Episodes
-
Huwag habulin ang tao na lagi kang nilalayuan. Dahil kung siya ang itinakda ng panahon, hindi na kailangan pa ng habulan. Pakinggan ang kwento ni Brenda sa Barangay Love Stories.
-
Kung may mga mag-BFF, may super mega BFF din tulad nina Sharon at Glenda. Bilang magkaibigan marami na silang pinagsamahan kaya nang maging mag jowa ang mga pinakamamahal nilang anak, super na-excite talaga ang mga nanay na ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ang relationship ng mga mag-jowa. At dahil babae ang anak ni Sharon, ayaw niya talagang dehado ang kanyang unica hija kaya ang away ng anak niya, giyera na para sa kanya! Pakinggan ang kwento ni Sharon sa Barangay Love Stories.
-
Missing episodes?
-
Huwag pakasigurado sa kinatatayuan ngayon dahil kapag tadhana ang nangalabit, magbabago ang sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.
-
Ang mga taong takbuhan, sa huli kadalasan ay naiiwan dahil karaniwan nilang binabaliktad ang silbi ng puso sa isipan. Pakinggan ang kwento ni Justin sa Barangay Love Stories.
-
Matalik na kaibigan ni Raya si Albie, nagtayo sila ng milk tea shop together at magkasama rin sila sa pagma-manage ng shop na iyon. Maayos ang business nila, maganda ang kita pero noon hanggang ngayon, issue kay Raya ang isa pang best friend ni Albie na si Gino. Chef si Gino at pet peeve siya ni Raya. Lahat ng ayaw ni Raya, ginagawa ni Gino para magpapansin, at ito namang si Albie medyo support din sa kaibigan niyang si Gino. Hanggang sa ang unti-unti ngang napapalapit na si Raya at Gino sa isa’t-isa kaso nabulilyaso rin ito nang malaman ni Raya na gumawa ng dummy account si Gino para pagtripan siya sa chat. Pakinggan ang kwento ni Raya sa Barangay Love Stories.
-
Buksan ang puso't isipan para maunawaan ang hindi maintindihan. Marami nang problema sa mundo kaya 'wag nang dumagdag sa mga negatibo. Pakinggan ang kwento ni Mariel sa Barangay Love Stories.
-
Itinatanim sa tahanan ang binhi ng pagmamahalan. Samahan pa ng sapat na alaga at dilig, magiging mayabong ang bunga ng pag-ibig. Pakinggan ang kwento ni Ahvi sa Barangay Love Stories.
-
Hindi pa handa si Diony na magkaroon ng sariling pamilya pero dise-otso pa lamang siya ay pinakasal na siya ng mga magulang niya. Imbes na maging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-anak, pinagmalupitan sila ni Diony lalo na kung nalalasing ito. Masipag ang asawa ni Diony pero hindi niya iyon ikinatuwa, naging insecure siya kay Wendy. Hinila ni Diony ang pamilya niya sa kahirapan at pinalaki sa kamay na bakal ang kanyang mga anak hanggang sa biglang bawian ng buhay si Wendy. Pakinggan ang kwento ni Diony sa Barangay Love Stories.
-
Ang mga tsismosa ay magaling manghusga kahit hindi alam ang buong istorya. Sila-sila lang din ang nagkakaintindihan kahit hindi naman alam ang buong katotohanan. Pakinggan ang kwento ni Jade sa Barangay Love Stories.
-
Ang buhay ay walang kasiguraduhan lalo kung tadhana na ang pumaraan. Asahan na may mga gulat na mararanasan at baka balang araw, tatawanan mo na lang 'yan. Pakinggan ang kwento ni Issa sa Barangay Love Stories.
-
Magiging malala ang isang alitan kung ang parehong panig ay nagpapataasan. Thirty years nang hiwalay si Baby at Rogelio, kasal pa rin sila pero hindi na sila nagsasama. Naka move-on na raw si Baby pero nang bigla niyang makita ulit ang kanyang asawa, muling nagbalik ang galit at inis niya kay Rogelio. Pakinggan ang kwento ni Baby sa Barangay Love Stories.
-
May mga tao na ayaw pa ng anak pero hindi ibig sabihin ay wala silang balak. Marahil ay hindi pa sila handa dahil ang mundong ginagalawan nila ay 'di ligtas para kanyang magiging anak. Pakinggan ang kwento ni Elmi sa Barangay Love Stories.
-
Ang wagas na pag-ibig kailanman'y hindi madadaig. Maaaring masanay na wala na siya sa iyong buhay pero ang pagmamahal na tunay ay ‘di mawawalay. Pakinggan ang kwento ni Annie sa Barangay Love Stories.
-
Sa Maynila nakikipagsapalaran ang mga taga-probinsya para makahanap ng trabaho, tulad ni Kristel at ng asawa niyang si Abel. Pero dahil lumalaki na ang kanilang mga anak at mas magastos na ang pamumuhay sa Maynila, nagdesisyon silang umuwi na sa probinsya ni Abel sa pag-asang mas gagaan ang pamumuhay nila doon. Sa kasamaang palad, hindi naging madali ang pagsisimula nilang muli sa probinsiya pero wala naman na silang ibang choice kun’di ang lumaban ulit sa buhay at magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Kristel sa Barangay Love Stories.
-
Ang relasyon ay maikukumpara sa trabaho minsan. Kailangan mo din ng break time para mag-recharge at muling sumabak sa laban. Pakinggan ang kwento ni Charlene sa Barangay Love Stories.
-
Hindi nakaguhit sa palad ang ating kapalaran kaya anumang pagsubok ay hindi dapat atrasan. Ang buhay ay isang malaking laban at walang mapapala kung ito'y susukuan. Pakinggan ang kwento ni Leena sa Barangay Love Stories.
-
Maalagang anak si Anthony, pangarap niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga magulang. Pero naging malungkot ang mundo nang biglang pumanaw ang kanyang ama. Para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay, pinaupahan nila ang opisinang naiwan ng kanyang tatay. Agad namang nakahanap ng uupa ang kanyang ina, walang iba kun’di ang BFF nitong si Bebang. Bakla si Bebang at malalim ang pinagsamahan nila ng nanay ni Anthony. Kaso si Anthony, may malalim na galit pala sa mga bakla at wala pang sinuman ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Pakinggan ang kwento ni Anthony sa Barangay Love Stories.
-
Mahirap mawalay nang matagal sa taong minamahal. Pero malayo man kayo sa isa't-isa, buo ang pag-asa sa inyong muling pagkikita. Pakinggan ang kwento ni Rowan sa Barangay Love Stories.
-
Hindi mo madarama na ikaw ay malaya kung sa simula pa lang ng relasyon ay may hindi na tama. Ganyan ang pakiramdam ni Ehra dahil nagpalandi siya sa boyfriend ng empleyado niya. Pakinggan ang kwento ni Ehra sa Barangay Love Stories.
-
Walang masama kung gugustuhin mong magkaroon ng mayamang karelasyon. Pero kung plano mo lang gamitin ang pera ng jowa mo at hindi mo talaga siya mamahalin nang totoo, iyon ang mali. Gusto rin ni Madie ng maperang boyfriend at nahanap niya nga iyon. Maayos naman sanang girlfriend si Madie kaso si Larry, masakit magsalita, ayaw na ayaw nitong nag-aayos siya at madalas niyang insultuhin si Madie. Kaya nang bumalik ito sa ibang bansa, nakahinga-hinga nang maluwag si Madie at nakahanap pa siya ng bagong lalaking lalambing sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Madie sa Barangay Love Stories.
- Show more