Episodes
-
Bata pa lamang, lumaki na sa hirap si Cally. Isang programa sa radyo ang nagturo sa kaniya ng importansya ng pamilya. Ngunit susubukin ang kanilang katatagan noong mabalitaan nilang mapapasama ang kanilang tahanan sa demolisyon para tayuan ng isang mall. Paano haharapin ni Cally ang kaniyang ama kung ito mismo ang dahilan ng kanilang paghihirap?Ito ang kwento ni Cally.
-
Hindi na bago kay Nicole ang makarinig ng tanong tungkol sa kung kailan siya mag-aasawa. Kaya nang may makamatch siya sa isang dating app, hindi n'ya inakala na makakakilala siya ng isang matinong lalaki. Ang hindi niya inaasahan, ito pala ang asawa ng dati niyang paboritong guro.
Ito ang kwento ni Nicole. -
Missing episodes?
-
Lumaki sa isang mapagmahal na pamilya at marangyang buhay si Ashley. Ngunit isang insidente ang nagpabagsak ng tuluyan sa buhay na kinilala niya. Lumipas ang ilang taon, maghihiganti siya sa pamilya ng taong pumatay sa kaniyang magulang.Ito ang kwento ni Ashley Valerius.
-
Matagal nang magkarelasyon sina Mika at Kai ngunit kailangang itago ang pagmamahalan dahil sa takot na hindi sila matanggap ni Tito Raul. Ligtas na espasyo nila kung ituring ang isang coffee shop na tinawag nilang, Liwanag.Ito ang kwento ni Mika at Kai.
-
Nang maghanap ng trabaho si Miguel, kaniyang nakilala ang CEO ng isang kumpanyang magiging susi para matuklasan niya ang tunay niyang pagkakakilanlan.Ito ang kwento ni Miguel Reyes.
-
Limang taon nang kasal si Clara sa kaniyang asawa. Ngunit isang lalaki ang kaniyang makikilala na babago sa takbo ng buhay niya. Ito ang kwento ni Clara Villanueva.