Episodi
-
Maraming salamat sa halos isang taon at 25 episodes ng LIT Junction podcast kasama kayo, mga tagapakinig, mambabasa, manunulat, at followers. Narito po ang huling episode namin para sa 2020: Yearend Kuwentuhan at ang aming panel presentation sa Literary and Publishing Trade Conversations ng National Book Development Board. Pagsusuma ito ng naging simulain at tunguhin ng LIT Junction bilang podcast. Hanggang dito na muna sa ngayon, sapagkat pansamantalang magkakaroon ng production break ang aming podcast. Anu’t anuman, manatili kayong ligtas at magkita-kita tayo sa susunod na taon. Podcasting for your literary stopover every Sunday night, KC, Wil, at Eugene.
-
Isang pamilya. Isang bata. Dalawang nanay. Ikaklit. Rosas, Daisy, Panagbenga, Punla. Tuklasin ang kuwento sa isang munting hardin sa Bontoc at kung paano nilagpasan ng isang pamilya ang mapanghusgang lipunang salat ang pag-unawa sa konsepto ng pamilya, pagmamahal, at kasarian. Ito ang maikling kuwentong pambatang “Ang Ikaklit Sa Aming Hardin” ni Bernadette Villanueva Neri (Publikasyong Twamkittens/Raintree Trading and Publishing, Inc., 2012).
-
Episodi mancanti?
-
Bakit nga ba mapurol si Pol? Ano-ano ang naging pagtatangka ng iba't ibang mga manggagawa at propesyunal para patalasin si Pol? Tara na't pakinggan ang "Pol Purol" ni Chris Rosales (Lampara, 2018) at kilalanin din ang lola ni Pol sa kuwentong pambatang ito.
-
Nakalimutan nga ba ni Jordan si Irene? Bakit ayaw nang alalahanin pa ni Irene ang bayan ng San Ildefonso? Bakit hindi niya ma-let go ang isang hindi na gumaganang cheap watch? Nakaismid pa rin kaya ang mga kerubin? Narinig ba talaga ng taumbayan ang tibok ng puso ni Irene? Isa ba si Irene sa 4 out of 5 na dinevastate ng pag-ibig? Lahat ng sagot, nasa "Para kay B" ni Ricky Lee (Irene, Ang Unang Kuwento) na inilathala ng Philippine Writers Studio Foundation, Inc. noong 2008.
-
Bakit laging sinusugod ng taumbayan na may dalang sulo at lampara ang nagtatago na ngang aswang? May pag-asa pa bang magmahalan, o kahit pa, mapagbuti ang relasyong tao-aswang? E, tao sa tao? E, aswang sa kapwa aswang kaya? Samahan ang kuwentistang si Dr. Chuckberry Pascual ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies sa isang kuwentuhan, kulitan, at tawanan para sa kaniyang akdang "Aswang As You Love Me" (Dapitan Journal, 2020).
-
Paano mailalabas ang isang kabaong sa isang masikip at makitid na eskinita, lalo na kung pinaniniwalaan ng mga tao sa paligid nito ang matandang pamahiin na nagdadala ito ng malas? Sa episode na ito, babasahin at pag-uusapan ang maikling kuwentong “Eskinita” ni Elyrah Loyola Salanga-Torralba mula sa antolohiyang “Kuwentong Siyudad” (2002) ng Ateneo de Manila University Press.
-
Alam ninyo ba kung saan pumupunta at ano ang ginagawa ng ligaw na kaluluwa? Nasa loob o nakalabas na ba sila ng Domitoryo? Pakinggan ang LIT Junction Podcast Episode 19 - Special Halloween Episode tampok ang maikling kuwentong "Dormitoryana" ni Bb. Mayette Bayuga na bahagi ng antolohiyang "Sapantaha: Mga Kuwentong Spekulatibo at Imahinatibo" (UP Press, 2017) kasama sina Dr. Luna Sicat Cleto at Dr. Rolando Tolentino bilang mga editor ng Sapantaha. Bahagi rin ng special episode na ito si Penzer Baterna bilang episode writer at guest co-host.
