Episodios
-
Fresh na seniors? Sa huling episode ng 2nd season ng NKSP, magbabahagi ang naggagandahang miyembro ng grupo na sina Lemon at Lalaine tungkol sa kanilang karanasan at mga natutunan sa tatlong taon nila sa grupo at pag-aaral sa kolehiyo.
-
“Yakap! Mahal kita! Pahinga…... Hinga.” Sa episode na ito, nais naming ibahagi sa mga tagapakinig ang aming kahulugan sa “First Love”. Muli nating alalahanin ang maraming tanong na kung paano at bakit natin hindi makalimutan ang una nating minahal. Kung bakit sobrang sarap balikan ang mga alaalang iyon.
-
¿Faltan episodios?
-
Sa rebolusyong dinaraanan ng kasalukuyang karanasan, paano nakakabuo ng piraso ng obra ang mga mag-aaral at artista ng bayan? Sa dinaraanang landas ng dalawang magkaiba, patuloy na nakikita at inaalam ng bagong miyembro ang bagong karanasan upang masilayan ang pamumukadkad g sining at akademiko sa gitna ng pandemya.
-
Sa kabila ng pandemya, nagagawa pa ri nating lumaban at magpatuloy sa buhay. Samahan natin sina Meinard at Gary upang magbahagi ng kanilang karanasan at nararamdaman bilang mag-aaral at nagmamahal sa sining. Kanilang bibigyang kahulugan at pagpapaliwanag ang salitang pagod na kaakibat ng pahinga.
-
Bilang mga soon-to-be na 'juniors' hindi lamang ng grupo, pati na rin sa kanilang programa, isang masiglang kwentuhan at katuwaan ang inihahandog nina Angelica at Carly para sa panibagong episode ng NKSP. Samahan ang dalawa bilang sina DJ Gingging at DJ Ningning makinig sa mga natatanging karanasan ng isa't isa pati na rin ang mga mala-unsolicited advice pa– dahil paano nga naman ba mahinahon ang nag-aalab na puso?
-
Paano ba kumanta? Paano ba gumawa ng instrumental? Paano ko susundin ang passion ko rito?
Isa ka ba sa mga mahilig sa music at gustong makakuha ng tips kung paano lumikha nito? Worry no more! Dahil sa podcast na ito, tuturuan tayo ng mga resident musicians ng polyrep na si Trixie at Ed kung paano ipursue ang passion mo sa music! Ipapaliwanag ni Trixie kung paano kumanta! Ipapaliwanag ni Ed kung paano aralin ang music production at kumita mula rito!
-
“Bakit green ang blackboard? Bakit kailangan matulog ng tanghali?”
Masarap maging bata. Tamang laro lang sa gedli, happy-happy lang. Sa ating mga adventures noon, paniguradong marami ring umusbong na katanungan sa ating maliit na isipan. Samahan ngayon sina Jaja at Jhovelyn sa panibagong episode ng Narining Ko Sa Polyrep para sagutin ang mga tanong natin nung bata tayo ngayong tayo’y young adults na. May nagbago ba sa ating pananaw?
-
Samahan ang naggagandahang dilag ng Batch 19-20 na sina Via Mae Tubal at Shathea Bren Seriosa sa kanilang Mini Talkshow×Mook Up Sesh. Pakinggan ang kanilang kwento kung paano sila nagsimula at nagpapatuloy sa mundo ng teatro kasabay ng pag aaral at ibang kaganapan sa buhay.
-
Jack of all trades, master of none - katagang pinanghahawakan nina Lean at Pat upang bigyang katwiran ang kanilang mga kakulangan sa pagiging Broadcasting students at Theater artists. Hindi alam kung paano kumuha ng tracking shot. Hindi alam kung paano gumawa ng lights cue sheet. Lugmok sa pansariling pagdududa, paano binibigyan ng dalawa ng label ang kanilang mga sarili?
-
Si Marj at si Angel ay kasalukuyang mag-aaral ng PUP at mga kabataang artista sa PUP SLP. Paano nila pinagsasabay ang kanilang mga gampanin sa pag-aaral at pagtatrabaho?
-
Si Angel ay kasalukuyang English Major student samantalang si Rhon Sky naman ay estudyante sa Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Paano kaya sila magtatagpo sa kabila ng pagkakaiba ng language na pinagaaralan?
-
The question of Tito Boy from Bb Pilipinas 2021 was a tricky one yet, not that hard to grasp and to answer. For this episode, Nico and Arvin will join us in answering the dreaded question, offering a different perspective on the word “loneliness” including its factors, coping up and of course, life lessons. (Disclaimer: The views and opinions of the hosts are coming from an early-adulthood perspective and are just based on their own experiences).
-
Pagod na ba kayo? Hayaan niyong damayan kayo nina Fiona at Mariel habang nagbabalik-tanaw sa kanilang karanasan sa teatro at pag-aaral. Chismisan lang sa mga challenges sa online classes, pagbabalanse ng pag-aaral sa trabaho, at kung paano masurvive ang buhay ngayong pandemic.
-
Sina Louella, Elijah at JR, nagbalik-tanaw sa mahahalagang kaganapan sa nakalipas na mga taon na nagdala sakanila kung nasaan man sila ngayon. Pare-pareho ng college program at nasa ilalim ng iisang organisasyon, marami silang pagkakatulad pero anu-ano kaya ang mga pagkakaiba nila?
-
Samahan sina Jovelyn at Bea sa kanilang chikkahan tungkol sa kanilang pagmamahal sa sintang paaralan at sa sining at kung paano nila naipagtatagpo ang Filipinolohiya at Sikolohiya sa kanilang proseso ng paggawa ng sining.
-
Paano ba magdiet? Kailangan ba gutumin ang sarili? Paano ba mag-ipon? Gugutumin mo ba ulit ang sarili mo? Gurl, 'wag! Sa ating panibagong episode, samahan natin sina Kath at Ace na baybayin ang malikot at nakakalokang mundo ng teatro at akademiko.
-
Hindi madaling maging college student. Hindi rin naman madali ang proseso ng paggawa ng art. Ang pagsabay-sabayin ang mga gawain ay nakakaloka! Pero paano nga ba naipagkakaiba at naipagsasama ni Elisha at Jovie ang mga bagay na malapit sa kanila at pinili nila? Halika't samahan silang talakayin kung saan nga ba nagtatagpo ang Sining, Agham at Pananaliksik.
-
Nagbabalik ang podcast channel ng paborito ninyong grupong pantanghal para sa ikalawang season! Ngayon ay mas makakarinig kayo ng mga kwento, hinanaing, at mga aral mula sa mga miyembro ng grupo habang inuugnay ang mga ito sa kanilang proseso sa paggawa ng kanilang sining. Halika't magpahinga muna mula sa napakabilis na pag-ikot ng mundo at tambak-tambak na deadlines na hindi niyo pa rin nasisimulan tuwing Biyernes, 9 ng gabi. Dito lang 'yan sa Narinig Ko Sa Polyrep.
-
Samahan si Carly sa pagkilala at pagtuklas sa natatangi niyang identidad at pagkababae. Kwento ito ng pagmamahal at pagtanggap sa sarili sa kabila ng diskriminasyon. Mabuhay ang kababaihan!
-
Naniniwala ka ba sa tadhana at sa pangarap na itinadhana sa'yo? Naisip mo ba na may pwersang nakapagbabago't sumusuyo sa 'yo sa bawat daan na tinatahak mo, sa bawa't pagpili mo? Ang hiwaga ng buhay at ang byaheng dapat mong harapin ay naghihintay lang. Halina't makinig sa kwentuhang paniniwala.
- Mostrar más