga nars, doktor, sapatero, karpintero - mga Hudyo na malalakas at malulusog..

    Sa kabilang dako sa bandang kanan niya, doon napapunta ang mga maliliit na mga bata at mga matatanda. Alam ni Philip na marahil ay hindi siya maaring mapapunta sa lupon ng mga malalakas sa kanyang bandang kaliwa..

    Listen to the podcast for the full story.

  • This narrative about Herschel and Edjya appeared at momentmag.com in 2005 as one of the stories of love and survival during the holocaust that were published. Added information from other sources were incorporated in this translated episode.

    Itong unang bahagi ng kuwento hinggil sa LUHA, PAGDURUSA, PAG-

    IBIG AT PAG-ASA ay ang kasaysayan nina HERSCHEL AT. EDJYA.

    Noong unang araw ng Setyembre, MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE (1939), linusob ng mga puwersang Alemanya ang Poland at sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang

    pambobombang ginawa ng Alemanya sa lugar. Noong ika DIYES Y SIETE (17) ng buwan na ito, sinalakay naman ng Unyon Sobyet ang Poland sa bandang silangan, at sa pagkakasunduan ng Unyon

    Sobyet at sa Nazi na Alemanya, hinati nila ang Poland sa ilalim ng kanilang mga pinag-usapang alituntunin sa isinagawang “Nazi- Soviet Non-Aggression Pact” noong nakaraang ika BEYNTE TRES (23) ng Agosto. Sinakop ng Unyon Sobyet ang Bransk at lahat

    ng lugar sa bandang silangan ng Ilog na Bug. Lahat ng mga negosyo ng mga Polako (katutubong taga Poland) at mga Hudyo ay sinamsam ng komunistang estado. Ilang mga Polakong negosyante mula sa Bransk ay pinaslang ng mga Ruso noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA (1940).

    Nanatili ang mga Sobyet na nag-okupa at nagpalakad sa mga lugar doon hanggang Hunyo ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y UNO (1941) na

    siyang panlusob ng mga Nazi sa dati nilang mga kapanalig na mga Sobyet.

    Tumutubong kabataan noon si Herschel Lipa na tubo ng bayan ng Bransk sa Poland noong MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE (1939) noong nagsimula ang mga hindi inaasahang mga pangyayari at nagdatingan ang mga dayuhan. Ang kanyang kinapanganakan ay bahagi ng probinsiya ng Podlaskie Volvodeship sa Silangang bahagi ng Poland.

    Noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS (1942) dumating ang mga Nazi sa kanilang pook, tinipon nila ang mga mamamayang Hudyo para dalhin sila sa naitakdang pagpapatirhan

    sa kanila kasama ang ibang mga Hudyo. Ang mga ‘ghetto’ na naiutos na tirahan nila ay minsan nag-iisang gusali ng paktorya at pinupuno ng mga Nazi ito ng maraming mga pamilya. Sa kasikipan,

    minsan hirap na silang gumalaw sa kanilang mga espasyo.

    Naipadala si Herschel na magtrabaho sa kampo na ipinatayo ng mga Nazi sa malapit. Nagtrabaho siya doon hanggang ika-diyes (10) ng Nobyembre. Sa araw na ito, napag-alaman niya mula sa

    kanyang mga kasamahan na ipapalipat sila ng mga Nazi. Sa kanyang nalamang iyon, nagkaroon ng pangamba si Herschel.

    Marami na noon ang mga masasamang mga balitang kanyang nauulinigan tungkol sa mga nangyayari sa mga Hudyo sa kamay ng mga militar na Nazi at mga pinuno nila.

    Sa araw na iyon, habang pinapasakay ng mga Nazi ang mga natipon na mga mamamayang Hudyo sa mga karitela na hinihila ng mga kabayo, pinunit ni Herschel na inalis ang dilaw na bituin na

    tsapa sa kanyang kuwintas. Ang markang ito ay marka ng ‘Bituin ni David’ at naiguhit sa maitim at makapal na tinta.

    Ipinalakad noon ng mga otoridad na Nazi na ipasuot sa mga Hudyo ang marka na

    ito bilang tanda ng kanila lahi. Ang pakay ng mga Nazi ay kutyain sila at minarkahan sila para kaagad silang makilalang Hudyo at madali silang iproseso sa deportasyon nila sa mga kampo ng konsentrasyon at eksterminasyon.

    Pagkaalis ni Herschel sa marka na iyon, symynggab siya ng hagupit mula sa naabot niyang trak at nagkunwari siyang isa sa mga drayber. Sa kabutihang palad, nasuwertehan niya na walang

    nakapansin sa kanyang pag-punit ng marka mula sa dibdib ng kanyang kasuotan.

    Listen to the podcast for the full story.

  • This is an introduction about the period known as holocaust at which time, some of our succeeding narrative stories of love and survival happened.

    “Dito sa susunod na bahagi ng ating podcast sa Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano ay mapapadako tayo sa Isang madilim na sulok sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ang natagurian sa kasaysayan na PINAL NA SOLUSYON O HOLOCAUST. At ito ay maisasalin sa mga

    katagang PAGLIPOL NG LAHI, na tinawag ng mga Nazi sa Alemanya na “Endclosung der Judenfrage” (Final Solution to the Jewish Question) o “Panghuling Solusyon tungkol sa mga Hudyo.”

    Ang mga kuwentong pag-ibig na ating ausunod na isasalaysay ay sumibol sa panahon na nangyayari itong sakunang ito. Bago natin simulan ang una nating kuwentong pag-ibig, ating alamin din muna ang background ng mga pangyayari sa panahong iyon dahil ang mga pangyayari noon ay siyang nanghubog sa mga dinanas na pangyayari ng mga taong sangkot sa ating kuwento.`

    Noong ika BEYNTE (20) ng Enero, MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS (1942) isang nabubukod-tanging pagpupulong ang naisaganap sa isang villa sa tabing lawa sa mayamang distrito ng Wannsee sa Berlin (Alemanya). Labinlimang mga pinuno sa gobyerno at matataas ang posisyon sa partido ng NAZI (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei – NSDAP o National Socialist German Workers’ Party) ang nagpulong upang ayusin ang mga lohistiko sa pagsasaganap ng pinal na solusyon sa katanungan tungkol sa mga Hudyo.

