Episodes
-
'Nawala na parang bula' - ganyan ang nangyari kay Lino. Si Lino na hinihintay pa rin ng ex girlfriend niyang si Georgette na maiayos ang buhay upang maipagpatuloy nila ang naudlot nilang pagmamahalan. Pero paano ba hintayin ang taong parang wala naman nang balak bumalik? Handa pa ring maghintay si Georgette kahit tumigil nang umasa ang lahat. Pero sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, dapat na siguro siyang mag move on. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
-
Masarap ang makipaglaro lalo na kung pareho kayong magaling ng taong kalaro mo. Pero kapag puso na ang pinag-uusapan, mahirap itong paglaruan dahil tiyak na iiyak sa dulo ang taong natalo. Ikaw, naranasan mo na bang maging talunan sa laro ng pag-ibig? Pakinggan ang kwento ni Dwight sa Barangay Love Stories.
-
Missing episodes?
-
Matapos ang ilang buwan simula nang makipaghiwalay si Georgette kay Lino, muli niya itong nakita sa wedding shower ng kanilang kaibigan. Akala ng dalaga magiging mahirap ang pagkikitang iyon pero nang lapitan siya ni Lino para kausapin, natapos ang kwentuhan nila na magkasama silang umuwi. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
-
Boyfriend material si Lino, siya ang jowa na hinahanap ng marami. Kaya nang subukan ni Lino na ligawan si Georgette, hindi na nagpakipot pa ang dalaga. Masaya at maayos ang relasyon nilang dalawa hanggang sa malasing si Lino at mai-kuwento niya sa kanyang girlfriend ang 'issues' niya sa kanyang ama. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
-
Mahirap makahanap ng taong perfect match for you. Pero para sa mommy ni Marga, hindi mahalaga ang personality ng mapapangasawa mo dahil dapat kaya ka rin nitong buhayin. Sa madaling sabi, mayaman din ang gusto niya para sa kanyang unica hija. At si Marga, hindi kakayanin ang panggigipit sa boyfriend niya. Pakinggan ang kwento ni Marga sa Barangay Love Stories.
-
Panahon na naman para dalawin nina Brando ang puntod ng mga kamag-anak nila. Habang naglilinis sa puntod ng kanyang lolo, may nakitang gintong kwintas si Brando. Para sa tulad niyang hindi naniniwala sa multo o anumang pamahiin, walang pagdadalawang-isip niyang binulsa ang kwintas upang ito ay ibenta. Pakinggan ang kwento ni Brando sa Barangay Love Stories.
-
Para sumarap ang buhay mag-asawa, dapat puno ito ng pagmamahalan. Pero baka magbago ang timpla ng inyong pagsasama kapag may kontrabida. Hindi boto si lola Connie kay Tristan na napangasawa ng mahal niyang apo. Matapos ang kasal, tumira si lola Connie sa condo ng newly weds na may isang layunin, ang subukin at pahirapan ang bago niyang grandson-in-law. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
-
May mga relasyon na mas matibay dahil nagsimula sa pagkakaibigan pero hindi naging applicable kay Tristan at Lumi iyon. Sinubukan naman nilang maging maayos na magkarelasyon pero hanggang BFF lang talaga ang kaya nila. Supportive pa rin naman sila sa kasiyahan ng bawat isa lalo nang mabalitaan nila ang muling pagbabalik ni Chelsea, ang dalagang tinitibok ng puso ni Tristan. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
-
Madalas sa panliligaw hindi mo alam kung titigil ka na o susuyuin pa ang isang dalaga na nagsasabing ayaw niya sa iyo. At dahil sa paulit-ulit na pagsabi ni Chelsea na hindi niya type si Tristan, tuluyan na nga niyang tinigil ang panliligaw para makipagkaibigan na lang sa kapatid ng kanyang kaibigan. Sakto naman na nagtapat na rin kay Tristan ang childhood BFF niyang si Lumi na matagal na palang may lihim pagtingin sa kanya. Magkakajowa na kaya ulit si Tristan. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
-
Sabay nang nagbinata si Tristan at ang bestfriend niyang si Jake. May nakababatang kapatid si Jake na hindi naman naging ka-close ni Tristan dahil nag-abroad ito. At nang bumalik si Chelsea sa Pilipinas, pakiramdam ni Tristan ay handa na ulit siyang magmahal. Buti na lang todo support si Jake sa kanya. Pero uubra kaya si dentist Tristan sa inglesera at party girl na si Chelsea. Pakinggan ang kwento ni Tristan sa Barangay Love Stories.
