Joué
-
Anak ng labandera at engineering student sa college si Solene. Bagamat kilala siya sa campus ay sadyang hindi maganda ang kanyang reputasyon dulot ng pagka-close niya sa gwapo at matalinong si Duke na kaklase niya’t kababata. Inaapi ngunit hindi man magpapatalo, dalawa lang ang laging laman ng isip niya: ang kanyang nagmamahal na Nanay, at ang kanyang minamahal na si Duke. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Makalipas ang ilang taon din ng paghihirap, mula noong pumanaw ang kanyang Nanay Maryella, maitataguyod na ni Solene ang inaasam na sariling bakeshop. Nagkita rin ulit sila ng dati niyang kaklase, si Jelay, at sa kanya niya malalaman ang mga nangyari pagkatapos niya iwan ang Isabela. May hatid din si Jelay na mabuting balita na magbibigay ng magandang pagkakataon kay Sol. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Kasing sakit ng pagbagsak ni Solene ang pag-abandona sa kanya ng mga kaibigan niya, at lalo na si Duke, nung kinailangan niya sila. Tuloy pa rin ang buhay dahil may pinag-iipunan pa si Solene. Ngunit hindi kasing tatag niya si Mitzie, na may gagawing delikado, at magiging mitsa ng matinding pagbabago. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
-
Hindi pa rin nagkakabati sina Solene at Duke. Pero kaarawan ng minamahal niyang Nanay Maryella kaya papasyal sila at ililibre niya ito sa grocery at sa pizzeria. Sa kasamaang palad, biglaang matatapos ang sayahan dahil mahuhuli ni Sol na magkasama sa labas si Duke at Mitzie. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.