Soitettu
-
Unti-unting nagiging close si Solene kay Mitzie, na mas nag-o-open up sa kanya. Hahatakin ni Duke si Mitzie na mag-aral para sa contest na sasalihan nila, at wala namang malisya doon. Pero hindi mapipigilan ang tsismisan ng mga kaklase nila, na magbibigay kay Solene ng duda. Dagdag pa ang madadatnan niyang eksena nang sundan niya ang dalawa sa library. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Sa aftermath ng pagtanggol ni Solene kay Mitzie, lalo silang napalapit sa isa’t isa. Tinotoo naman ni Troy ang pagsagot ng mga ingredients ni Solene para sa club. Pero pagkatapos ng midterms, sa isang rooftop party sa bahay ni Duke, may mababalitaan si Solene na sasalihan ng mahal niya kasama si Mitzie. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Nakabalik na sina Duke at Mitzie, pero hindi pa rin alam ni Solene ang katotohanan sa likod ng picture nilang naghahalikan daw. Maiimbita sina Solene at ang mga kasama niya sa baking club sa isang bakery para sa hands-on experience na kanyang lubos na ikatutuwa. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Hindi pa rin nagkakabati sina Solene at Duke. Pero kaarawan ng minamahal niyang Nanay Maryella kaya papasyal sila at ililibre niya ito sa grocery at sa pizzeria. Sa kasamaang palad, biglaang matatapos ang sayahan dahil mahuhuli ni Sol na magkasama sa labas si Duke at Mitzie. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Agaw-eksena ang patuloy na pagpapapansin ni Harvin kay Solene, at kumakalat na nga ang balita ng kanilang mga encounter sa campus. Tapos may makakarating kay Solene na tsismis tungkol kay Duke at Mitzie. Dagdag pa dito ang nakakabahalang balitang ibabahagi ng tulirong Nanay Maryella sa kanya. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Magkakabati ulit sina Solene at Duke, at tamang-tama, palapit na pag-alis nila ni Mitzie tungo sa sinalihang contest sa La Union. Magpaparamdam ang tatay ni Solene kay Nanay Maryella at mauungkat ang hinanakit ng nakaraan. Magpapakita rin uli si Harvin na tila ba’y may kahina-hinalang intensyon. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Anak ng labandera at engineering student sa college si Solene. Bagamat kilala siya sa campus ay sadyang hindi maganda ang kanyang reputasyon dulot ng pagka-close niya sa gwapo at matalinong si Duke na kaklase niya’t kababata. Inaapi ngunit hindi man magpapatalo, dalawa lang ang laging laman ng isip niya: ang kanyang nagmamahal na Nanay, at ang kanyang minamahal na si Duke. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.