    Ang namuno sa pagtitipon na ito ay Tenyente Heneral ng SS (Schutzstaffel or Protection Squadron) na Koponang Tanod na si Heneral Reinhard Hedrich, pinuno ng makapangyarihang Pangunahing Opisina ng Reich sa Seguridad na panggitnang ahensiya sa polisya na kinabibilangan ng Lihim na Polisya ng Estado o tinatawag na Gestapo.

    Tinawag ni Heydrich ang pagpupulong na ito batay sa memorandum na habilin na natanggap niya ng may anim na buwan na ang nakakaraan mula sa diputado ni Adolf Hitler na si Hermann Goring. Pinapatibay ni Goring sa sulat ang kanyang pahintulot sa pagpapalakad ng “Pinal na Solusyon.”

    Ang mga katagang ito ay koda na gamit ng mga Nazi na nangangahulugan ng sinadya at planadong malawakang pagpapaslang sa lahat ng mga Hudyo sa Yuropa. Sa pagpupulong nilang ito, pinag- usapan ng mga dumalo ang eksterminasyon (extermination) nang

    walang pag-aatubili.

    Kinalkula ni Heydrich na LABING ISANG (11) milyong mga Hudyong takatira sa Yuropa mula sa DALAWAMPUNG (20) mga bansa ang mapapaslang sa ilalim ng kanilang plano..

    Sa mga buwan bago ang pagpupulong na ito, may mga pangmaramihang pagpapatay na sa mga Hudyo sa mga teritoryong Unyon Sobyet na inokupahan ng mga Aleman. Ito ay isinagawa ng mga espesyal na mga yunit na binubuo ng

    mga SS, mga pangunahing tanod ng estadong Nazi at mga polisya na

    tinatawag na Einsatzgruppen..

    Listen to the podcast for the full story.

  • Tungkulin, Dangal Bayan

    (Duty Honor Country)

    “On May 12, 1962, General of the Army Douglas MacArthur, age 82, delivered his farewell address to the cadets at the U.S. Military Academy at West Point.

    In accepting the school's Sylvanus Thayer Medal for outstanding service to his country, MacArthur organized his speech around the sacred motto of West Point: “Duty, Honor, Country.”

    “….Duty, honor, country: Those three hallowed words reverently dictate what you ought to be, what you can be, what you will be. They are your rallying point to build courage when courage seems to fail, to regain faith when there seems to be little cause for faith, to create hope when hope becomes forlorn…”

    This podcast is the Tagalog translation of that speech.

    Excerpt:

    “…. Subalit heto ang ilan sa kanilang mga isasagawa: Patutubuin nila ang iyong pangunahing katangian. Huhulmahin kayo sa inyong mga tungkuling gagampanan sa hinaharap bilang tagapag-ingat ng depensa ng bayan. Palalakasin kayo hanggang sa alam ninyo kung kailan ang kahinaan ninyo, at kung kayo ay may sapat na kagitingan upang harapin ang inyong mga sarili kapag kayo’y datnan ng pagkatakot. Tuturuan kayong magtaas noo at hindi yuyukod sa matapat na pagkabigo, kundi mapagpakumbaba at marahan sa tagumpay; na hindi ihahalili ang mga salita para sa gawa, hindi manununton ng daang maginhawa kundi humarap sa pagkahapo at sa mga tari ng hirap at hamon; pag-aralang tumayo sa unus subalit may pakikiramay sa mga babagsak; ang magpakadalubhasa sa sarili bago tangkaing pamunuan ang iba; ang magtaglay ng pusong malinis, adhikaing mataas; ang pag-aralan ang tumawa, subalit hindi kalilimutan ang tumangis; ang mang-abot sa kinabukasan subalit hindi lilimot sa nagdaang nakalipas; ang maging seryoso subalit hindi masyadong seseryosohin ang sarili; ang maging mapagpakumbaba upang matatandaan ninyo ang kasimplehan ng tunay na kadakilaan, ang nakabukad na kaisipan ng totoong karunungan, ang kababaang-loob ng tunay na pagiging matibay.

    Bibigyan ka nila ng katangian ng determinasyon sa adhikain, mabuting imahinasyon, lakas ng damdamin, kasariwaan sa malalim na balon ng buhay, ng mayamuting pangingibabaw ng lakas ng loob sa takot, ng paghahangad ng pakikipagsapalaran kaysa kaginhawaan. Lilikhain nila sa iyong puso ang damdaming panggigilalas, ng walang pagmamaliw na pag-asa sa anumang susunod, at ang ligaya at inspirasyon sa buhay. Tuturuan kayo sa ganitong wagas na maging opisyal at maginoo….”

    Listen to the podcast for the full speech in Tagalog.

  • MacArthur, was one of the few individuals to achieve a five-star rank, notably served in World War I, World War II, and the Korean War. A recipient of the Medal of Honor and 17 other medals, he distinguished himself as a talented, brave, and able military commander.

    In World War II, MacArthur commanded allied forces in the Asia Pacific, a role that earned him the prestigious Medal of Honor. But his heroism didn't end with WWII nor was it limited strictly to acts of war.

    Although he had been their enemy during World War II, his administration of Japan during the Occupation earned him the admiration of many Japanese. They referred to him as the “Gentle Conqueror,” and were fascinated by his persona.

    Listen to the podcast in TAGALOG for the full story.

    SI HENERAL DOUGLAS MAC-ARTHUR - NAGLAAN NG BUHAY PARA SA

    TUNGKULIN, DANGAL AT BAYAN

    Isa sa siyam na pinakamataas na heneral ng Estados Unidos na nakatanggap ng limang bituin (five-star) sa kasaysayan ng militar-Amerikano si Heneral Douglas MacArthur. Siya rin ang pinakabantog na heneral na Amerikano na hinahangaan at dinadakila sa buong mundo. Nanilbihan itong komander sa Timog-Kanluran ng Pasipika (Southwest Pacific) noong ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan (1939-1945) MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE hanggang MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y SINGKO. Naparangalan ito sa kanyang serbisyo sa kampanya ng digmaan sa Pilipinas at nabubukod-tangi siyang nagawaran ng tungkulin bilang ‘Field Marshal’ sa Puwersa Militar ng Komonwelt ng Pilipinas (Pagsasamang-Yaman ng Pilipinas).

