Episodes
-
Bagyo, yo, yo! Tag-ulan na naman. Nakahanda na ba kayo, mga fellow 22s?
Sa episode na ito kasama natin, isa sa ating longtime friend at kausap, walang iba kundi si Charles Tuvilla! Mula pa sa Dallas, Texas. BOOM!
Ngayon, napag-usapan namin ni Charles ang karanasan nating mga Pinoy sa bagyo, at sa kapatid nito, ang brownout! Sari-saring kuwento sa Pilipinas at sa Texas ang naibahagi ni Charles at Ali, mula sa mga bagyo sa Novaliches at Ilocos, hanggang sa mga ipu-ipo at kidlat sa Dallas.
Naging parte na nga ba ng kulturang Pinoy ang bagyo, brownout, at mga kalamidad? Pag-isipan at pag-usapan natin ‘yan. Listen up, yo!
-
Umupo kami ng musikero at makatang si Bullet Dumas, nag-usap, nag-isip, at pinadaloy lang ang usapan.
Napunta kami sa proseso ng paglikha, sa pagpapahalaga sa hindi pa ganap, sa tsamba, sa raw, sa draft, sa mga bagay na nananatili at lumilipas. Naglalakad-lakad kami sa makulit at malupit nyang utak.
Tulad ng mga awitin ni Bullet, malaman, masaya, at masarap pakinggan ang kwentuhang ito.
Listen up, yo! -
Episodes manquant?
-
Mabuhay ang bagong ikakasal!
Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage!
Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa’t isa. BOOM!
Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo!
-
Yo, yo, yo! Heto ngayon si Ali, nagsosolo!
‘Wag sana kayong mabibigla, Fellow-22s, kung wala tayong guest for today’s pod. Consider this a one-on-one session with your host, Ali Sangalang!
Trying something new, nakakatakot, nakakakaba. Kasama na diyan ang pagsasalita nang mag-isa. Pero siyempre, nakakapagod din ang laging may kausap, lalo, iba’t iba ang kaharap na may iba’t ibang puso at utak. Kaya naman ang episode na ito, ituring nating isang form ng pahinga at paghinga.
Pakinggan ang malapitan at malupitang thoughts ni Ali sa paggawa ng podcast, pagharap sa maraming tao, at pag-handle sa hurdles tulad ng impostor syndrome at stage fright.
Ready ka na ba makinig? Wag nang mag Ali-nlangan pa. Stream na! -
Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM!
Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at pagbabalik ng pagmamahal ang episode na ito para sa kanya. <3
Happy Mother's Day sa lahat ng minamahal nating mga ina! Have Inay's Day! Listen up, yo!
-
Anuman ang kulay ng balat, welcome sa usapang ito.
Swerte tayo, dahil bumista sa Linya-Linya HQ at Linya-Linya Studio ang content creator, children’s book author, multimedia host, youth empowerment advocate, beauty queen, at superwoman– si Ms. Ayn Bernos. BOOM!
Samahan niyo kami sa isang masaya at meaningful na kwentuhang kayumanggi: ang pagtingin ng mga FIlipino sa pagkakaroon ng morenang balat, ang obsession ng iilan sa pagpapaputi, at kung paano nga ba natin mas mamahalin ang sarili nating kulay.
Punong-puno ng kaalaman at heartfelt moments ang episode na ito, kaya listen up, yo!
-
Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento.
Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwento-kuwento ang isang kuwento? Sa kabila ng pagsuot sa pinakamadidilim na sulok ng komunidad, ano nga ba ang nakikita nyang liwanag?
Samahan nyo kami sa kuwentuhang ito. Kasama kayo sa kuwento.
-
Aw, aw, aw! I mean-- yo, yo, yo! Welcome sa isa na namang edition ng Daddy Diaries sa The Linya-Linya Show! Siyempre kasama natin si Daddy Rene C. Sangalang, at sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad ang kwentuhan sa mga minamahal nating alaga.
This episode is dedicated to all the pet lovers out there! Dito, inalala ni Ali at Daddy Rene si Nacho, Chancho, Sarah, Ginger, at iba pang doggos na nagdaan sa kanilang bahay at buhay. Dahil hindi lang sila basta alaga kundi part ng pamilya!
Touching episode ito na mapapa-awww ka talaga. Kaya tara, listen up, yo! -
Mabuhay!
This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM!
