Episoder
-
Women journalists in whatever part of the world face the same challenges - being questioned for their abilities to do the job, and harassed because of their gender. Listen to Part 2 as Rajes Paul of Malaysia and Prateebha Tuladhar of Nepal share their thoughts and experiences on what it’s like to be a woman in the media industry in another special episode of WhatTheF?! podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Happy international women's month! In this special episode of #WhatTheFPodcast, VERA Files’ Chin Samson and Elma Sandoval talk to women journalists in Malaysia and Nepal about issues faced by women working in media and what’s being done about it. Listen to part 1 here:
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Mangler du episoder?
-
Ano-ano pa ba ang cost ng jeepney modernization at ano ang maaaring mga epekto nito sa mga tsuper at commuter?
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Jeepney modernization nga ba ang tamang hakbang tungo sa pag-unlad at malinis na kapaligiran?
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Paano ba makaaapekto sa mga manggagawa ang pagbabalak na buksan ang advertising industry sa foreign ownership? Sasagutin 'yan sa talakayan sa Cha-cha ng VERA Files reporters.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Paano ba makaaapekto ang pagbubukas sa foreign ownership ng public utilities at ng mga eskwelahan? Ano'ng say ni Vice President Sara Duterte sa Cha-cha? Pakinggan ang talakayan na 'yan sa episode na 'to.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Kamakailan lang, bumulaga sa telebisyon at social media ang paid ad na dapat daw palitan na ang 1987 Constitution. Na “EDSA-pwera” daw kasi ang mga Filipino sa pagpapaunlad ng agrikultura, edukasyon, at mga industriyang nangangailangan ng foreign investments.
Sinundan ito ng People’s Initiative, o ang pagkakalap ng pirma para sa Charter change (Cha-cha), na tinawag naman ni President Ferdinand Marcos Jr. na “divisive.”
Kailangan ba talaga ng Cha-cha para maisulong ang pag-unlad ng Pilipinas? O kailangan lang ito ng mga pulitiko para manatili sa pwesto? Pakinggan ang talakayan ng reporters ng VERA Files dito sa Episode 34 ng What The F?! Podcast.
-
Mula scams at disasters hanggang sa usapin sa bigas at ekonomiya, pati sa West Philippine Sea at International Criminal Court, umarangkada ang misinformation at disinformation galing sa public figures at internet noong 2023.
Ano naman ang fearful at fearless forecast ng VERA Files reporters sa 2024?
Alamin sa ika-33 episode ng What The F?! Podcast Season 2.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Bago tayo mag-goodbye sa 2023, pag-usapan at suriin muna natin 'yung mga na-fact check natin mula January hanggang December.
Nakapag-publish ang VERA Files ng 526 fact checks tungkol sa samu't-saring issues. Sa mga ito, 410 ay mula sa online, lalo na sa social media, at 116 naman ay statements mula sa government officials at ibang public figures.
Himayin natin ang mga isyu na ito. Para sa ikatlong serye, ano na nga ba ang estado ng Marcos-Duterte alliance, ang UniTeam?
Pakinggan ang kwentuhan ng VERA Files reporters sa ika-32 na episode ng What The F?! Podcast
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Bago tayo mag-goodbye sa 2023, pag-usapan at suriin muna natin 'yung mga na-fact check natin mula January hanggang December.
Nakapag-publish ang VERA Files ng 526 fact checks tungkol sa samu't-saring issues. Sa mga ito, 410 ay mula sa online, lalo na sa social media, at 116 naman ay statements mula sa government officials at ibang public figures.
Himayin natin ang mga isyu na ito. Para sa ikalawang serye, alamin ang mga misinformation at disinformation na kumalat sa unang taon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang VERA Files reporters.
Pakinggan dito sa ika-31 episode ng What The F?! Podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Bago tayo mag-goodbye sa 2023, pag-usapan at suriin muna natin 'yung mga na-fact check natin mula January hanggang December.
Nakapag-publish ang VERA Files ng 526 fact checks tungkol sa samu't-saring issues. Sa mga ito, 410 ay mula sa online, lalo na sa social media, at 116 naman ay statements mula sa government officials at ibang public figures.