    Si Heneral MacArthur ay nasa pinakamataas na tungkuling militar sa rehiyon ng Pasipika noon nagtagumpay ang Alyansa na pinamunuan ng Estados Unidos na umukupa sa Hapon pagkatapos ng Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan.

    Sa kanyang ginampanang tungkulin noon, sari-sari ang mga kaisipang naihayag tungkol sa kanya. Walang duda ang pagkadakila ng kanyang buhay. At bagaman marami ang gumagalang sa kanya na magsasabi na siya ang pinakadakilang heneral na Amerikano sa kasaysayan, marami din ang nagsasabi na isa siya sa pinakamumuhian ng iba na heneral na nanilbihan sa puwersang Amerikano.

    Ang negatibong kaisipang naiuugnay sa kanya ay maaring sanhi ng kanyang ginampanang papel sa digmaan sa Korea. Gusto niya noon na ‘palakihin’ ang digmaang laban sa Tsina na nangsusuporta sa Hilagang Korea (North Korea) sa kanilang pagsalakay sa Timog Korea. Dumaing noon si MacArthur laban kay Presidente Truman ng Estados Unidos dahil hindi nito pinayagan ang pambobomba sanang isagawa ng Estados Unidos sa Tsina. Tinanggihan noon ni Truman na palakihin ang digmaan sa Asya dahil pahihinain nito ang posisyon ng Amerika sa Yuropa. Sa kaisipan ni Truman noon, Yuropa at hindi Asya ang kinaroroonan ng “Cold War” na siyang mas mahalagang asikasuhin at pananagumpayan ng Amerika. (Ang ‘cold war’ na tinatawag ay alitan ng dalawa o mas marami pang nasyon na hindi gagamit ng mga amunisyon o armas militar. Sa halip ang alitan ay naisasagawa sa kanilang paggamit ng puwersang politika at ekonomiya para mahikayat ng isang nasyon ang kanyang ‘kaalitan’ na nasyon na aayon sa kanyang kagustuhang alituntunin.

    Karaniwan na, sa tiyempo ng ‘cold war’ na nagdadagsaang lumalaganap ang propaganda ng bawat isang nasyon at naisasaganap ang pang-eespiya sa mga lihim na lakas o kahinaan ng bawat isa.

    Sa kaisipan ng mga otoridad ng gobyerno ni Truman noon, ang pagkakasali ng Amerika sa digmaan sa Korea ay digmaang hindi nararapat na pakiki-alaman nila. Ipinasya nila na hindi nararapat ang digmaang iyon sa lugar at sa tiyempong iyon dahil hindi nararapat na taguriang kalaban ang Tsina….

  • Ito ay hango sa naipahayag na kahanga-hangang salaysay tungkol sa isang sundalong Gurkha sa Internet. Ang pangyayaring ito ay naganap sa bandang Kanluran na bahagi ng Bengal sa India noong ika a-DOS (2)ng Setyembre DALAWAMPUNG SIGLO AT SAMPU (2010).

    Katatapos lamang noong magretiro si Naik Bishnu Shresta bilang kasapi ng Pampitong Batalyon ng pang -walong Gurkha sa Riple (7th Battalion 8th Gurkha Rifles) magmula sa armi ng India at siya ay nasa edad ng tatlumpu’t lima (35). Nakasakay siya noon sa tren na Maurya Express biyaheng galing Ranchi na distrito ng Jharkhan sa silangang bahagi ng India. Ang biyaheng iyon ay patungong siyudad ng Gorakhpur sa Uttar Pradesh sa bandang norte.

    Noong magkalagitnaan ng gabi, biglang may mga sumakay na apat na bandido na may mga sandatang baril at mga machete. Marami na noon silang mga kasama na nakasakay sa tren na nagpanggap na mga pasahero. Pagkaakyat ng apat, kaagad silang nagkumpiska at nagsamsam ng mga pitaka, mga supot, maleta, alahas, laptop, relos at mga kargamento ng mga pasahero. Hindi nakakibo at nakakilos ang mga lehitimong mga pasahero samantalang nagsisigaw at nagbanta ang mga tulisan na nagtataas ng mga kampilan. May nakaabot kay Bishnu na nanghingi ng kanyang hawak na mahalaga. Bagamat napupuot na si Bishnu noon, tahimik niyang ini-abot ang kanyang pitaka. Sa mga sandaling iyon, ang sa isip niya ay hindi niya laban iyon. Kung ilang daang pera lang naman ang mawawala, hindi iyan kasing halaga ng buhay na mawawala na kung sakali.

    Biglang sinunggaban ng lider ang isang dalagita na mukhang labing walong taong gulang at sinimulang pinagtangkaang halayin ito sa harap ng mga magulang ng dalaga. Nakaupo ito sa tabi ni Shresta. Pinunit ng bandido ang blusa ng dalaga at sumigaw ang dalaga na nanghingi ng saklolo sa mga pasahero.

    Hindi nakatiis is Bishnu. Hinugot niya ang khukri na dala niya

    at nakatago at sinalakay niya ang nagulat na bandido.

    Sinunggaban niya ang leeg ng tulisan at parang walang anuman

    niya itong binuhat at ginawa niya itong kalasag habang sinalakay

    niyang hinatawan ang bandidong nagtataas at nagwawagayway ng

    kampilan. Umikot nang pabagsak ang natamaang tulisan at

    bumulwak na nagtilamsik ang dujgo sa paligid. Tinangka ng isang bandido na taga-in ang leeg ng dalaga na siyang nakagasgasan ng leeg nito noong parang kidlat na gumalaw si Shresta at bigla na lamang bumagsak ang tulisan.

    Noong naubos na ang mga nasa malapit sa kanya, hiniwa niya ang lalamunan ng tulisang ipinanangsangga niya at hinabol niya ang mga kasamang nagtakbuhang palayo sa kanya. Natamaan ng machete ang kamay ni Shresta at isang ugat ang naputol. Subalit hindi niya inintindi ito. Sa mga tulisang hinarap niya na umabot ng apatnapu ang bilang, tatlo ang kanyang pinatay at walo ang nasugatan ng malubha. Sa nasilayan ng mga mandarambong na kabagsik niya, ipinaglalaglag at binitawan nila ang kanilang mga ninakaw at nagtakbuhan silang nagtalonan mula sa tren para tumakas. Nagtagal ang pangyayaring iyan ng dalawampung minuto. Noong huminto ang tren sa sumunod na estasyon, naroon na ang mga pulisya at mga kasapi sa emergency.