Part 2 na! Mula sa simpleng kwentuhan, naging malalim-lalim ang napasarap nang usapan. Mga jokes na mahirap nang tawirin sa panahon ngayon, o ang level ng creativity para mai-deliver ang mga ito; ang papel ng standup comedy sa mundo ng politics; syempre, ang kanyang big break at milestone para sa Pinoy Standup, ang kanyang Netflix Special, at ang matinding collaboration with Linya-Linya.
Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa bumigat na’t nagiging makabuluhan.
Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!
-
Mabuhay!
This ain’t no lie. Nandito na, sa wakas, ang isa pinakaaabangang guest natin: a multi-talented creative– standup comedian, actor, commercial model, host, podcaster, and a professional wrestler– Red Ollero! BOOM!
Part 1 pa lang, siksik na ang naging usapan. Mula sa usapang donut, napadpad kami sa usapin tungkol sa pagsuporta sa young creators (na hindi masyadong napapansin sa skwela), sa debateng Diploma vs. Diskarte, sa mundo ng wrestling, hanggang sa aming childhood dreams. Bilang unang podcast interview nya matapos ang launch ng kanyang Netflix Special na “Mabuhay is a Lie,” syempre, hindi natin pinalampas na kunin ang kanyang thoughts and feelings tungkol sa massive success na ito.
Magaang usapan, na may mga halong hirit at halakhak, hanggang sa lumalalim na’t nagiging makabuluhan. Karangalang makasama natin si Red sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo!; -
Get ready sa isa na namang makulit na episode ng The Linya-Linya Show! Dahil ngayon, kasama natin sina Jed, Isha, at Mike ng Silly Gang sa Gabi the Podcast!
Doble-kulit at doble-wisdom dahil crossover ito ng wit ni Ali at ng Silly Gang! Ang Silly Gang sa Gabi ay isa sa mahaharot na late-night podcasts at luckily, naging posible na kami ay magharap-harap.
Sa episode na ito, nasagot ang mahahalagang tanong tulad ng, "Ano ang favorite mong sinigang?!" Napagkuwentuhan rin natin ang quirks at qualities ng Millenials at Gen Zs sa kasalukuyang panahon! Get ready dahil damay-damay na ng generations sa episode na 'to! Listen up, yo! -
Naging usap-usapan ang pagkakaroon ng kurso o subject na pag-aaralan si Taylor Swift sa University of the Philippines Diliman. Nagbunyi ang Swifties at sabihin na lang nating "haters gonna hate."
Pero sa episode na ito ng the Linya-Linya Show, kasama natin si Professor Iris Brillon na siyang magtuturo ng kurso tungkol kay Taylor Swift. BOOM!
Tatalakayin natin ang kahalagahan ng background at kahalagahan ng kursong ito! Eto rin at sisilipin natin ang mundo ng Pop Culture at Celebrity Studies!
…Ready for It? Listen up, yo! -
Ngayong Women's Month, dalawang magiting, matapang, at huwarang Pilipina ang tampok sa kauna-unahang Balik-tanaw episode ng The Linya-Linya Show. Dito, binalikan natin ang isang tula ni Lualhati Bautista -- isang premyadong manunulat na mas nakilala sa kanyang mga nobelang "Dekada '70," "Bata, bata... Pa'no Ka Ginawa?," at "Gapo."-- mula sa kanyang unang libro ng mga tula, na pinamagatang "Alitaptap sa Gabing Madilim." Binasa naman ito ni Etta Rosales, isang guro, lingkod-bayan, at dating chairperson ng Commission on Human Rights.
Para sa kababaihan, para sa bayan, para sa lahat-- pakinggan at pagnilayan ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show podcast, powered by PumaPodcast at Anima Podcast.
Mabuhay ang panitikang Pilipino! Mabuhay ang kababaihan!
Maaari ring makuha ang limited edition Linya-Linya x Lualhati Bautista BABAE AKO collaboration shirt dito: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxlualhatibautistababaeakoacidblack?_pos=2&_sid=f6f501269&_ss=r
-
Yo, yo, yo! Kaway-kaway sa hip-hop fans at sa mga malikhaing listenerz diyan! Sa pinakamainit at bagong episode ng The Linya-Linya show, kabatuhan natin ng Linya ang isa sa pinakamakulit at malikhaing battle rapper, ang “bae ng FlipTop,” mula pa Colorado, USA— walang iba, kundi si EJ Power! Kung naabutan mo si EJ Power sa Fliptop, baka tumatak sa 'yo ang battles nya laban kayna Jonas, LilJohn, Abra, at iba pang maaangas na emcee. Nagkaroon lang ng biglaang liko ang kanyang karera nang kinailangan niyang lumipat sa States kasama ang pamilya, kung sa'n nagtatrabaho siya ngayon bilang isang magiting na Emergency Medical Technician o EMT. Sa episode na ito, pinagkuwentuhan natin siyempre ang naging experiences at style niya sa battle rap, ang kanyang
ang buhay niya ngayon, na siguradong may hatid na insight tungkol sa pagiging artist, hindi lang sa larangan ng hip-hop!
