Episodios
-
Maaabot ang pangarap 'pag sinabayan ng tiyaga at sikap. Dahil ang mga bagay na pinaghirapan ay sulit kapag nahawakan. Pakinggan ang kwento ni Hubert sa Barangay Love Stories.
-
Bago pa ipinanganak ang pamangkin ni Rina, excited na siya sa mga gagawin nilang mag-tita. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naunang namaalam ang kanyang hipag at kinailangan namang mag-abroad ng kuya niya para magtrabaho. Masayang tinanggap ni Rina ang obligasyon na alagaan ang pamangkin niyang si Joy. At nang ibalita ng kuya niyang babalik na siya ng Pilipinas, hindi na makapaghintay ang mag-tita. Kaso nga lang hindi na raw siya uuwi sa bahay nila kasi bubukod na sila ni Joy kasama ang girlfriend niya. Pakinggan ang kwento ni Rina sa Barangay Love Stories.
-
¿Faltan episodios?
-
Kapag kulang ang paninindigan, maaaring gumuho ang isang relasyon kahit gaano pa ito pinagtibay ng panahon. Walang magagawa ang tagal ng pagsasama kung ang isa ay gusto nang lumaya. Pakinggan ang kwento ni Lyza sa Barangay Love Stories.
-
Minsan, ang direksyon ng mga pangarap ay nag-iiba kapag mayroon kang kasama. Maaaring ito'y matupad niyong dalawa o makakamit mo lang kung ikaw ay mag-isa na. Pakinggan ang kwento ni PJ sa Barangay Love Stories.
-
Ang pag-aampon ay isang dakilang bagay, minsan maituturing din itong biyaya sa batang nangungulila. Pero sa tulad ni Clarissa, imbes na magkaroon ng mga magulang na aalagaan siya hanggang sa huli, maagang nawasak ang munting pangarap niya. Kaya wala siyang choice kun'di itaguyod ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Clarissa sa Barangay Love Stories.
-
Ang ikot ng mundo ay hindi naman hihinto kahit gaano pa kawasak ang iyong puso. Maghihilom din 'yan sa tamang panahon kaya sana piliin mo pa ring magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Thel sa Barangay Love Stories.
-
Kung may malasakit lang sana ang mga tao sa lahat ng uri ng buhay sa mundo, siguradong malaya ang bawat isa sa anumang uri ng gulo. Pakinggan ang kwento ni Cedes sa Barangay Love Stories.
-
Ang pagiging magulang ay dapat talagang pinaghahandaan. Pero sa tulad ni Adela na nagulat sa balitang buntis siya, malaking bagay na may kaibigan at tatay siyang umalalay sa kanya. Mahirap maging single mother para kay Adela na lumaking walang ina pero ginawa niya ang makakaya niya para alagaan ang anak niyang may Autism Spectrum Disorder din pala. Pakinggan ang kwento ni Adela sa Barangay Love Stories.
-
Handa na sanang magpakasal si Randy sa kanyang girlfriend na si Jaya pero para makapag-ipon, nag-abroad muna siya. May mga tuksong lumapit pero naging matapat si Randy dahil ganun din ang inaasahan niyang ginagawa ni Jaya sa Pilipinas. Pakinggan ang kwento ni Randy sa Barangay Love Stories.
-
Normal na sa mga kabataan ang magligawan pero paano kung ang tulad ni lola Tasing naman ang ligawan ng bagong tenant sa kanyang paupahan? Kaso imbes na kilig, perwisyo ata ang ramdam ng lola mo. Pakinggan ang kwento ni Tasing sa Barangay Love Stories.
-
Tuwing bagong taon, kasiyahan at kaligtasan ang nais ng lahat, lalo na si Wenggay! Alam niyang salat ang kanilang pamilya kaya simple lang ang pangarap niya, ang makaranas ng isang payapa at masayang bagong taon kasama ang mga mahal niya sa buhay. Kaso iba ang nararanasan niya sa kanilang tahanan taon-taon. Pakinggan ang kwento ni Wenggay sa Barangay Love Stories.
