Episoder
-
Kasama sina Pads sa maraming naantig at naluha in the literally emotions-filled Inside Out 2. Pero kasabay nito ang tanong: so saan papasok si Jesus sa mga pinakita nito? how does faith inform our emotional and character development?
If there's one person who can help us tackle this fine intersect (intersect?!) of spirituality and psychology, it is no other than best-selling author and sought-after speaker, Doctor Michele Alignay.
Mahaba haba ito pero sobrang malaman, kaya sit back and ready your hearts for this emotional rollercoaster of an episode.
-
At long last we finally have on the show a priest whose voice is heard by thousands every day through Hallow and his own successful online ministry: Sa Madaling Sabi (SMS). Pero higit pa dito, tunay ko syang hinangaan ng malamang siya ay isang chaplain ng COURAGE Ph, a Catholic ministry for those with Same-Sex Attraction or who identify as other genders.
Malaman, makulay, at masaya—isang ka-abang abang na episode na naman ng PadsCast kasama ang nag-iisang Fr. Franz Dizon.
-
Mangler du episoder?
-
Saktong sa katatapos lang na Pentecost Sunday, ang sinasabing birthday ng Simbahan, ang isang tanong na natanggap namin: "Pads, kailangan ba ng simbahan? Personal relationship kay Jesus naman ang mahalaga, diba?
Maraming ganyan mag-isip ngayon! Kaya let's unpack that as we laugh and learn with our regular co-hosts, Pads Edong and Brod AJ!
-
Pwede bang wag na lang mag-anak? Usap usapan ngayon sa mga young couples to be ang kagustuhang mag-asawa pero di na magka-anak. Anong masasabi natin dito bilang Katoliko?
Joining us in this discussion are Genesis and Mariel Ilustrisimo (and their kids' noises in the background), who share their own life experiences and reflections for anyone discerning whether having kids is for them or not.
-
Jesus, I trust in you—eto ang mga katagang kasama sa image ng Divine Mercy na ating ginugunita tuwing Second Sunday of Easter. Pero bakit nga ba tayo dapat magtiwala sa Awa ng Diyos?
Isang usapan para sa mga taong nais maunawaan ang awa, sa episode 101 ng The PadsCast!
-
Dumating na ang 'di inaasahan!
Kami ay lubos na nagagalak ibahagi sa Inyo ang sang milagro—ang recorded with live audience episode 100 ng PadsCast!
Just like this entire online ministry, episode 100 became much more than we ever thought it could be! With nearly 100 live audience members and the expert technical support of friends far and wide.
Kaya sit back and enjoy as we both look back and look forward to God's abundant graces through our little podcast.
-
Bago tayo dumating sa exciting part, isang mini episode muna para makarating sa lahat ang paparating na LIVE episode, anong dapat asahan, at kung ano ang inaasahan namin mula sa inyo.
At muli, kung nais pumunta at malaman ang iba pang detalye ng ating LIVE episode on March 2, 3pm, Saturday, at Society of St. Paul Makati, kindly go to our event page to RSVP: https://bit.ly/48uxFrZ
-
Kami lang ba ang nagugulat at tila nawawala sa bilis magbago ng society at culture sa panahon ngayon? Paano ba tayo kakapit sa mga timeless values at truths ng ating faith na hindi napag-iiwanan at, worse, naka-cancel ng iba?
We are blessed to have on the show a powerful champion of truth and inspiring model of how to communicate that in complex times in the person of Bro. Anthony James Perez. Here he speaks to woke culture and also specifically to the men and the values that make us. It's another learning and laughter–filled episode of The PadsCast
-
Naiyak na ba lahat?
Now the top-grossing MMFF film of all time, REWIND has captivated the hearts of many! At dahil baong taon at kasama sina Pads sa mga patagong pumahid ng luha sa sinehan, eto na rin ang ating pagninilayan para sa pagpasok ng 2024.
Paano nga ba mabuhay na di kailangan ng rewind? What makes life meaningful? At kelan pa naging komedyante si Lods Jesus? All that and more as we enter YEAR 4 of the PadsCast!
-
Ngayong paparating na MMFF ay may kasaling isang pelikulang sa aming palagay natatangi at dapat mapanood ng lahat: ang GomBurZa. We were at the press screening and we'd like to share our thoughts on why we deserve more films like this.At napapanahon din ang usap usapan tungkol sa Fiducia Supplicans. Pwede na ba talaga ang irregular unions in the sacrament of marriage? Ano ba ang hangarin ng simbahan sa paglabas ng statement na ito?Lahat yan sa siksik na siksik na edition ng PadsCast!
-
Thank you! Kayo ang may sala kung paanong sa isang pambihirang pagkakataon ay nabigyan kami ng award. At dahil bahagi kayo ng panalong ito, we'd like to let you in on this raw episode of our reactions and reflections from such an achievement, and what we hope it will inspire in you, our beloved listeners and viewers.
-
Mahal naman ng Diyos ang lahat diba? Pero bakit may mga tao o grupong tila bawal sa Simbahan?