-
Sa hirap ng buhay ngayon, hindi mapagsabay ng iba ang paghahanap ng pag-ibig at paghahanap ng pera. At sa katulad ni Pinang na 'nalipasan na ng panahon', parang ayaw niya na ring pagbigyan ang sarili niyang kiligin. Pero hindi papayag sa ganun si Kaloy dahil masugid niyang liligawan ang astig na tricycle driver na si Pinang. Pakinggan ang kwento ni Pinang sa Barangay Love Stories.
-
May mga tao pa ring mahilig mangutya dahil sa panlabas na itsura pero si Johanna, wapakels sa mga taong ganoon. Mataba si Johanna at confident siya sa kanyang sarili. Kaya nang makilala niya ang total package na si Dennis, feeling niya naman ay may pag-asa siya sa gentleman at super-duper bait na binatang ito. Pakinggan ang kwento ni Johanna sa Barangay Love Stories.
-
Sa panahon ngayon hindi na issue ang edad sa pagtupad ng mga naudlot na pangarap. Malapit na maging senior citizen si Carlota at isa sa mga goals niya ay ang makapagtapos ng college. Pero first day pa lang ng pasukan ay nagkaproblema na agad siya nang harangin siya ng security guard ng university. Pakinggan ang kwento ni Carlota sa Barangay Love Stories.
-
Sa wakas ay malalaman na nga ni Grace kung kanino niya nakuha ang sakit niyang HIV. At sa patuloy na pagbuti ng pakiramdam niya, mukhang bubuti ring muli ang relasyon sa pagitan niya at ng isa sa mga ex niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories.
-
First love ni Patrick si Grace pero hirap siyang patawarin ang dalaga dahil ginamit, niloko, at iniwan lang siya nito. Ang pangako ni Patrick sa sarili, hinding-hindi na siya makikipagkita kay Grace kahit kailan. Pero si Grace, pursigido ring makita si Patrick para malinawan na siya kung may sakit rin nga ba ang binata tulad niya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories.
-
Nang malaman ni Grace na may sakit siya, naging misyon niya na ang pagbibigay awareness sa ibang tao tungkol dito. At dahil sa misyon na iyon, kailangan niyang makipagkita sa mahangin niyang ex boyfriend na si Roan. Nais niya kasing hikayatin ito na magpa-check sa doctor para makasigurado siya na hindi niya ito nahawaan o hindi si Roan ang nakahawa sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories.
-
Ang pag-ibig ay nasa paligid lang pero madalas mahirap hanapin ang pag-ibig na nakalaan para sa iyo. Nakailang heartbreaks na si Grace kaya ang daily mantra niya sa life, 'Boys, No Entry'. Wala na sana siyang balak masilayan ni anino ng mga lalaking dumurog ng puso niya pero isang sakit ang pipilit sa kanyang makipagkita ulit sa kanilang lahat. Pakinggan ang kwento ni Grace sa Barangay Love Stories.
-
Sa panahon ngayon, parang privilege na ang pagkakaroon ng isang buong pamilya. Isa sana iyan sa mga pangarap ni Liezel. Pero imposible nang mangyari iyon kaya siya na lang ang bubuo ng sarili niyang pamilya kasama ang mga taong mahalaga sa kanya at pinahahalagahan din siya. Pakinggan ang kwento ni Liezel sa Barangay Love Stories.
-
Walang naghanda kay Jea at sa mga kapatid niya na makita ang mama nila na unti-unting dinadaig ng sakit na nilalabanan naman nila. At kahit pa walang planong bumitaw si Jea sa paggaling ng mama nila, kailangan niyang magdesisyon kung hanggang kailan siya magiging matigas para sa kanyang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jea sa Barangay Love Stories.
-
Biyuda na si Bella pero hindi naman naging mahirap ang buhay niya kasama ang kanyang unico hijo dahil sa pensyon ng yumao niyang mister. Bilang lalaki sa kanilang pamilya, protective si Max sa kanyang nanay Bella. Ngunit sobra-sobra ata ang pag-iingat ni Max dahil mahigpit siya sa lahat ng gustong manligaw sa kanyang ina. Pakinggan ang kwento ni Bella sa Barangay Love Stories.
- Show more