Episoder
-
Tinanggal sa pagiging deputy speaker of the House si dating Pangulo at ngayoy Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at si Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab, dalawang kilalang masugid na taga suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.Normal nga lang ba itong nangyayari sa Kamara or may mas malalim pang dahilan ang biglaang pagkakatanggal sa kanila? Ito na kaya ang malaking lamat sa UniTeam coalition ni Pang. Bongbong Marcos?Sa isang banda naman, nasaksihan ng buong mundo ang karumaldumal na pagpatay kay broadcaster John Jumalon o mas kilala sa tawag na DJ Johnny Walker nang pagbabarilin siya ng isang di kilalang salarin habang nag poprogram sa kanyang istasyon ng radyo at naka livestream pa. Siya ang ika apat na mamamahayag na pinatay mula nang maupo sa pagka pangulo si Pangulong Marcos Jr.Kasama pa dito ang kamakailan lang ay ang doxxing, o pagsasapubliko ng sensitibong information ng ating kasamahang mamahayag na si Leonardo Cong Corrales ng Mindanao Gold Star Daily ng Cagayan de Oro City. Maka ilang ulit din siyan na red-tag bago itong doxxingAwayan sa pulitika at atake sa mga mamamahayag, dalawang isyung mahalagang pag usapan patungkol sa ating demokrasya.Para sa mas malalim na usapan, sasamahan tayo ni dating Bayan Muna congressman at masugid na taga suporta ng malayang pamamahayag sa Pilipinas, si Atty. Karlos Isagani Zarate.Samahan niyo po kami at tuloy po kayo sa loob ng Press Room.
-
The Department of Foreign Affairs said the Philippines has filed another diplomatic protest against China, the 55th just for 2023 alone.The protest comes after one of the Philippines' contracted boats on a resupply mission to the Ayungin Shoal was blocked by a Chinese Coast Guard vessel, resulting in a collision.During the same mission, a Philippine Coast Guard vessel’s port side was also “bumped by Chinese Maritime Militia vessel while it was lying to approximately 6.4 nautical miles northeast of Ayungin Shoal.The Chinese Coast Guard meanwhile promptly released a statement on Sunday saying the Philippine vessels made an “unauthorized entry” “deliberately stirred up trouble” by reversing and colliding with a Chinese fishing vessel, which was floating in the vicinity.We'll talk about this latest incident in the West Philippine Sea and it's larger implication in the geopolitical scene in Southeast Asia with maritime security expert Ray Powell, Director of SeaLight and Project Lead for Project Myoushu at Stanford University's Gordian Knot Center for National Security Innovation.
-
Mangler du episoder?
-
Sa July 2023 survey ng Oculum research and Analytics lumabas na mataas pa rin ang supporta ng mga Pilipino para kay Bise Presidente Sara Duterte at sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit matapos maungkat ang issue tungkol sa hinihinging dagdag na confidential at intelligence fund para sa Office of the Vice President at sa DepEd ni VP Sara, tila nanlalamig na ang kanyang mga taga suporta.
Ayon sa Sept survey ng Pulse Asia, mula 84% rating noong Marso bumagsak sa 73% o 11 percentage points ang binaba ng approval ratings ni VP Sara sa national level.
Nasa crisis PR mode na nga ba si VP Sara sa kanyang pagpupumilit sa kanyang hiling na confidential at intelligence fund at kailangang sina Sen. Bato dela Rosa, Atty. Harry Roque at dating Pangulong Duterte ay kailangang magsalita para sa kanya?
Ating himayin ang isyung ito kasama si dating presidential adviser for political affairs, Ronald Llamas.
-
Gumawa ng matinding ingay ang issue ng confidential at intelligence funds na hinihingi ng mga ahensya at opisina na nasa pangangasiwa ni bise presidente Sara Duterte. Dahil dito, dapat na nga din bang busisiin ang SALN ng mga Duterte? Bakit nga ba hindi nila ito isinasapubliko?
Alamin kasama si public interest lawyer Dino De Leon
-
Tahimik na naman ang Malacañang nitong Sept. 21, 2023 patungkol sa isang madilim na kabanata ng ating kasaysayan bilang isang bansa - ang Proclamation 1081 o ang Martial Law declaration ng diktador na si Pang. Ferdinand Marcos, Sr. Ano nga ba talaga ang mga nangyari sa Martial Law at ayaw itong pag usapan ng Pangulong BBM na anak ng dating diktador?
Ating makakasama ang isang Martial Law survivor- si dating congressman at ngayon ay Bayan Muna chair Atty. Neri Colmenares, para pag usapan ang mga galaw ng gobyerno para baguhin ang pagkakaintindi ng mga Pilipino at ng buong mundo sa bangungot na kung tawagin ay Martial Law. At bakit hindi tayo maaring manahimik at mag move on na lamang pag ating kasaysayan ang pag uusapan.
-
Hindi lang isang beses nangyari na hinarang ng Chinese coast guard ang mga re-supply mission ng Pilipinas para sa mga tauhan natin na nagbabantay sa ating mga teritoryo sa pinag-aagawang West Philippine Sea. Alamin ang buong kwento dito mula mismo kay Philippine Coast Guard spokesman Commodore Jay Tarriela dito sa loob ng The Press Room
-
Ayon sa isang pahayag ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, nangako umano ang isang dating opisyal ng Pilipinas na aalisin ng bansa ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Pero ang mga dating opisyales ng ating bansa ay tinatanggi na may ganitong pangako ang Pilipinas. Fake news ba ito mula sa China o talagang may nangako at tinatago lang ang pangalan niya?Samahan niyo kami sa loob ng Press Room kasama si dating presidential adviser for political affairs Ronald Llamas.