Sakto sa pagdiriwang natin kay Kristong Hari ang iba't ibang balita ngayon tungkol sa relasyon ng simbahan sa mga FreeMasons, LGBTQIA+, at iba pang communities na may "irreconcilable" beliefs with Church teaching.
Here's a candid conversation that offers not really answers but questions—questions that we hope can help us walk the line between God's universal love and the conditions of discipleship.
-
Purity, chastity—meganon pa ba ngayon? These days tila tanggap at normal na sa majority ang casual sex, "my body, my choice," at pati gender ideologies. Pero bilang mga Katoliko, paano ba tayo dapat lumugar sa lahat ng fast-paced changes na ito ng ating lipunan?
At the forefront of these crucial conversations is the Live Pure Movement, at kasama nila ating aalamin kung bakit mahalaga pa rin maging chaste at paano natin ito pwedeng buhayin muli sa ating sarili, sa kapwa, at sa lipunan.
-
Ilang beses na tayo nakarinig ng vocation journey ng isang pari, pero paano naman yung hindi pala pag di ka naman natuloy?
Sure na sure si Bro. Randel Serrano na magiging pari sya nung pumasok siya sa seminaryo. Pero iba pala ang plano ni Lord sa kanya.
May second chance ba sa pagtugon sa tawag ng Diyos? Paano kung mali pala ang narinig mong tawag? Pwede ba yun?! At paano mo malalaman at matatanggap na may ibang daan palang nakalaan para sa'yo si Lord?
All that and even more laughter in episode 95 of the PadsCast.
-
Bago matapos ang rosary month, talakayin muna natin ang dasal na paborito ng mga Katoliko at mga kritiko ng ating Simbahan! Nasaan ba yan sa Biblia? Pwede ba pampatulog ang rosaryo? Ok lang ba gawin itong kwintas? Bakit ba hindi na lang tayo dumeretso kay Jesus?
Balik OG tambalang Pads Khris at Albert sa isang episode na sana makakabawas sa mga misteryong bumabalot sa ating pagrorosaryo.
-
Ok lang ba i-guilt trip ang tao para mapalapit sa Diyos at sa Church? Eto ang naging usapan dahil sa isang viral video na tila hinihinya ang mga taong nawala na sa simbahan.
Some questions discussed in this episode:
- How do we best attract people to Jesus and his Church?
- Pwedeng personal faith lang? Bakit kailangan ng simbahan?
- How do we make everyone feel welcome and loved in the Church?
Nagbabalik at magpapasikip sa ating studio sina Pads Edong at Bro AJ para sa kwentuhang tunay na siksik sa saya at pagninilay.
-
Nagbabalik kami with an episode that answers two questions in response to our two most recent episodes.
Ang mga tanong: 1) Ok lang ba ma in-love or magkacrush sa pari?
2) Anong dapat natin gawin sa mga taong hindi nagso-sorry o nakikita ang maling kanilang ginagawa?
Mga sagot nina pads kasama ng nakagawiang asaran at kulitan in this comeback episode of PadsCast. :)
-
Nakapag-comment na ba ang lahat?
Mag-iisang buwan na rin mula nung bumugso ang damdamin ng marami dahil sa drag performance ni Pura Luka Vega. Pero ngayong (sana) humupa na ang initial reactions natin, pwede na ba natin pag-usapan ito ng kalma at may pag-unawa? Isang kwentuhang tutuhog sa discipleship, dialogue, reactions, atbp sa pinakabagong episode ng PadsCast.
-
Nakanood na ba ang lahat? Marami ang natuwa, naiyak, at na-in love sa vacation romance ng seminaristang si Jeff at ng tour guide niyang si Lizzy. Pero marami ding katanungang binuksan ang film na ito, such as: 1. Pwede ba talaga magkagirlfriend kapag seminarista?2. Ano yung regency?3. Ok lang ba mang ghost sa ngalan ng sakripisyo? 4. May tama at mali bang dahilan sa pagtugon sa calling mo? 5. Lahat ba ng seminarista kasing gwapo at kisig ni Carlo Aquino?Fine, guni guni lang namin yung panghuli. Pero gamit ang pelikulang I Love Lizzy, isang magulo pero malamang episode na naman ang dala nina Pads Albert and OG cohost Pads Khris. NOTE: We apologize for the poor audio quality between the 25–41 min. mark due to some technical difficulties. Bawi kami sa sunod!
-
Break is over and we're back! At para makabawi kasama ni Pads Albert ang pinakahinahanap ng lahat. Yes, the SISTERS ARE IN DA HOUSE!
Di namin inaasahan na ang tambalang pads at sis ang magiging pinakamalaking episode ng aming podcast (and by a looooong mile too!) So after lots of convincing, we finally got them back on the show, bringing as many laughter-laced lessons and stories for all of you. They will also answer some of the burning questions and even criticisms from their first episode with us. Kaya maging masaya tayong lahat with Sisters Laura, Daisy, and Jane of the Daughters of St. Paul.
- Se mer