Episoder
-
Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas muli ng isang lihim na pilit na niyang tinatakasan. Ito ang secret file ni Em.
-
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag ang katotohanang hindi niya inaasahan.
-
Manglende episoder?
-
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng kanyang pagmamahal sa girlfriend niya, isang gurong buong puso niyang minahal at pinangarap makasama habambuhay. Ngunit, matapos magbago ang pakikitungo ng pamilya nito at pilitin silang paghiwalayin, unti-unting nasubok ang kanilang relasyon. Sa gitna ng sakit at pagsubok, isang insidente sa kanyang trabaho bilang pulis ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanilang buhay. Ito ang secret file ni KG.
-
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang tila perpektong pamilya at huwarang asawa na nakilala niya pa sa kanilang simbahan. Ngunit, matapos ang ilang buwan mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unting nagbago ang ikinikilos nito hanggang sa isang palihim na pag-check sa cellphone ang tuluyang nagbunyag sa isang napakasakit at nakakagulat na sikreto. Ito ang secret file ni Maricel.
-
Ibinahagi ng sender kung paano muling nagkrus ang landas nila ng kanyang high school crush matapos siyang maging single mom. Sa kabila ng distansya at mahigpit na pagsasanay bilang sundalo ng lalaki, nanatiling matatag ang kanilang komunikasyon at unti-unting nabuo ang isang pag-iibigan na puno ng pangako at pag-asa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, may mga hamong darating na susubok kung sapat ba ang pagmamahal para talunin ang panahon at tadhana. Ito ang secret file ni Angi.
-
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanilang 15 taong pagsasama ng asawa na minsan niyang inakalang perpekto. Ngunit, isang gabing hindi sumasagot ang kanyang asawa sa tawag, may narinig siyang mga ungol at boses ng ibang babae sa kabilang linya. Doon nagsimulang mabunyag ang isang pagtataksil na sumubok sa kanyang pagmamahal, pagtitiwala, at kakayahang magpatawad. Ito ang secret file ni Naya.
-
Ibinahagi ng sender ang kaniyang saloobin matapos matuklasan sa CCTV na ang kaniyang partner ay lihim na nanonood ng malalaswang video at doon nagpaparaos tuwing wala siya sa bahay. Dahil sa kaniyang pinagdaraanang menopause, labis siyang binabalot ng insecurity habang tinatanong ang sarili kung sapat pa ba siya sa paningin ng kaniyang pinakamamahal. Ito ang secret file ni Andrea.
-
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pinagdaanan matapos ang relasyon kung saan ginawa siyang kabit for 4 years ng isang lalaking akala niya ay tapat. Unti-unting bumagsak ang mundo niya at hanggang ngayon, hindi niya tanggap ang masakit na katotohanan sa likod ng matagal nilang pagsasama. Ito ang secret file ni El.
-
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na walang ibang hinangad kundi ang magsakripisyo at kumayod sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ngunit, sa kabila ng distansya at pangungulila, ang tiwalang buong puso niyang ibinigay ay binaligtad ng pagtataksil ng sarili niyang partner kasama ang team leader nito. Sa likod ng kanyang pagiging matatag, may mga malalalim na sugat at trauma na pilit pa ring naghihilom hanggang ngayon. Ito ang secret file ni May.
-
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang taong lumaki na hinahanap ang pagmamahal ng pamilya, pero unti-unting nasanay na harapin ang lungkot nang mag-isa. Sa likod ng pagiging matatag at palangiti, may mga sugat, trauma, at laban na hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang naghihilom. Ito ang secret file ni Irish.
-
Ibinahagi ng sender kung paano niya nahuling may itinatago sa Asawa niya ang kapatid niyang Boss niya rin sa opisina. Bilang kapatid at empleyado, dala-dala niya ngayon ang bigat ng isang sikretong puwedeng sumira sa pamilya, trabaho, at lahat ng pinaghirapan nila.
-
Ibinahagi ng sender ang masayang buhay nilang magkapatid bago tuluyang magbago ang lahat dahil sa pagkamatay ng kanilang Mommy sa breast cancer. Pagkatapos mawalan ng magulang, unti-unti na ring gumuho ang dati nilang pamilya. Lumayo ang loob ng Daddy nilang pulis at doon na rin siya naligaw ng landas habang nilalamon ng lungkot, depresyon, at masasamang impluwensya. Hanggang sa dumating siya sa puntong gumawa ng mga bagay na hindi niya inakalang magagawa niya ang mga desisyong tuluyang nagpabago sa buhay nilang magkapatid. Ito ang secret file ni Candy.
-
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang isang OFW sa Dubai na matagal na ring nakalimutang mahalin ang sarili matapos ang walong taong relasyon na puno ng sakit, pagdududa, at pananakit. Sa gitna ng pagod at lungkot sa ibang bansa, hindi niya inaasahang may isang lalaking unti-unting magpaparamdam sa kaniya ng halaga at pagmamahal na matagal niyang hinanap. Nagsimula sa simpleng chats at tawagan, hanggang sa isang gabing may narinig siyang mga salitang tuluyang tumagos sa puso niya mga salitang nagpaniwala sa kanya na deserve din pala niyang mahalin nang tama. Ito ang secret file ni Nathalie.
-
Ibinahagi ng sender nating ang halos siyam na taong relasyon na puno ng paulit-ulit na panloloko, pag-asa, at pagpapatawad. Nagsimula ang lahat sa simpleng usapan sa Instagram noong high school, hanggang sa nahulog siya nang todo sa lalaking ilang beses siyang ginawang second option. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, pinili pa rin niyang manatili dahil sa pagmamahal. Pero, isang rebelasyon mula sa isang inosenteng bata at isang lihim na usapan sa cellphone ang muling dumurog sa pusong pilit niyang binubuo. Ito ang secret file ni RJ.
-
Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang gasoline boy sa Tacloban. Biglang nagkaroon ng kulay ang araw-araw niyang trabaho nang dumating si Donna. Dito siya napaisip na nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan. Pero, isang simpleng reply sa text ang hindi niya inaasahan at doon biglang nag-iba ang lahat. Ito ang secret file ni Bob.
-
Ibinahagi ng sender nating ang mabigat na desisyong kinaharap niya matapos niyang iwananan ang partner para alagaan ang ex na may sakit na siya ring ama ng anak. Unti-unting nasubok ang puso niya sa pagitan ng nakaraan na puno ng sugat at kasalukuyang ayaw siyang mawala. Ito ang secret file ni Sam.
-
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan nang siya ay nabuntis ng lalaking may girlfriend na pala. Sa likod ng mga pangako at pagmamahal, lumabas ang matinding katotohanan na nagdala sa kanya sa isang emosyonal na krisis at mabigat na desisyon sa buhay. Ito ang secret file ni Zian.
-
Ibinahagi ng sender na unti-unting nahulog sa best friend niyang straight kahit bakla siya. Unti-unti ring lumaki ang tanong kung may pag-asa ba ang nararamdaman niya o hanggang kaibigan lang talaga. Ito ang secret file ni Axell.
-
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang kwento kung paano siya nilait ng Asawa niya sa kabit nito habang pilit niyang binubuo ang kanilang pamilya. Hanggang saan kaya kayang magtiis ng isang babaeng paulit-ulit nasasaktan pero patuloy pa ring lumalaban para sa anak at pagmamahal? Ito ang secret file ni Sapphire.
- Vis mere