    Isinalaysay ng dalaga ang pangyayari at dinala ng mga pulisya si Shresta sa ospital. Nagtagal siya doon ng dalawang buwan na nagpagaling ng kanyang kamay na nahiwaan ng ugat. Noong sinaliksik ng mga pulis ang mga namatay na bandido at ang mga sugatan nilang mga kasama, nakuha nila ang APATNAPUNG (40) kuwintas na ginto, TATLUMPU’T TATLO (33) na selpon, APATNAPUNG (40) laptop, pera na nagkakahalaga ng mahigit sa APAT NA RAANG LIBONG (400,000) rupiya (rupees), LABING APAT (14) na relos at iba pang mga bagay-bagay na ninakaw.

    Listen to the podcast or the audio YouTube for the full story in tagalog.

  • Kabilang sa tribung Ghale na bahagi ng lahing Gurung sa Nepal si Gaje Ghale. Isinilang ito sa pook ng Barpak sa distrito ng Gorkha si Gaje noong unang araw ng Agosto MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y OTSO (bagaman sinabi niya na ika a-UNO ng HULYO ang petsa ng kanyang kapanganakan. Noong taong MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y KUWATRO. nagpalista siyang batang bagong kaanib. Noong matapos ang kanyang pagsasanay, sumapi siya sa ikalawang batalyon, panglimang grupo ng Riple ng Gurkha Para sa Hari- pangunang puwersa (2nd batallion, 5th Royal Gurkha Rifles – Frontier Force). Nanilbihan siya sa Waziristan, rehiyon ng probinsiyang Khyber Pakhtunkhwa sa bansang Pakistan. Mula MIL NUEBE SIYENTOS TRENTA’Y NUEBE hanggang MIL. NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS, nagtrabaho siyang tagasanay o tagaturo ng sentro ng rehimente sa Abbotabad sa Pakistan. Noong ika – BEYNTE KUWATRO ng Mayo, MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y TRES (1943), mayroon noong isangmalakas na puwersang militar ang mga Hapon na naghahangad na makarating sa Chin Hills. Masukal na kabundukan ang lugar na ito sa norteng patimog ng Burma (myanmar na ngayon). Isiniguro noon ng mga kaaway na Hapon ang kanilang posisyon sa bundok na tinawag na Basha East Hill dahil mahalaga ito upang makapunta ang kanilang malaking puwersa sa Chin Hills. Kinailangan ngayong maagaw LABIMPITUNG (17th) DIBISYON ng mga Indiano na kinabibilangan noon ni Gaje, ang Basha East Hill mula sa kamay ng mga kaaway. Ang puwersang Hapon na kinailangan nilang harapin noon ay ang pang-tatlumpu’t tatlong dibisyon.Ang Basha East Hill ay bahagi ng daang Tiddim (Tedim) Road na may haba na DALAWANG DAAN ANIMNAPU’T LIMANG (265) kilometro. Landas noon itong namag-ugnay ng siyudad ng Imphal sa India at Chin Hills sa kanlurang bahagi ng Burma. Iyong aakyatan noong lugar patungo sa posisyon ng mga Hapon ay mahabang tagiliran ng dalisdis. Ang ibang bahagi nito ay may sukat na labinlimang talampakan (15 ft) lamang ang kanyang kalapad. Dalawang beses na noong tinangka ng kanilang batalyon na bihagin ang lugar subalit hindi sila nagtagumpay. Kinayan silang pinaulanan ng bala at mga paputok ng masinggan ng mga Hapon kasama na ng artileri at mortar sa bandang makubling bahagi ng kagubatan.Sa sitwasyon nila noon sa basha East Hill sa buwan ng Mayong iyon, malaki na ang nawala sa puwersa ng dibisyon nina Gaje. Ngunit upang maharangan nila ang pag-abanse ng mga kaaway na malaking puwersa papuntang Chin Hills, kinakailangan nilang maagaw ang Basha East Hill mula sa mga Hapon. Datapwa’t unti-unti na sila noong nauubos, naatasan si Gaje na maging ‘acting havildar’ at gumanap na pansamantalang sarhento ng grupo.Please listen to the podcast for the full story.

  • Sa publikasyon ng pahayagang London Gazette noong Martes, IKATLO ng Oktubre 1944, nailahad ang papapagawad ng Krus ni Victoria (Victoria Cross- VC) sa sundalong si Agansing Rhai. Kasama sa artikulo ang salaysay ng kaganapan na naging dahilan kung bakit siya pinarangalan.“Ikinalulugod ng Hari na patibayin ang kanyang pagsang- ayon sa parangal na Krus ni Victoria na maibigay kay Bilang ANIM-TATLO-DALAWA-ISA- SIYAM (63219) ‘Rifleman’ o Tagabaril Agansing Rai, ng “Ikalimang Riple ng Gurkha na nanininlnihan sa Hari – Puwersang Unahan (5th Royal Gurkha Rifles-Frontier Force), ng Militar ng India.” – linagdaan noong ika LIMA (5) ng Oktubre, 1944. (Mula sa Opisina ng Digmaan /War Office). Sa mga huling araw ng Hunyo 1944, ang ika-LABIMPITUNG dibisyon ng militar ng India (17th Indian Division) ay kasalukuyan pa noong nakikipag-laban sa Bishenpur ng Timog-Kanlurang bahagi ng siyudad na Imphal. Ang siyudad ng Imphal ay siyang pangunahing siyudad ng estadong Manipor na bahagi ng India. Ito ay mahalagang pagdadaanan para sa mga suplay at iba-iba pang mga kakailanganin at parang landasin lamang na naipit sa mga bundok na kinalikawan niya. Ito ay papuntang Silchar na distrito ng estado ng Assam ng India. Matindi pa rin ang bakbakan sa mga kabundukang ito noon. Naipabalikat sa mga mandirigmang nasa grupo ng PANG LIMANG GURKHA (5th Gurkhas) ang paghadlang at pampahinto sa mga masigasig na.panlulusob ng mga Hapon sa lugar ng Imphal. Kapag mapagwawagiang agawin ng mga kaaway ang Imphal, magiging madali na lamang na makalusot ang mga ito papuntang India. Hawak noon ng mga Gurkha ang daang Bishenpur-Silchar na siyang lugar na kinaganapan ng malaking digmaan.Noong ika BEYNTE KUWATRO (24) at BEYNTE SINGKO (25) ng Hunyo MIL 1944, sa Burma, pagkalipas ng mabangis na labanan, nabihag ng mga kaaway na Hapon na noon ay may malalaking puwersa ang dalawang posisyon na tinawag na “Water Piquet” at “Mortar Bluff.” Natutunghayan ng Water Piquet ang Mortar Bluff na humigit kumulang sa dalawang daang yarda lamang ang kalayo mula doon. Nagsusuportahan sa bawat isa ang dalawang posisyong ito kaya kinailangang pareho silang mabawi.Sa kanlurang gilid ng mga posisyong ito ay masukal na kagubatan. Subalit sa kabilang gilid nila ay patag na tuyot at paakyat papunta sa dalisdis. Ang huling walong daang yarda ay maliwanag na kitang-kita ng mga kaaway. Bago ng kanilang kinaroroonang posisyon ay burol na harang kung kaya nag-iisa lamang ang kanilang maaring daanang entrada. Ang lugar ay lantad sa mata ng mga kaaway at labis na mapanganib para sa sinumang tatawid doon papunta sa target nilang posisyon. Anumang galaw o panlulusob ay kitang kita at sinumang aakyat sa walumpung yardang madulas na dalisdis ay mapapaglaruang pagbabarilin lamang ng mga kaaway bago pa man ito makarating sa ibabaw. Please listen to the podcast for the full story.

