Episódios
-
A Filipino take on Phil Kaye's poem, Repetition
-
Minsan akong tinanong “kumusta ang puso mo?”
Hindi ko naulinigan ang mga talata
pero napatigil ako ng hindi ko sinasadya
“Kumusta ang puso mo?” ang ulit niya
huminga ako ng malalim
at hinahanap ang tamang salita
kombinasyon ng mga letra
habang nakatitig sa araw na siyang paidlip na
“Ito patuloy na tumatanda” ang tugon ko
Napatingin siya sa akin
Kung kayat nagsimula akong ikwento ka, ang dating tayo, ang kwento nating dalawa, at kung gano katagal na kitang patuloy na minamahal…
“Ito patuloy na tumatanda” -
Estão a faltar episódios?
-
Patawad
Patawad kung ang hilig kong tingnan ang mga bagay ng higit sa kung ano sila
Katulad na lamang ng isang tilas na ang tingin ko ay paru parong dumapo sa sanga
o isang rosas na sa paningin ko ay natagpuan ko sa malawak na hardin
o ang mga salita na hindi lamang sila titik sa aking pandinig, kundi mga himno na yumayapos sa akin tuwing gabi
Kaya patawarin mo ako
dahil sa tuwing titingnan kita ay hindi ko nakikita ang ikaw
nakikita ko ang pagibig
ang tayo
ang bukas
Patawad -
First year high school at birthday ko noon.
Ang tanging hiling ko lang ay kape ng starbucks na isang jeep ang layo
Hindi damit, sapatos, o bidyo game ng PS1
Dahil ang gusto ko lang ay Starbucks na may whipped cream on top at kape in one.
Matagal ko na siyang pinag nanasahan
Mula sa lamesa ng Principal's office na lagi kong pinupuntahan
Hanggang sa kamay ng kaklase ko na binilhan ng mommy niyang mayaman.
At sa wakas, pagkatapos ng isang jeep at pagbabayad ng syete pesos
Ay nasa tapat na ako ng kahera, handang magbayad ng 110 pesos.
"What's your order ma'am?" sabi ng babaeng with the green apron
Nautal ako for a moment
Thinking what should I get for my palette.
And in one look, nakita ko na ang isang salitang pamilyar
Mula sa menu na kanina ko pa tinititigan
"Banana!" ang sabi ko
Sabay turo sa menu para sigurado
"What size? Tall, Grande or Venti"
I was taken a back and got lost
After hearing the last two words
Ang sabi ko nalang "uhm yung small" para safe
And she said "that's tall"
Nagbayad ako at tumabi, nag aabang na tawagin ang pangalan ko
And finally it came.
Mabilis akong naglakad patungo sa counter
At dinampot ang unang drink na mistula bang all-around ay kulay green
Tinusukan ko ng straw at sabay ang isang mahabang higop
Napatigil ako.
Pilit kong hinihanap at nilalasahan ang hinihintay kong saging
Pilit kong iniimagine ang banana bits
Kung kaya't hinalo ko at humigop muli
Ngunit tanging dahon, oo dahon ang nalalasahan ko sa bawat lunok at lagok.
Lasang dahong ang inumin.
At muli kong narinig ang pangalan ko
"One tall banana mocha for Yel"
At tumigil ang mundo for the 2nd time around
Pati si kuya na dumadampot ng tissue from the ground
Nagkatitigan kami
At sa mga titig na yun, nagkaintindihan kami
Muli akong lumunok
Napagtanto ko na,
Hindi lang ako ang Yel sa mundo.
At hindi lang kape ang nao-order dito.
First year high school. Birthday ko.
At inuming Matcha mula sa Starbucks ang naging regalo ko. -
Grade 3. 9 years old. Section Masipag
Hindi akma sayo yung section natin.
Hindi ka masipag, hindi ka matalino, pero bibo ka.
Ikaw yung bida bida sa klase, maingay, at mahilig magpapansin
Ngunit may isang bagay akong napansin, hindi ito ang lakas ng boses mo o ang pagdaan daan mo sa aisle ng row ko. Ito ay ang laging mong pagtingin sa akin.
Mula sa pagpasok ko sa room, pag baba ng bag, at pag upo sa upuan. Nakatingin ka. At alam ko yun, dahil nakatingin din ako.
Dumating ang araw na nagsimula na ang asaran, kantsyawan, at pag FLAMES ng ating pangalan.
Pati sa larong MASH, lagi mong sinasama ang pangalan ko sa category ng "Marry" na never naging ako ang ending.
Hanggang sa isang hapon, paguwi ko ng bahay...
"Telepono, hinahanap ka"
napaisip ako kung sino ang tumawag, kaklase ko na magtatanong kung pwede kumopya o kaklase ko na magtatanong ano bang homework ang kelangan sagutan.
Kinuha ko ang telepono at sabay sabing
"Hello? sino to?"
Hindi mo pa nababanggit ang pangalan mo, pero sa unang salita mo palang, alam ko ikaw na 'to.
Dinala ko ang telepono sa kwarto ng mama ko habang pinipilit isipin kung saang lupalop mo nalaman ang numero ng bahay ko.
