Episódios
-
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle League– tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM!
Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep dive sa kanyang karasanan sa hip hop-- sa pagiging baguhang battle rapper sa Barangay at Customer Service Representative sa isang BPO Company, sa mga hugot sa payak na pinanggalingan na nagsisilbing gasolina nyang makipaglaban at magtagumpay sa battle at sa buhay, sa pangungulit kay Anygma na sinasagot lang sya ng "Pucha," sa kwento sa likod ng alter ego nyang si "Eveready," sa simulain, mga pagsubok, at naaabot ng Motus Battle League, at sa mga pangunahin nyang katangian na nagdadala sa kanya sa mga panalo sa entablado at tagumpay sa buhay.
TIME!!! Pakinggang ang buong episode sa Spotify, o panoorin sa YouTube ng Linya-Linya. Listen up, yo!
-
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries!
Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE!
Masarap pakinggan ang episode na ‘to habang nabiyahe. Listen up, yo!
-
Estão a faltar episódios?
-
Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog!
At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humor– sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG!
Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition collab shirt na! Kaya sa Creepers dyan, dalaw na sa www.linyalinya.ph 👻
Listen up at sabay-sabay tayong ma-spook out sa special ep na ‘to! Mat Part 2 din sa Creepsilog podcast, abangan!
-
Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya… si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala!
HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colanta— ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito.
Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry?
Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At disclaimer lang: Walang nag-topless dito! Sorry!
Listen up, yo!
-
Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October!
Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!
-
Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons!
Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito.
Kabilang din ito sa selebrasyon ng ika-25 taon ng Orange & Lemons– sakto bago ang kanilang Now & Then concert sa Oct. 18, sa Metrotent. Labas na rin ang Linya-Linya x Orange & Lemons limited edition merch sa www.linyalinya.ph.
Listen up, yo!
-
Yo, check!
Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA!
Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap.
At para sa unang Bara-Bara episode: Nakilala sa kanyang husay sa pag-subvert ng expectations; tinatawag ng iba ang kanyang style bilang “unpredictable,” at expert sa “crowd control.” Mula pa sa Bicol, Lungsod ng Naga, kasama ngayon sa studio ng Linya-Linya-- si CripLi!
Maraming ibinahaging kwentong FlipTop (at marami ring ni-name drop, haha!) si CripLi. Mga karanasan niya sa loob at labas ng battle, sa pakikipagsapalaran sa Maynila, at ayun na nga-- umabot pa sa love language ni Anygma. BOOM! Malalaman niyo ‘yan dito, so tara, mag-ingay and listen up, yo!
-
Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo.
At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta, founder ng AHA Learning Center.
Sobrang honored kong makasama sila rito, at masaya akong ibahagi sa Fellow-22's at mga Ka-Linya ang mga magagawa naming episodes.
Kasabay ng kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan sa pang-araw-araw, susubukin naming tatlo-- mga magkakaibigan-- para magrecord ng episodes tungkol sa iba't ibang subjects, anuman ang aming mapusuan, tulad na lang ng pagpili sa iba't ibang putahe sa isang Turo-Turo na kainan.
Matuto tayo sa isa't isa, mag-Turo-Turo tayong magkakasama!
-
Yo, yo, yo! Or should we say, ‘lo, ‘lo, ‘lo! Dahil eto na naman ang isang episode ng Daddy Diaries para i-celebrate ang Grandparents Day!
Biglaang topic at set-up ng pod lang, sakto namang kakakita lang ni Daddy Rene sa social media na Grandparents Day pala!
Kaya sa episode na ito, tinalakay natin ang naging experience niya sa pagiging lolo, at nagbahagi siya ng malulupit na karunungang napulot niya sa pagtanda. BOOM!
Full of wisdom ang episode na ito, kaya stream now!
-
The Linya-Linya Show, mag-ingay, o!
Sa harap ko, isang rap artist, battle emcee, at songwriter; nakilala bilang “Rebuttal King” dahil sa malulupit nyang balik at mga banat sa FlipTop Battle League– representing, Skwaterhauz and Mongol Unit, mula pa Tondo, Manila, at ngayon, nasa California na sa US– si DELLO! BOOM!