  • Isang magiting na may pambihirang lakas ng loob at tibay ng damdamin si Bhanubhakta Gurung. Siya’y naparangalan ng Krus ni Victoria (Victoria Cross) na galing kay Haring Jorge VI ng Britania sa Palasyong Buckingham dahil sa kanyang isinagawang pagbihag at matagumpay na pakikipaglaban na nagsosolo sa isang napakalakas na puwersa ng kalaban na matatag nang nakapuwesto sa hukay na taguan.Naipasakamay sa kanya ang parangal noong ika 5 ng Marso, 1945.Kabilang si Bhanubhakta sa mga Ghurka na galing sa tribung Gurung. Isa ang tribung Gurung sa dalawang pangunahing tribu sa nasyon ng Nepal na pinanggagalingan ng mga nanilbihan sa puwersa na may hawak ng riple noong Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan.Naipanganak si Bhanubhakta sa pook ng Phalpu na nasa burol sa distrito ng Gorkha na nasa Kanlurang bahagi ng Nepal. Sumali siya sa puwersa militar bilang gurkha noong 1939-1940.Nagkakaedad siya noon ng 18 noong siya’y nagpalista. Nagsimula si Bhanubhakta sa serbisyo sa ikatlong batalyon ng pangalawang pangkat ng mga may hawak ng riple na Gurkha (Gurkha Rifles) ni Haring Edward VII. Bahagi ito ng puwersa militar ng India na sa mga panahong iyon ay pinapamahalaan pa ng Britania bilang kolonya niya sa ibayong dagat.Naisali ang grupong ito sa mga espesyal na operasyon ng digmaan na naiutos na dapat isaganap ng napagsamang puwersa militar ng Britania at India sa Burma noong 1943. (Ang bansang Burma ay nagpalit na ng pangalan at kilala ngayon bilang Myanmar.) Binabansagan noon ang mga grupong naatasang magsaganap sa mga operasyong taktikal ng Chindit. Sa mga operasyong iyon noon, ang puwersa sa kampanya ng digmaan ay binubuo ng TATLONG LIBONG (3000) piling pili na mga sundalo. Kinailangan noon na ang mga ito ay napatunayan na ang kabigat at katigas ng kanilang karanasan sa pakikipagbakbakan. Sa panahong iyon, malakas nang nakapuwesto ang mga Hapon sa Burma. Ang misyon noon ng grupong ito na kinabilangan ni Bhanuhakta ay ang lihim na pagpasok sa likuran ng mga hanay ng puwersang Hapon. Pinamunuan noon ni Brigadier Orde Wingate ang nasabing operasyong lihim na paglusob ng mga sundalong taga Britannia.Bago naganap ang enkuwentro na naging daan ng kanyang pagtamo ng parangal, napababa noon ang ranggo ni Bhanbhagta dahil sa kasong ‘pagpapabaya ng tungkulin’ pagkatapos siyang pinagbuntunan ng sisi sa pagsalakay ng maling bundok na ikinagalit nang husto komander ng batalyon. Sa bandang huli napagtanto na sumunod si Bahanbhagta ng utos ng komander ng platun na nasa itaas niya na siyang nagbigay sa kanya ng maling target.Nangyari ang bakbakan na namag-patunay ng namumukod na katangian ni Bhanbhagta noong naglakbay ang ika labing apat (14th) na militar papunta sa lugar ng Mandalay sa gitna ng Burma. Ang naitakda noong gagampanan ng ika-dalawampu’t limang (25) dibisyon na kinasaniban ng mga Gurkha ay kinailangan na magsaganap sila ng pakikibakbakan sa playa ng Arakan sa mababang bahagi ng Burma. Dumaong ang ikatlong (3rd) batalyon na kinasapian ni Bhanubhakta sa lugar na Ru-ywa bilang dibersiyon mula sa opensibong pananalakay ng IKALABING APAT (14th Army) na Armi ni Heneral Sir William Slim papuntang Mandalay at umabanse sa Irrawaddy na ang daanan nila ay ang An Pass. Lumusob silang pumaakyat sa mataas na puesto sa bandang silangan ng lugar na Tamandu. Pook ito sa distrito ng Kyaukpyu na nasa pinaka- kanlurang bahagi ng Burma. Kung mabibihag nila ang lugar na iyon, makakatulong ito sa puwersang Britania na makarating sa Irrawaddy na tatawid sa bundok na tinawag ng An Pass.Listen to the full story on podcast or audio.

