Episoder
-
Sabik nang bumuo ng sariling pamilya si Aika. Excited na rin naman ang asawa niya kaso habang nag-iipon pa, nakitira muna sila sa family house ng mister niya. Mabait naman ang mommy ni Ponsi kaso hindi mapigilang ma-frustrate ni Aika sa tuwing gumagawa ng desisyon si Ponsi. Dahil imbes na ipaalam muna sa ito kanya, nagiging final na ang usapan basta ang nag-suggest ay ang kaniyang byenan. Pakinggan ang kwento ni Aika sa Barangay Love Stories.
-
Madaling mahulaan ang ugali ng iba lalo na kung ang pinag-uusapan ay pamana. Nakakalungkot lang isipin na lumalabas ang katotohanan kapag pera na ang pinag-usapan. Pakinggan ang kwento ni Regina sa Barangay Love Stories.
-
Mangler du episoder?
-
Hindi naman pwedeng puro puso ang pairalin pagdating sa taong mamahalin. Dapat pinag-iisipan din dahil kailangan ng utak kapag tuyo na ang damdamin. Pakinggan ang kwento ni Gregorio sa Barangay Love Stories.
-
Pamilya. Mahirap pabayaan ang pamilya kahit pa konsumisyon sila. Likas na sa mga pinoy ang unahin ang kanilang pamilya. Pero para kay Ralph, bilang siya lang ang may maayos-ayos na pamumuhay sa kanilang mag-anak, oo tutulong siya katulad ng turo sa kanya pero may hangganan pa rin dapat ang kabutihan niya. Pakinggan ang kwento ni Ralph sa Barangay Love Stories.
-
Kapag binigyan ka ng iyong pamilya ng isang maayos na buhay, huwag mo itong sirain dahil lang sa kapusukan. Pero buti na lang at nakalaya si Nerissa sa magulong pag-ibig na pinasukan niya. Pakinggan ang kwento ni Nerissa sa Barangay Love Stories.
-
Si Jasmin ay batang lumaki sa isang masaya at pamilyang puno ng pagmamahalan. Hanggang sa magkaproblema ang kanyang ama. Kahit bata pa, hindi naglihim sa kanya ang kanyang mama bagkus ay lagi niyang pinapaliwanag kay Jasmin kung ano ang nangyayari sa kanilang tahanan. Kaya nang dumating ang panahon na hindi na talaga kaya ng kanyang mama, suporta pa rin ang kanyang ipinakita. Pakinggan ang kwento ni Jasmin sa Barangay Love Stories.
-
Paano nga ba talaga umibig? Minsan hindi rin talaga ito maipaliwanag ng iba tulad na lang nang muling ma in-love si Shauna. Noong unang beses pa lang na makita niya si Luis, parang alam na niya agad na ito na ang lalaking para sa kanya. Pero kahit gaano pa katapang ang isang tao, kapag nagduda ka sa taong mahal mo, baka manghina ang buo mong pagkatao. Pakinggan ang kwento ni Shauna sa Barangay Love Stories.
-
Kung hindi makausad mula sa anino ng kahapon, siguradong damay sa pagdurusa ang kasalukuyang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Drew sa Barangay Love Stories.
-
Maaabot ang pangarap 'pag sinabayan ng tiyaga at sikap. Dahil ang mga bagay na pinaghirapan ay sulit kapag nahawakan. Pakinggan ang kwento ni Hubert sa Barangay Love Stories.
-
Bago pa ipinanganak ang pamangkin ni Rina, excited na siya sa mga gagawin nilang mag-tita. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naunang namaalam ang kanyang hipag at kinailangan namang mag-abroad ng kuya niya para magtrabaho. Masayang tinanggap ni Rina ang obligasyon na alagaan ang pamangkin niyang si Joy. At nang ibalita ng kuya niyang babalik na siya ng Pilipinas, hindi na makapaghintay ang mag-tita. Kaso nga lang hindi na raw siya uuwi sa bahay nila kasi bubukod na sila ni Joy kasama ang girlfriend niya. Pakinggan ang kwento ni Rina sa Barangay Love Stories.
-
Kapag kulang ang paninindigan, maaaring gumuho ang isang relasyon kahit gaano pa ito pinagtibay ng panahon. Walang magagawa ang tagal ng pagsasama kung ang isa ay gusto nang lumaya. Pakinggan ang kwento ni Lyza sa Barangay Love Stories.
-
Minsan, ang direksyon ng mga pangarap ay nag-iiba kapag mayroon kang kasama. Maaaring ito'y matupad niyong dalawa o makakamit mo lang kung ikaw ay mag-isa na. Pakinggan ang kwento ni PJ sa Barangay Love Stories.
-
Ang pag-aampon ay isang dakilang bagay, minsan maituturing din itong biyaya sa batang nangungulila. Pero sa tulad ni Clarissa, imbes na magkaroon ng mga magulang na aalagaan siya hanggang sa huli, maagang nawasak ang munting pangarap niya. Kaya wala siyang choice kun'di itaguyod ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Clarissa sa Barangay Love Stories.
-
Ang ikot ng mundo ay hindi naman hihinto kahit gaano pa kawasak ang iyong puso. Maghihilom din 'yan sa tamang panahon kaya sana piliin mo pa ring magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Thel sa Barangay Love Stories.
-
Kung may malasakit lang sana ang mga tao sa lahat ng uri ng buhay sa mundo, siguradong malaya ang bawat isa sa anumang uri ng gulo. Pakinggan ang kwento ni Cedes sa Barangay Love Stories.
-
Ang pagiging magulang ay dapat talagang pinaghahandaan. Pero sa tulad ni Adela na nagulat sa balitang buntis siya, malaking bagay na may kaibigan at tatay siyang umalalay sa kanya. Mahirap maging single mother para kay Adela na lumaking walang ina pero ginawa niya ang makakaya niya para alagaan ang anak niyang may Autism Spectrum Disorder din pala. Pakinggan ang kwento ni Adela sa Barangay Love Stories.
-
Handa na sanang magpakasal si Randy sa kanyang girlfriend na si Jaya pero para makapag-ipon, nag-abroad muna siya. May mga tuksong lumapit pero naging matapat si Randy dahil ganun din ang inaasahan niyang ginagawa ni Jaya sa Pilipinas. Pakinggan ang kwento ni Randy sa Barangay Love Stories.
-
Normal na sa mga kabataan ang magligawan pero paano kung ang tulad ni lola Tasing naman ang ligawan ng bagong tenant sa kanyang paupahan? Kaso imbes na kilig, perwisyo ata ang ramdam ng lola mo. Pakinggan ang kwento ni Tasing sa Barangay Love Stories.
-
Tuwing bagong taon, kasiyahan at kaligtasan ang nais ng lahat, lalo na si Wenggay! Alam niyang salat ang kanilang pamilya kaya simple lang ang pangarap niya, ang makaranas ng isang payapa at masayang bagong taon kasama ang mga mahal niya sa buhay. Kaso iba ang nararanasan niya sa kanilang tahanan taon-taon. Pakinggan ang kwento ni Wenggay sa Barangay Love Stories.
-
Bago ikasal si Vanessa, naisipan niyang magpahula. Medyo nag-alala siya dahil 'death' ang una niyang nabunot na tarot card. Natawa na lang din siya nang sabihin sa kanya na ma me-meet niya ang kanyang soul mate dahil mayroon na siyang boyfriend. Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makilala niya ang lalaking parang hawig nga sa sinasabi ng manghuhula. Pakinggan ang kwento ni Vanessa sa Barangay Love Stories.
- Se mer