Laking Bambang, Tondo-- isa sa pinakamakulay na lugar sa Pilipinas-- kaya naman hitik din sa karanasan at kuwento ang mga bára at pambará ni Dello.
Sa episode na ‘to, kinuwento niya sa atin ang kanyang paglalakbay sa entablado ng hip hop at battle-rap, ang mga eksenang umusbong sa mga kanto ng Tondo; kanyang tingin sa mga nauna at bagong emcees, mga pananaw sa pagsulpot ng mga bagong liga; at ang kasalukuyan niyang pamumuhay, pati na ang ilan sa kanyang mga plano, sa California.
Para kaming nag-inuman nang walang alak. Ihanda na ang pulutan sa siksik sa kwentuhan.
Tara, listen up, yo!
-
Nitong Aug. 30, naimbitahan si Ali bilang tagapagsalita sa Miriam College Middle School. Para ito sa closing program ng kanilang Buwan ng Wika, kung saan ang tema ay: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”
Nag-share siya ng kanyang sariling kwentong MC, ng kanyang karanasan sa skwela at trabaho, at syempre, ng memes. 💛💙
Sa panibagong “Basa Trip” episode na ito, nirecord ni Ali ang binasa nyang speech sa harap ng humigit-kumulang 1,800 na mag-aaral ng Grades 7-10. Sabi nga ni Ali, nakakatuwa ‘yung energy ng mga bata, at yung mga lumapit at nagsabing nagsusulat sila, na-inspire, at gusto pang magpatuloy magsulat. 🙏🏽😌
Pakinggan ang episode na ito, at sabihan nyo kami sa mga naiisip ninyo!
-
Walang script-script ang malulupit at makukulit na linyahan ng SPIT-- ang pioneer at popular improv group sa Pinas ngayon!
Samahan natin ang SPIT (Silly People's Improv Theater) members na sina Aryn Cristobal, Ariel Diccion, Kara Flores, Karl Echaluse, at Pappu de Leon sa episode na 'to! Dito, tinalakay natin ang sining ng improvised theater, at mga karanasan nila sa pagtatanghal sa iba’t ibang audiences sa Pilipinas. Ang saya ring malaman kung ano-ano ang kanilang backgrounds-- kung paano ito nakakatulong sa kanilang performances, at kung paano naman nakakatulong ang Improv sa kani-kanilang mga trabaho.
Malalaman din natin ang kuwento kung paano nga ba napaputok ng SPIT ang Improv Theater sa social media.
Tara! Maki-’yes, and’ na sa nakakaaliw at nakakatalinong kuwentuhan kasama ang SPIT-- listen up, yo!
Available na rin ang Linya-Linya x SPIT Manila collab shirts sa www.linyalinya.ph
-
Yow, yow, yow! Ihanda na ang kutsara at tinidor dahil ready na ang mainit-init na at malamang kuwentuhan natin ngayon! Kasama ang writer, producer, at standup comedian from Comedy Manila na si Chino Liao!
Sa episode na ‘to, usapang food at comedy tayo. Nagsimula sa kwentuhang hotdog sa sopas at hanggang nilantakan na ang life stories ni Chino sa pagiging isang komedyante. Malalaman natin ang maraming pit stops na dinaanan niya bago mapunta sa scene ng stand-up comedy.
Mabubusog ka sa tawanan at kuwentuhan sa episode na ‘to!
Kaya tara, listen up yo!
-
Matagal na naming gustong mangyari ‘to, ngayon andito na! Isa sa malupit na podcast collabs of the year, The Linya-Linya Show kasama ang Ang Walang Kwentang Podcast!
Sinamahan tayo ni direk Antoinette Jadaone at JP Habac para mag-emehan! Napag-usapan natin ang pagtawid nila mula filmmaking sa podcasting, ang kaibahan ng audio at video podcasts, at sinagot natin ang isang malupit na tanong: Ano bang kwenta ng Ang Walang Kwentang Podcast?!
Warm-up episode pa lang ito ng mas malupit na kolaborasyon natin, listen up at abangan ang mga susunod na mangyayari! Pakinggan din ang episode collabs with Wake Up With Jim and Saab, pati na ang Royal Rumble episode with TLLS x WUWJAS x AWKP!