  • ANO ANG GURKHA AT SINO SILA?Ang mga Gurkha o Gorkha ay sundalong katutubo ng Timog- Silangan ng Asya (Southeast Asia). Sila ay mga tribung mamamayan ng bansang Nepal at nanilbihan sa puwersa-militar ng Britania sa ilalim ng tatlong dibisyon: Militar ng Nepal, Militar ng India at bilang kasapi ng puwersa ng Singapore. Kilala na ang mga Ghurka/Ghorka na bahagi ng puwersa ng Britania sa laon ng mahigit kumulang sa dalawang daang (200) taon at sila’y naging bantog bilang “Pinakamatapang sa Lahat ng mga Matatapang” (Bravest of the Brave).Noong Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan, kinatatakutan noon ng mga tao ang puwersa ng Imperyong Hapon. Bantog sila sa masidhing pagkabalasik ng mga sundalong Hapon na pumatay at nakakakilabot ang kanilang kalupitan. Subalit sa kabila ng kanilang karahasan at katapangan, kinasisindakan ng mga Hapon ang mga mandirigmang Gurkha.“Sa tradisyon ng mga Gurkha sa militar, kung tungkol sa kanilang pag-eensayo at kung tungkol sa katindi at kalakas ng kanilang loob ang pag-uusapan, ang mga Gurkha ay nabubukod- tangi. Naisasagawa nila ang mga bagay sa labanan na kakatwa sa mga ibang mga mandirigma. Mga bagay-bagay ito na hindi naiisip o malayong naiisip ng mga iba maging iyong mga sanay na sa labanan at napatigas nang mga beterano sa bakbakan.Nakikipagdigmaan ang mga Gurkha na kakaunti lamang sila kahit pa dagsa ang kanilang mga kaaway; nakikipaglaban sila kahit kakaunti ang kanilang mga sandata; itatayo nila ang kanilang posisyon na humarap sa mga kakatwa at imposibleng mga hadlang at malimit na sila ang natitirang matibay na nakatayo at umaani ng tagumpay.Isa sa mga salaysay na makakapatunay sa kagitingan at katapangan ng Gurkha ay ang pangyayaring naganap tungkol kay Lachhiman Gurung sa Burma.Gabi noon ng petsang ika-labing dalawa (12) ng Mayo sa pook ng Taungday sa Burma noong biglang linusob ng dalawang daang (200) Hapones ang base militar ng lupon na kinabibilangan ni Lachhman Gurung.Ang kanyang kinaroroonang hanay ay siyang nangungunang umaabanse. Doon sa kanilang pinagtaguang mga hukay na may mga barikada, sunod-sunod ang pumuputok na apoy tungo sa kanila mula sa mga baril ng mga kaaway nilang Hapon. Kaalinsabay ng mga paputok ang mga granadang ibinato ng mga kaaway sa sulok na pinagkublian nila. Agad na pinulot ni Gurung ang dalawa sa mga naibato sa kanilang mga granada at pabalik niyang inihagis ito sa kadiliman na kinaroroonan ng mga dalawang daang (200) kalabang Hapon.Listen to the podcast or audio for the full account.8

  • Salaysay ito tungkol sa buhay ng isang lalaking kilala sa pangalang Andres. Kilala siya sa kanyang bayan dahil sa dagsa na kanyang mga ginagawang pagtulong sa mga tao at pagsilbi sa komunidad. Marami siyang mga isinagawang personal na sakripisyo dahil sa habag niya sa mga tao at upang makatulong. Malimit siyang tumatayong sandalan ng mga taong walang kakayahan. Masigla siayng tumutulong sa mga nangangailangan ng tulong. Hindi siya nababagot na gumawa ng lahat ng kanyang makakaya upang ipagtanggol ang mga mahihirap at naa-alipusta. Habang siya’y nagkakaedad, minithi ng mga taong kanyang tinulungan na parangalan siya. Subalit tumanggi siyang tumanggapng anumang parangal na gustong igawad sa kanya ng komunidad.

    Sa unang pagkatataon, isinalaysay niya ang isang pangyayaring bumalot sa kanyang prinsipyo sa buhay.Panahon noon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Labing tatlong taon si Andres at siya ay nakatira sa bayan ng Austria noong dumating ang mga Aleman na sumakop sa bayang ito. Matapang at mataas ang kumpiyansa sa sarili ng mga mamamayan sa Austria at ipinasiya nilang lalaban sila.

    Sa bayan na kinaroroonan noon ni buong pamilya ni Andres, nagkaisa lahat ang mga lalaki, bata o matanda , na sisirain nilang isabotahe ang planta ng elektrisidad sa bayan na iyon upang hindi ito magamit ng mga sumakop na mga Aleman laban sa kanila.Alam lahat ng mga natipun na mga lalaking mamamayan na ang kanilang isasagawang sabotahe ay magiging sanhi ng pagpapahirap sa kanila ng mga Aleman dahil doon din galing ang elektrisidad ng gamit ng sambayanan.

    Subalit ang hindi nila napaghandaan ay ang agad-agarang pagpaparusa na isasagawa ng mga mananakop na Aleman sa kanila.Kina-umagahan ng araw na kanilang isinagawa ang pagsira sa planta ng elektrisidad, dumating ang sunod-sunod na mga trak na lulan ang mga Alemang sundalo. Narinig ng mga mamamayan ang ugong ng mga dumating na mga sasakyan bago nagbukang liwayway.

    Listen to the podcast/ audio for the full story.

  • Noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan, naipadala ang mga nahuling mga bilanggong Hapones na sundalo sa mga kampo na hawak ng mga puwersang Alyansa sa nasyon na Burma. Ang bayang ito ay kilala ngayon sa pangalang Myanmar.

    Isa sa mga grupong militar na Hapon na nabilanggo ay nagngangalang Kiku (Chrysanthemum). Naipadala ito sa kampo sa siyudad na Rangoon ng bansang Burma. Isang masukal at ilang na kakahuyan ang kanilang nilinis at ginawang kampo. Nabakuran ito ng alambreng may tinik. Ang mga guwardiya doong may hawak na mga bayoneta ay mga sundalong gurkha na nasa otoridad ng Britania. Ang mga sundalong gurkha ay mga galing sa bayan ng Nepal subalit naninilbihan sa militar na Ingles ng Britania.

    Nagpatayo ang mga bihag na Hapon ng tolda magmula sa mga suplay na ibinigay ng militar ng Britania at nagtipun-tipon silang malaking lupon. Kinukulang ang naibibigay sa kanilang pagkain.Naitakda ang sukat ng kanilang kakainin at malimit na tuyong mga gulay ang naibibigay sa kanila. At gaya ng inaasahan hindi sila nabibigyan ng tabako o sigarilyo. Namumulot noon ang mga bihag na Hapon ng upos ng sigarilyo kapag sila’y naipapadala sa siyudad upang magtrabaho. Ito ang kanilang sinisipsip at ginagawang tabako.