Buong daigdig, siguradong mayayanig. Listen up, yo!
-
Yo, yo, yo! Kaway-kaway sa hip-hop fans at sa mga malikhaing listenerz diyan!
Sa pinakamainit at bagong episode ng The Linya-Linya show, kabatuhan natin ng Linya ang isa sa pinakamakulit at malikhaing battle rapper, ang “bae ng FlipTop,” mula pa Colorado, USA— walang iba, kundi si EJ Power!
Kung naabutan mo si EJ Power sa Fliptop, baka tumatak sa 'yo ang battles nya laban kayna Jonas, LilJohn, Abra, at iba pang maaangas na emcee. Nagkaroon lang ng biglaang liko ang kanyang karera nang kinailangan niyang lumipat sa States kasama ang pamilya, kung sa'n nagtatrabaho siya ngayon bilang isang magiting na Emergency Medical Technician o EMT.
Sa episode na ito, pinagkuwentuhan natin siyempre ang naging experiences at style niya sa battle rap, ang kanyangang buhay niya ngayon, na siguradong may hatid na insight tungkol sa pagiging artist, hindi lang sa larangan ng hip-hop!
Buong daigdig, siguradong mayayanig. Listen up, yo!
-
Anuman ang sini-celebrate mo this February 14, mapa-Valentine's Day o Singles Awareness Day, bagay sa iyo ang episode na ito. Kasama natin ang award-winning at bestselling author ng librong "How to Grieve" na si Jade Mark Capiñanes! BOOM!
Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw.
Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo! -
Anuman ang sini-celebrate mo this February 14, mapa-Valentine's Day o Singles Awareness Day, bagay sa iyo ang episode na ito. Kasama natin ang award-winning at bestselling author ng librong "How to Grieve" na si Jade Mark Capiñanes! BOOM!
Sa episode na ito, bukod sa napag-usapan natin ang kuwento kung bakit at paano nagsusulat si Jade, madaraanan din natin ang iba't ibang experiences when it comes to love and grief, not just for one person… but for a whole country. Wiw.
Ready ka na ba sa #feels na hatid ng episode na ito? Listen up, yo! -
Welcome to the... KoooooolPal-Linya Show! Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!! Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina. Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative. Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁 Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo!
-
Welcome to the... KoooooolPal-Linya Show!
Mahigit 2 hours na kwentuhan, kwentahan, at katatawanan, na may halong sharing of wisdom at labasan ng sama ng loob (hahaha) kasama ang dalawa sa hosts ng The KoolPals podcast, at headliners ng Comedy Manila-- ang mga hinahangaan at mga kaibigang standup comedians na sina GB Labrador at James Caraan! Pepepe-BOOM!!!
Nirecord ito pagkatapos dumalo at mag-perfrom nina GB at James sa Thanksgiving Party ng Linya-Linya sa kanilang opisina.
Expected mo nang sasakit ang tiyan at esophagus mo sa katatawa. Pero mabubusog din ang isip mo. Dito kasi, napag-usapan din nila ang nitty-gritty ng pagbuo ng business bilang isang creative.
Malalaman niyo ritoo ang origins ng Linya-Linya at ng The KoolPals. Tanong nga ni James Caraan, gaano ba ka-grateful si Ali sa kinahinatnan ng Linya-Linya… at… isa pang surprise question. 😁
Ihanda na ang panga. Riot 'to! Listen up, yo! -
Good day, mates! Eto kami, kababalik lang from The Land Down Under kung nasaan ang mga Kangaroo at Koala-- sa Australia!
Sa episode na ito, kasama ko ang matey na si Reich Carlos. Siya lang naman ang kasama ko sa paglalakbay-- hindi lang sa Australia-- pati na rin sa buhay. Eheee!
Marami kaming naranasan at napansin sa aming Australia trip—particular na sa Sydney at Gold Coast. Mainly may kinalaman sa pamumuhay ng mga Filipino doon, work culture, mga kalsada, at siyempre, ang food! At akalain mo nga namang may Fellow-22s pala sa Australia, at nagkaroon ng biglaang pagkikita! Excited kaming i-share sa inyo ang mga karanasang ito. Kaya naman, mates, listen up, yo!
- Montre plus