-
Yo, yo, yo, makinig kayo! Dahil kasama natin sa episode na ito sa para sa buwan ng wika, isang makata mula Batangas–lumipad sa Pilipinas patungong Korea–ang spoken word poet na si Carlo Bonn Hornilla!
Nakilala natin si Carlo sa mga viral spoken word videos niyang nagpakilig, nagpatawa, at nagmulat ng mga mata dahil sa matalas na social commentary na dala-dala.
Kaya sa episode na ito, inalam natin ang kaniyang mga influences at creative process. Nagbalik-tanaw tayo sa experience niya nang magtanghal siya sa pink rallies noong 2022 election, at kung ano ang kahalagahan ng pagsulat ng higit sa tema ng romantikong pag-ibig. Mai-inspire ka sa episode na ito, kaya tara, listen up, yo!
BOOM!
-
Tuloy-tuloy ang kuwentuhan nina Ali at Anygma sa Big Fuzz, dito sa Amorsolo St., Makati, at sumali ang isa pang malupit na emcee, mula Uprising, at tubong Camarin, si KJah!
Alam niyo bang naging housemates sina Anygma, KJah, at Zaito noong 2013? Subukin mo pa lang i-imagine, kagulo na!
Sa episode na ito, masisilip natin ang simulain ng Uprising Records, mga kalokohan nina Anygma, KJah, at Zaito noong magkakasama pa sila sa isang apartment sa Pasig-- tungkol sa giniling na panis, iba't ibang mahiwagang discoveries ni Zaito, at siyempre, rap at FlipTop.
Puno ng kulitan at suwabeng inuman ang episode na ito! Kaya listen up, yo!
-
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM!
Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa?
Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop head ka man, FlipTop fan, o basta’t may pake at appreciation sa iba’t ibang forms of art– para sa inyo ‘to. Samahan niyo kaming kumustahin ang lagay ng Hip Hop at Battle Rap sa Pilipinas. Ito na nga ang Part 2!
Listen up, yo!
-
Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM!
Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop head ka man, FlipTop fan, o basta’t may pake at appreciation sa iba’t ibang forms of art– para sa inyo ‘to. Samahan niyo kaming kumustahin ang lagay ng Hip Hop at Battle Rap sa Pilipinas. Part 1 pa lang ito.Listen up, yo!
-
Kumusta, Fellow-22's at mga Ka-Linya?
Sa episode na 'to, nagbabalik si Jaton Zulueta ng AHA Learning Center, ang isa sa partner organizations ng Linya-Linya, na focused sa paghubog ng early education at pag-empower ng mga bata sa underprivileged areas tulad ng Smokey Mountain at Tondo.
Sa episode na ito, malaliman nating napag-usapan at napag-isipan ang mga rason kung bakit nga ba pinipiling tumulong ng organisasyong tulad ng AHA Learning Center, at kung bakit mahalagang malaman natin ang limitations o scope ng ating pagtulong.
Mapapa-AHA! ka sa dami ng learning sa episode na 'to. At naku, puwedeng magsimula ang pagtulong sa pakikinig dito. Kaya tara, ilabas ang notebook, listen up yo, at tulong-tulong tayo! -
Yo, yo, yo, mga Fellow 22s! Ready na ba ang mga baso o bote niyo?
Tara na at mag-inuman, mapakape, beer, o tubig man ‘yan, maki-join ka sa latest kuwentuhan natin ngayon! Kasama si Kelvin Yu ng bandang The Itchyworms!
Naging matunog sa 2000s OPM scene ang bandang The Itchyworms, at hanggang ngayon umaalingawngaw sa radyo, streaming, at mga videoke ng kapitbahay ang kanilang mga kanta.
Kaya sa episode na ito, alamin natin ang kuwento sa likod ng pagkakabuo ng The Itchyworms, at ang kuwento ng ilan sa kanilang kanta katulad ng hit song nilang “Beer,” na mula sa pagiging kanta, isang official beer brand na! Kaya tara, malasing sa kulitan at usapan sa episode na ito. Lezzgo!
- Mostrar mais