    Isang araw, nagulat ang mga Hapon noong mayroong naipamahagi sa kanilang sake na nasa maliit na lata na iniinuman.Nagpasapasahan nila noon ang lata. Bawat isa ay lumunok ng isang lunok para makikibahagi silang lahat sa naroong inumin sa maliit na lata. Marami sa kanila ang napaluha kahit man lamang sa amoy na pamilyar na iyon na nakapagpaala-ala sa kanila ng pananabik sa kanilang sariling lupa.

    Listen to the podcast/audio for the full story.

  • Sumabog ang digmaan ng nasyong Korea magmula 1950 hanggang 1953. Ang digmaan ay sa pagitan ng Norteng Korea at ang Timog Korea. Nangyari ang labanan na ito dahil sa magkasalungat na sistema ng kanilang gobyerno at sosyedad. Komunista ang Norteng Korea at demokratiko ang Timog.Nagsimula ang digmaan sa pagitan nila noong nilusob ng hukbo ng Norteng Korea sa ilalim ni Kim Il Sung ang Timog na bahagi ng bansa.

    Dahil sa pangyayaring ito, namunong maghikayat ang Estados Unidos na lider ng demokrasia sa mundo ng tulong at suporta para sa Timog Korea. Isa ang Pilipinas sa DALAWAMPU’T DALAWANG (22) nasyong demokratiko na nagpadala ng tulong at suportang militar sa Timog Korea. Ang Norteng Korea ay siunportahan din ng Rusya at Tsina na kapwa komunista ang sistema ng kanilang gobyerno at pamumuhay.

    Ang Pilipinas ang siyang pinaka-unang nasyon ng Asya at ikatlong nasyon sa buong mundo na nagpadala ng tulong na militar sa Timog Korea. Sumunod na nagpadala dito ang Estados Unidos at Britania.Nagpadala din ang iba-ibang mga nasyon ng Timog-silangan (Southeast) ng Asya ng kanilang mga sundalo sa Timog Korea magmula 1950 hanggang 1955.

    Dumating ang unang tropa ng mga sundalo sa bayan ng Busan noong ika 19) ng Setyembre,1950. Mayroon na noong karanasan ang mga Pilipino dahil hindi pa noon naglalaon na nagtapos ang Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan. . Marami sa mga sundalong Pilipino ang mga kabataan noong sila’y ipinadala sa Timog Korea. Bumilang ng 7,420 ang mga sundalong Pilipino na nambuo ng limang batalyon na nagsilbi sa digmaan na iyon. 112 ang mga sundalong Pilipino na napatay a hindi na nakuha ang bangkay o nahana (missing in action); 288 ang nasugatan o nasugatan ng malubha, 16 ang hindi na nahanap at naibalik at 41 ang nahuli at naging bihag sa digmaan.

    Sa digmaang ito, may sumibol na mga sundalong Pilipino na nakilalang bayani at pinarangalan ng Estados Unidos ng pinakamataas na gawad na maaring maibigay ng gobyerno ng Estados Unidos sa isang sundalong hindi Amerikano subalit kaalyansa. Ito ang Krus ng Ulirang Serbisyo (Distinguished Service Cross). Sa digmaang ito, 794 ang medalyang iginawad ng Estados Unidos na Distinguished Service Cross. Labing tatlo lamang ang nagawaran nito na hindi Amerikano.Ang parangal na ito ay pangilala sa kakaibang kagitingan at kadakilaan na sakripisyo sa serbisyong militar sa digmaan.

    Dalawang Pilipinong sundalo ang naparangalan nito. Ito ay sina Kapitan Konrado Yap at Tenyente Jose Artiaga, Jr. Namatay ang dalawang bayaning ito habang sila ay nasa serbisyo bilang sundalo ng bayan dahil sa ang Pilipinas ay miyembro sa Napag-isang Liga ng mga Nasyon (United Nations Organisation).

    Naigawad sa kanilang mga naulilang pamilya ang kanilang mga medalya ng parangal at pasasalamat sa kanilang serbisyo.Kasapi si Kapitan Conrado Yap bilang komander ng Pang- sampung Batalyon ng Hukbong Mandirigma (10th BCT Combat Team). Nagsilbi din siyang pinuno ng platun na nasa pangangasiwa noon ni Tenyente Jose Artiaga, Jr.

    Nakalahad sa dokumento ang pangilala sa mga nagawa ni Kapitan Yap ang mga sumusunod na naisulat noong ika14ng Disyembre, 1951):“…Ang Presidente ng Estados Unidos ng America, sa ilalim ng mga probiso ng “Act of Congress” na naaprobahan noong ika 9 ng HULYO, 1918, ay buong pagmamapuring maggagawad ng Bantog na Krus ng Serbisyo (Distinguished Service Cross) (Posthumously-sa ala-ala)kay Kapitan Conrado D. Yap, ng Hukbong Militar ng Pilipinas, para sa kanyang kakaibang kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga armadong kaaway ng Liga ng mga Nasyon habang siya’y naninilbihan sa Ika-sampung Batalyon ng Hukbo ng mga Mandirigma, ng Puwersang Ekspedisyonarya ng Pilipinas (Philippine Expeditionary Force) sa Korea, sa bakbakan laban sa mga kaaway sa Yuctong, Korea noong ika 22 at 23 ng Abril, 1951…

  • Isang bihag ng digmaan ang naipadala sa isang pook na nagngangalang Baofeng sa siyudad ng Pingdingshan. Ang lugar na ito ay sakup ng probinsiya ng Henan sa Tsina. Si Uchida Kanji ay nasa destino noon bilang opisyal sa lugar na Lushan.

    Noong dumating ang bihag na Tsino sa garison ng mga Hapon, pinaupo ng opisyal na Hapon ang bihag sa opisina ng naatasang opisyal na pinuno ng garison.Noong dumating ang gabi, nagpakuha si Uchida Kanji ng pagkain para sa bihag mula sa kusina ng kampo. Ang pagkaing pinakuha niya ay kagaya ng kanyang sariling pagkain bilang opisyal. Habang sinasabihan ni Kanji ang bihag na tikman muna lang niya ang pagkain at baka may lason iyon, isinabay din niyang pinaluwagan ang posas sa mga kamay ng bihag.