-
Matapos ang tila nakakabinging katahimihan ni Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isyu ng pang-gigipit ng Tsina sa mga Pilipino sa West Philippine Sea, ating alamin ang opinyon ni opposition senator Risa Hontiveros sa kakulangan ng aksyon ng kasalukyan at nakalipas na administrasyon tungkol sa soberanya ng bansa at sa pagmamay-ari natin sa ating mga karagatan.Iyan at higit pa sa espesyal na edisyon na ito ng The Press Room
-
Natapos na ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Ang tanong nalang ngayon ay, naniniwala ka ba sa lahat ng iniulat ng pangulo?
-
Kamakailang ibinunyag ni Baguio mayor Benjamin Magalong na mismong dating kalihim ng NEDA ang umamin sa kaniya na malaking porsyento daw ng leakage sa pondo ng pamahalaan ang napupunta lang sa kurapsyon.
-
Kamakailang nagdesisyon ang YouTube na tanggalin sa kanilang streaming website ang channel ni Apollo Quiboloy, isang pastor na sa kabila ng pagpapakilala niya sa kaniyang sarili bilang anak ng Diyos, ay wanted ng FBI para sa samu't saring mga kaso kabilang na ang human trafficking, pangaabuso at fraud.Ano nga ba ang implikasyon nito sa lagay ng pamumuhay ng mga Pilipino? Alamin sa episode na ito ng The Press Room
-
Kamakailang lumabas sa isang pagaaral na nagkaroon daw ng epekto ang mga pambabatikos sa media sa pagbaba ng tiwala ng mga Pilipino dito, lalong lalo na sa larangan ng pagbabalita. Pakinggan at alamin ang buong storya sa episode na ito ng The Press Room
-
Sa episode na ito, ating alamin ang mga issue sa likod ng nakahaing Maharlika Investment Fund. Bakit nga ba tila nababalot ito ng kontrobersiya? Bakit din kaya ito tinatawag ng ilang mga kritiko na SCAM?'Yan at higit pa dito lang sa loob ng The Press Room kasama si Public Budget Analyst at dating Technical Support Unit for Budget Operations Head ng Department of Budget and Management na si Zy-za Nadine Suzara.
-
Bakit nga ba natanggal bilang Senior Deputy Speaker si Pampanga Congresswoman at dating presidente Gloria Macapagal Arroyo? Ano ibig sabihin ng biglaang pagbitiw ni Bise Presidente Sara Duterte bilang chair ng Lakas party? Unti unti na nga bang nasisira ang alyansa ng Uniteam?At ano ang masasabi ninyo sa panukala ni Sen. Bong Go na gawin ni Pang. Bongbong Marcos na anti drug war czar ng kanyang administrasyon si dating Pang. Rodrigo Duterte? May implikasyon ba ito sa kaso ni Duterte sa ICC?Ating himayin itong mga importanteng isyu ng bayan kasama ang dating presidential political adviser Ronald Llamas.Tuloy po kayo sa loob ng Press Room.
-
Acquitted na si dating senadora Leila de Lima sa dalawa sa tatlong kaso na sinampa sa kaniya kaugnay daw ng pagkakasangkot niya 'di umano sa bentahan ng iligal na droga. Nagsipag bawian na din ng mga pahayag ang mga pangunahing testigo na naunang nagbintang sa dating senadora sa naturang krimen. Ano na kaya ang susunod na hakbang ng kampo ni De Lima? Ano naman din ang kahulugan nito sa kasalukuyang lagay ng hustisya at demokrasya sa bansa? Alamin 'yan at higit pa, kasama si Carlos Conde ng Human Rights Watch - Asia Division sa episode na ito ng The Press Room!
-
Makikinabang nga ba ang Pilipinas sa byahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa America?Senyales na din ba ito ng pagbalik ng dating mainit na relasyon ng Pilipinas sa America na lumamig noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte?Ano ibig sabihin nito para sa ating relasyon sa China at ang tumitinding tension sa West Philippine Sea?Pag usapan natin ito at ilan pang mahahalagang issue ng ating bayan kasama si dating congressman Karlos Isagani Zarate.Tuloy po kayo sa loob ng Press Room!
-
Hindi naging maganda ang karanasan ng mga reporter, journalists at mga media workers noong panahon dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon pa sa mga pagaaral, kabilang ang Pilipinas sa mga bansa na pinaka-delikado para sa mga nagtatrabaho sa industriya pamamahayag.Habang papalapit tayo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day, inanyayahan natin si Jonathan de Santos chairman ng National Union of Journalists of the Philippines para pagusapan ang kasalukuyang lagay ng industriya at ang kaligtasan ng mga Pilipino na naguulat sa atin ng katotohanan,
-
Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga Pilipino sa balita na pansamantalang sa papel muna ipi-print ng Land Transportation Office o LTO ang mga bagong drivers license dahil sa umano'y shortage ng plastic para magamit sa mga card.Ano ang masasabi ng mga editors ng PressOnePH dito. Alamin sa episode na ito ng The Press Room.
- Se mer