Episodes
-
Taralets! Pakinggan ang biyahe sa musika ni Aries Silverio for today's episode sa Kuwentong Biyahe The Podcast!
-
Taralets! Bagong episode with singer-songwriter, Elaisha!
-
Missing episodes?
-
Kuwentuhang musika tayo with Kaloy Diokno!
-
Good vibes na usapan kasama ang Orange District! Taralets!
-
Taralets sa isa na namang masaya at solid na kuwentuhan kasama ang singer-songwriter na si Mr. Ronnie Lee!
-
Taralets sa isa na namang episode sa Kuwentong Biyahe The Podcast with Eugenie Tan!
-
ALL NEW EPISODE sa Kuwentong Biyahe The Podcast with musician, singer-songwrite, Mr. Bright!
-
Mga ka-biyahe, we are so back with a new episode kasama ang singer-songwriter na si Denin Sy!
TARA?
-
Kuwentuhang faith, musika tayo for today's episode sa Kuwentong Biyahe The Podcast with Kuys Bambi Urgino! Tara!
-
Kuwentuhang musika, sining, at kuwentong buhay ng dating OFW tayo with Ronald Mendoza for today's episode sa Kuwentong Biyahe The Podcast!
-
Bagong episode, solid na kuwentuhan tungkol sa pagtatanghal at pagsusulat ng spoken word kasama si Jid Garrido ng Laya PH dito sa Kuwentong Biyahe The Podcast! Tara!
-
Mga ka-biyahe, after weeks of being away from the podcast, we grab again the mic for more stories, and this time, kakuwentuhan natin ang bandang The Mox! Tara na!
-
So, break muna tayo sa guests. Solo flight muna tayo for this episode!
Catch up and life update folks!
-
And we are so back! Matapos ang ilang buwang pamamahinga, we are back on the podcast with Melissa Corpus! Tara!
-
Catch today's episode with musician, music minister Direk Leo Esteban!
Tara, biyahe tayo!
-
Usapang teatro tayo with Kuya Jeff Escaros for today sa Kuwentong Biyahe The Podcast!
-
Mga ka-biyahe! Usapang pelikula, musika kasama si Kabuwanan!
-
Mga ka-biyahe! Isa na namang solidong kuwentuhan kasama ang spoken word artist, Jeff Bago! Tara!
-
It's the start of the Holy Week, mga ka-Biyahe, and for today, our guest Sir Danny Del Sol talks about his passion for art, faith and for serving others.
Tara. Biyahe na tayo.
-
Mga ka-Biyahe! Isang solidong kuwentuhan tungkol sa tula, at iba kasama si Dr. Michael M. Coroza!
Si Michael M. Coroza ay Full Professor at kasalukuyang Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino sa School of Humanities ng Ateneo de Manila University. Nagtuturo ng Panitikang Filipino, Malikhaing Pagsulat (Tula), at Pagsasaling Pampanitikan, hawak niya dito ang Rev. Fr. Horacio de la Costa, S.J. Professorial Chair in History and Humanities mula noong 2012. Makata, mananaysay, at tagasaling pampanitikan, nagkamit siya ng mga pangunahing gantimpala at pagkilala mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at National Book Development Board (NBDB). Tinanggap niya mula sa Kamahalan ng Thailand ang SEAWRITE Award noong 2007. Awtor siya ng mga aklat ng tulang Dili’t Dilim (1997), Mga Lagot na Liwanag (2002), May Di-Mawaglit na Awit (2021), at ng mga aklat-pambatang Imbisibol Man ang Tatay (2009), Ang mga Kahon ni Kalon (2010), Ang mga Lambing ni Lolo Ding (2012), at Nawawala si Muningning (2015). Inilathala ng KWF at NCCA ang salin niya sa Filipino mulang orihinal na Español ng La Revolucion Filipina (Ang Rebolusyong Filipino, 2015) ni Apolinario Mabini at Junto al Pasig (Sa May Ilog Pasig, 2016) ni Jose Rizal. Tagapagtaguyod ng pagtatanghal ng tula at isang mambabalagtas, kinatawan niya ang Filipinas sa 10th Kuala Lumpur World Poetry Reading sa Malaysia (2004), Korea-ASEAN Poetry Festival sa Indonesia (2011), Sharjah Children’s Reading Festival sa United Arab Emirates (2018), Neilson Hays Bangkok Literature Festival sa Thailand (2019), at Payakumbuh Poetry Festival sa Indonesia (2022). Siya ang M sa MTV (Mike Coroza, Teo Antonio, Vim Nadera) ng Panulaang Filipino na nagtanghal ng Balagtasan sa mahahalagang okasyong pangkultura sa loob at labas ng Filipinas mula noong 2004 hanggang 2014. Nasa ikalawang termino na siya sa pagganap bilang tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
- Show more