    Napansin ni Kanji na parang nagutom nang husto ng ilang araw ang bihag dahil mabilis niyang nilunok ang pagkain nang wala nang nguya-nguya pa.Sa sumunod na araw , naghintay si Uchida ng utos at instruksiyon mula sa opisyal na nasa itaas niya at habang siya’y naghihintay, nang-atas siya ng guwardiyang magbantay sa bihag sa gabi upang hindi ito makatakas. Binabalaan din niya ang bihag na huwag na huwag siyang magtangkang tumakas.

    Sa sumunod na umaga, nakatanggap ng bilin si Uchida mula sa Unang Tenyente sa itaas niya. Ibinilin sa kanya na kailangan niyang patayin ang bihag.Naisip ni Unchida na kapag dalhin niya ang bihag sa sulok ng pook, masisilayan ng mga residente na mga sibilyan ito. Makikita nila ang kanyang isasagawa. Ang pook na iyon ay teritoryo ng mga kalaban sa mga nakaraang buwan bago naokupahan ng mga sundalo ito ng Hapon. Sa gayun, malaki ang posibilidad na mayroong sundalong kalaban na nagpapanggap na sibilyan sa mga nakatira sa pook.

    Natanto ni Uchida na kung papatayin niya ang bihag, ito ang magiging dahilan na titindi ang pagkamuhi ng mga taga pook na iyon sa mga sundalong nakadestino doon. Sa mga panahon na iyon, bumibilang ng limampu sina Uchida kasama ng ibang mga sundalong Hapon na naroroon at nasa ilalim ng Tenyente sa garison ng Baofeng. Ang mga sundalong ito ay mga naihiwalay sa kani-kanilang mga grupo dahil hindi na sila makakayang makipagdigmaan.Dagdag pa doon, iyong tatlong naatasang mga opisyal nila, pati na si Uchida ay mga kalalabas lamang sa ospital dahil sa kanilang mga pinsalang natamo sa pakikipagdigmaan. Sa totoo lamang, wala sila sa kundisyon na lumaban.Dalawa sa mga bihag ang Koreano at isa sa kanila ang hindi nakakapagsalita ng salitang Hapon. Sa kanilang pagpunta noon sa kabayanan, ang unang bihag ay naisakay sa kariton na hinihila ng kabayo.

    Marami sa mga nakatira sa pook na nakalinya sa tabi ng daan, ang nakakita kina Uchida at sa mga bihag na hawak nila. Malinaw ang pagkapoot sa mga mata ng mga mamamayan na nakatingin kina Uchida.

    Listen to the podcast for the full story

  • Sa isang bakbakan na nangyari noong Ikalawang Digmaang Pang-sandaigdigan, isang sundalo ng Alyansa ang napahiwalay sa kanyang batalyon habang sila’y nadestino sa isang isla sa Pasipika. Mabagsik at matindi ang nangyayaring bakbakan na namamagitan sa mga magkalabang sundalong Alyansa at mga sundalong Hapon.Matindi ang lumaganap na usok na bumalot sa kapaligiran. Galing ito sa walang humpay na barilan at pagputok ng mga dinamita at tangkeng pandigmaan sa magkabilang panig. Dahil sa tila wala nang makitang malinaw sa paligid at dahil sa mga nagliliparang bala sa ibabaw ng mga hinukay na taguan ng mga sundalo, hindi napansin ng sundalo na siya’y napahiwalay na salupon ng kanyang mga kasama.Napagtanto niya na nag-iisa siyang napadpad sa masukal na kakahuyan at naririnig niya ang mga sundalong kalaban na patungo sa direksiyon na kanyang kinaroroonan. Kaagad siyang naghanap ng mapagtataguan. Umakyat siya sa isang burol na bato na nagdagsaan ng mga maliliit na mga butas at mga kuweba at dali- dali siyang gumapang na pumasok sa isa sa mga maliliit na kuweba. Bagaman pansamantala siyang nakaiwas sa panganib sa mga sandaling iyon, alam niya na hindi maglalaon ay maaring umakyat ang mga kalaban na maghanap ng mga kalabang kagaya niya. Makikita nila ang mga maliliit na mga kuweba at tiyak na uusisain nila lahat ang mga ito.Nanginig siya noong napagtanto niya na siguradong makikitasiya at sigurado na siyang mamamatay siya sa pagkakataong iyon sa kamay ng mga kalaban.Kumubli siya ng walang kaingay-ingay habang naghintay siya kunga no ang mangyayari. Hindi siya huminto sa kanyang taimtim na pagdarasal “Mahal na DIyos, kung siya pong inyong kalooban, nagmamakaawa po akong kanlungin Ninyo ago. Gayunpaman, anuman ang Inyong kalooban, mahal na Diyos, nasa kamay ninyo po ang palad ko, Amen.”Pagkatapos ng taimtim niyang pagdasal, nanatili siyang hindi gumalaw at nanatili ang katahimikan habang pinakinggan niya lahat ng kaluskos at anumang huni sa kanyang kapaligiran dahil alam niyang palapit na nang palapit sa kinaroroonan niya ang mga kalaban. Napagtanto rin niya na ang sulok na kanyang kinalalagyan ay wang iba siyang lalabasan . “Palagay ko, maaring hindi mapakinggan ang aking dasal,” naisip niya.Sa sandali ring iyon, napuna niya ang isang gagamba na nagsimulang naghabi ng kanyang sapot sa bukana ng kuweba. Habang minatyagan niya ang gagamba, nanatiling matalas siyang nakiramdam at nakinig sa mga galaw ng mga kalaban na, batay sa huni ng mga yabag nila ay mayroon nang palapit nang palapit sa kanyang kinaroroonan. Naramdaman niyang nagsimulang namuo ang malamig na pawis sa kanyang likud at noo. Samantala, pursigido ang gagambang naghabi ng mabilis ng bahay niya. Masipag ito at mabilis na nambuo ng bahay niya na nangtakip sa bukana ng kuwebang pinagtaguan ng sundalo. Hindi nagtagal at buo nang natakpan ng sapot ang bukana.Listen to the podcast for the full story.