Sa likod ba ng ID? o sa likod ng mga libro kong nagsasabi na "In case of lost, pls bring back to this address or call this number"
Tumakbo ang segundo minuto at oras. patuloy lang tayong nagkwekwentuhan na nagsimula sa eskwelahan, sa titser nating masungit, sa homework, sa laban ni sakuragi at rukawa, hanggang sa pag kagusto mo sa akin.
at ito na.
ramdam ko na, hindi mo na kayang itago. ramdam ko na na gusto mo ng sabihin ang matagal mo ng tinatago, na halatang halata ko.
"Gusto kita, I love you"
tumigil sandali ang oras at mabilis na tumibok ang puso ko.
Ito ang unang beses na narinig ko ang tatlong salitang yun, hindi mula sa nanay ko, sa tatay ko, o kay Barney na lagi akong kinakantahan ng "I love you, you love me"
ito ang unang beses na narinig ko siya mula sa ibang tao.
Grade 3. 9 years old. Section Masipag.
Binaba ko kaagad ang telepono. hindi alam ang sasabhin. nag iisip pero nakangiti.
lumipas ang ilang segundo, tumawag ka ulit.
Hinihintay mo ang sagot sa mga salitang binitawan mo. at hinihingi ang aking "oo"
Grade 3. 9 years old. Section Masipag.
At sinagot kita "oo, I love you" sabay baba ng phone
mabilis ang pintig ng puso.
Grade 3 9 years old, sa linya ng bayantel, una kong sinabi ang I love you. -
Siguro ganito ang pakiramdam ng mga nakarating sa buwan
Yung pakiramdam na nakikita mong unti unting lumalayo ang dating mundong iyong ginagalawan
Na ang dating abot kamay, ngayo’y tanaw na lamang
Na habang papalapit ka sa langit, na siyang mamayang sasaklawin ng kalawakan ay ang siyang paglayo mo sa mga nakasanayan
Sa nakasanayan mong mahigpit na yakap mula sa kanya tuwing umaga
Sa sabay niyong paguwi pagkatapos ng trabaho
At sa pagtanong niya ng “kamusta ka?” tuwing uuwi ka sa kanya, galing sa lakad mo
nandun siya.
nandun siya sa pagmulat mo ng mata
sa pag gising sa umaga
sa kwentuhan tuwing almusal
na may kasamang kape, kanin at longganisa
nandun siya sa merienda
kasabay ng pancit canton, netflix at iba pang pelikula
hanggang sa paghilata sa kama
nandun siya
at marahil hanggang dun nalang din siya
hanggang dun nalang siya sa mga alaala
na patuloy mong bibitbitin kahit saan kaman magpunta
isusuot mo itong parang kwintas, isang medalya na hindi gawa sa ginto o pilak kundi gawa sa mga salitang hindi mo kailanman nabigkas...
mga salitang “naniniwala ako sa tayo”
dahil ito ang mga salitang umasa na baka isang araw may pag asang maniwala rin siya
maniwala sa “kayo” sa “tayo” sa “atin”
pero hindi mo kayang bigkasin ang mga talata
dahil sa pangamba na makita ang mga takot sa kanyang mga mata na maghuhudyat na “hindi ko kaya”
kung kayat pinili mo nalang manahimik at itikom ang bibig
dahil naniniwala ka na wala sa mabulaklak na salita ang pagmamahal kundi ito’y nasa gawa
pinatuloy mo na lang na ipadama sa kanya ang pagmamahal na nararapat
yung totoo, tunay, at tapat.
At ito ang mga alaala na patuloy mong binibitbit at sinusot sa iyong dibdib
na kahit ano mang bigat na tila ba bagahe
ay pilit mo siyang dadalhin, maisakay mo lamang sa susunod mong lakbayin.
Ngunit bakit?
Kung mabigat siyang dalahin, bakit ka parin nakakapit?
Dahil paano mo maiiwanan ang bagahe na naglalaman ng katunayan na kaya mong magmahal ng wagas at higit.
na minsan sa pag-ibig naging sigurado ka
at patuloy mong nilaban ang digmaan kahit alam mong matatalo ka
Pero sabi nga nila, walang talo sa taong tunay na nagmamahal
Kaya sabihin mo sa akin paano? paano mo bibitawan ang mga imahe na nagpapakita kung gaano kaganda ang pagmamahal?
na kahit hindi man ito nauwi sa simbahan, ay sa kanya natagpuan mo ang iyong tahanan?
At ito na nga, katulad ng mga taong nakarating sa buwan
ay napagmasdan mong lamunin ng kalawakan ang kalangitan
at unti unti mo ng naramdaman ang paglutang sa kawalan
kasabay ang pagpatak ng mga luha na unan mo lamang ang nakakakita at nakakadama
dahil ngayon, ang layo na ng mundo
hindi, dahil ngayon, kay layo na ng kanyang mundo
at tanging itong bagahe lamang ang dala mo
na mistulang pinto papunta sa dating mundo niyo
kaya’t patuloy mo tong bibisitahin
at mula sa malayo siya’y tatanawin
dahil kahit wala ka man sa kanyang tabi
ay dito mula sa buwan
ikay mananatili