-
Bago ikasal si Vanessa, naisipan niyang magpahula. Medyo nag-alala siya dahil 'death' ang una niyang nabunot na tarot card. Natawa na lang din siya nang sabihin sa kanya na ma me-meet niya ang kanyang soul mate dahil mayroon na siyang boyfriend. Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makilala niya ang lalaking parang hawig nga sa sinasabi ng manghuhula. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Love Stories.
-
Kahit ano pang edad mo ay maari mo pa ring gustuhin na magkaroon ng payapang puso at isipan. Lalo na si aling Marsha na kahit pa mahigit sisenta anyos na ay naghahanap pa rin ng kapayapaan dahil gulo ang madalas na dinadala ng palikero niyang asawa. Pakinggan ang kwento ni Marsha sa Barangay Love Stories.
-
Sanggang-dikit sina Rooky, Tommy, Robi at Aliyah, magkakapatid na rin ang turing nila sa isa't-isa. Simula pagkabata hanggang sa paghahanap ng trabaho, hindi nila iniwan ang isa't-isa lalo pa nung mapagbintangan si Robi na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Pakinggan ang kwento ni Rooky sa Barangay Love Stories.
-
Hindi naman kailangan ng kompetensiya lalo na sa isang pamilya. Tanggalin sa puso ang inggitan at huwag ituring ang kapatid na kalaban. Pakinggan ang kwento ni Michelle sa Barangay Love Stories.
-
Kapag binalewala ang isang tao o bagay, siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa buhay. Kaya 'wag ipagpaliban ang maliit na problema dahil ang maliit na butas ay maaaring lumala. Pakinggan ang kwento ni Joanne sa Barangay Love Stories.
-
Iba talaga ang Pasko ng mga Pilipino kaya naman halos lahat ay inaabangan ang pagdiriwang na ito lalo na si Sam. Maayos na ang buhay niya at may masayahin din siyang asawa. Lalo pang nagalak ang pamilya nila nang biniyayaan sila ng cute na baby pero sa hindi inaasahang pagkakataon, binawi rin ito agad sa kanila. Paano na ang Pasko ng inaabangan sana ng kanilang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Sam sa Barangay Love Stories.
-
Sa away ng mga magulang, madalas ang mga anak ang mas nahihirapan. Bunsong anak si Cynthia at sa murang edad, kitang-kita at rinig niya ang sakitan ng kanyang mommy at daddy. Hindi man naghiwalay ang kanyang parents, hindi na rin naging mapayapa ang kanilang tahanan. Hanggang sa isang araw, hindi na siya umuwi. Pakinggan ang kwento ni Cynthia sa Barangay Love Stories.
-
Hindi biro ang pag-aalaga ng anak kaya imbes na magkaroon ng baby, nag-alaga na lang muna ng pusa sina Maiko at Jomel. Napakatagal din ng kanilang pagsasama sa iisang bubong hanggang sa na-realize daw nila na ayaw na pala nilang ipagpatuloy ang relasyon nila. Pero willing pa rin silang mag co-parent sa kanilang furbaby na si Yanyan. Pakinggan ang kwento ni Maiko sa Barangay Love Stories.
-
Masarap makasama sa buhay ang taong mahal mo pero kapag mahirap ang inyong estado, minsan nagkakaroon tuloy ng issue. Pangingisda ang hanapbuhay ni Dante kaya minsan mas matagal siya sa laot kaysa sa kanilang bahay. Mainit naman ang tahanang inuuwian niya dahil maasikaso ang kanyang kinakasamang si Amor. Pero nagbago ang lahat simula nang mapansin niya na napapadalas ang pag-aayos at paglabas-labas ni Amor. Pakinggan ang kwento ni Dante sa Barangay Love Stories.
- Mostrar más