Himayin natin ang mga isyu na ito. Para sa unang serye, pakinggan ang kwentuhan VERA Files reporters tungkol sa talamak na pagkalat sa social media ng scams, fake health ads at maling impormasyon tungkol sa mga kalamidad.
Bakit kaya maraming Filipino ang nagogoyo ng ganitong klaseng mis-at disinformation? Alamin dito sa ika-30 episode ng What The F?! Podcast.
-
Dahil sa patuloy na pagsira ng China sa coral reefs sa West Philippine Sea, nangangamba ang mga mangingisda at eksperto sa masamang epekto nito sa kabuhayan at food security ng bansa.
Pakinggan sila dito sa special episode ng #WhatTheF?! Podcast.
Ang mga mamamahayag na gumawa ng ulat na ito ay lumahok sa tatlong araw na seminar-workshop ng VERA Files na naglayong paunlarin ang kakayahan ng midya na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa sitwasyon sa South China Sea.
Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Canada Fund for Local Initiatives ng Pamahalaan ng Canada.
-
Alam mo bang pwede kang magreklamo sa isang council kung may ibinalitang mali ang media? Oo! Walang bayad at hindi kailangan dalhin pa sa korte. Maayos na pag-uusap lang ang kailangan.
Samahan si Chin Samson ng VERA Files kilalanin kung ano nga ba ang mga #mediacitizencouncils na itinatatag ngayon sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ang ating mga guest ay chairpersons ng mga council sa Iloilo at Central Luzon: si Francis Angelo (The Daily Guardian EIC), at si Menchie Estrope (Philippine Daily Inquirer correspondent). -
Anu-anong kundisyon ang ipinapanukala para payagan ang abortion? Alamin natin kay CHR Commissioner Beda Epres para sa ika-29 na episode ng What The F?! Podcast ng VERA Files.
Music credits:
Free Music Archive, Experience by Frank Dorittke (Attribution-NonCommercial-NoDerivatives (aka Music Sharing) 3.0 International License.), May 06, 2010
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Nakipagkwentuhan ang VERA Files tungkol sa usapin ng abortion kay Atty. Claire Padilla, tagapagsalita ng Philippine Safe Abortion Advocacy Network, para sa ika-28 episode ng What The F?! Podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Maraming insidente ng karahasan ang nauulat tuwing nalalapit ang eleksyon lalo na sa lokal na pamahalaan, ayon sa pag-aaral ng Ateneo School of Government.
Bakit humahantong sa patayan ang away para sa mga pwesto sa barangay, ang pinakamaliit na unit ng pamahalaan?
Alamin sa ika-27 na episode ng What The F?! Podcast:
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Mahigit kalahating milyon ang nag-file ng certificate of candidacy para sa halos 336,000 na bakanteng posisyon sa Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa para sa halalan ngayong Oktubre 30.
Dati ipinaa-abolish na ang SK, pero para saan ba ang SK at ano ang ambag nito sa demokrasya?
Alamin sa ika-26 na episode ng What The F?! Podcast.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
-
Mistulang mga magnanakaw sa sariling bakuran. Ganyan ang nararamdaman ng mga mangingisdang Filipino tuwing mapapalapit sa Scarborough Shoal, 224 kilometers mula sa Zambales.
Nitong mga nakaraang taon, mahigpit na ang pagbabantay ng China sa 150-kilometrong lagoon sa Scarborough. Kasabay nito ang paglala ng mga problemang binubuno ng mga mangingisda sa laot— kakaunti at maliliit na huling isda, mataas na presyo ng langis, pati na ang kakulangan sa gamit.
Dito sa Episode 25, Season 2 ng What The F?! Podcast pakinggan ang mga hinaing ng mga mangingisda na aming nakausap sa Masinloc at Candelaria sa Zambales.
Visit: https://verafiles.org/section/podcast
Music credits:
Free Music Archive, Departure by UNIVERSFIELD (Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International), Aug. 6, 2023 - Se mer