-
Ang "Langit-lupa-im-importansya ng Tulang Pambata" ay imbestigasyon at suri ni Vijae Alquisola sa kahalagahan ng tradisyon at praktika at kalagayan ng panulaang pambata sa Pilipinas. Binasa rin dito ang dalawang tula ni Alquisola mula sa "Awit ng Bakwit" (UP SWF, 2020)
-
Ang "Sitting in the Moonlight" ay isa sa pitong kuwento ng scholar, writer, literary editor, at professor na si Dr. Elmer A. Ordoñez sa kaniyang aklat na "Sitting in the Moonlight and Other Stories" (Anvil, 2012) ukol isang yugto ng kasayasayan ng Pilipinas - Pananakop ng Mga Hapon. Tayo na't balikan sa kuwentong ito: ang Pasay, Maynila, at iba pang lugar kung saan namalagi si Elias.
-
Nasubukan mo nang maglagay ng asin sa mata? Well, do not try this at home but you know who did? Writer, translator, and copyright advocate Ms. Bebang Siy! Sa episode na ito para sa "Asintada" mula sa It's A Mens World (Anvil, 2011), tingnan nga natin kung anong nagtulak kay Bebang Siy na gawin ito noong kabataan niya!
-
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Mga Guro, naging panauhin ng LIT Junction sa Episode 15 guesting series nito si Bb. Ruby Ana Bernardo mula sa Schools Division Office - Quezon City at aktibong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, opisyal ng ACT NCR-Union, at ng Quezon City Public School Teachers Association. Binasa rin dito ang tulang "Kami, Guro" ni Bernardo (ACT Forum, 2018) na bahagi ng kaniyang komprehensibong pagtalakay sa produksiyong pampanitikan ng mga guro sa loob at labas ng paaralan. Happy World Teachers' Day 2020 sa lahat ng mga guro ng bayan!
-
Aling Lukring at Mang Miguel. Catmon. Malabon. Tambak ng Basura. Bangus. Paano binago ni Santa Peregrina ang buhay ng mga residente ng Catmon. Nina Aling Lukring at Mang Miguel? Ni Miguelito? O may kinalaman nga ba ang Santa Peregrina sa laging banta ng demolition, ng naging sunog? Sa episode na ito, babasahin at pag-uusapan ang maikling kuwentong “Santa Peregrina” ni Jerry Gracio mula sa “Kuwentong Siyudad” (2002) ng Ateneo de Manila University Press.
-
Samahan natin si Filemon Mamon sa pagsugod sa kainan. Ano-ano ba ang paboritong kainin ni Filemon Mamon? Magagawa kaya ni Filemon Mamon na gampanan ang pagiging bida sa katauhan ng bayaning si Andres Bonifacio sa kaniyang pag-arte sa entablado? Pakinggan natin yan sa maikling kuwentong pambatang "Filemon Mamon" ni Christine Bellen na inilathala ng Adarna House noong 2004.
-
Sino nga ba ang mga beterano? Anong pinagkakaabalahan ng mga beterano sa panahon ng kanilang pagiging beterano? Kilalanin si Dwight, kasama si Mang Luis, sa pagtuklas niya sa buhay ng kaniyang namayapang 'beteranong' ama sa maikling kuwentong "Ang Mga Beterano" na mula sa "Troya: 12 Kuwento" (2013 NCCA Writers' Prize for Short Story in Filipino) ni Dr. Joselito Delos Reyes na inilathala ng Visprint noong 2016.
-
Ang mga dagling “Mga Tanong Ko Kina Itay at Inay” at “Isa Pa Uling Tanong sa Parent Ko” ay mga akda ni Eros Atalia mula sa librong “Taguan-Pung at Manwal ng Pagpapatiwakal (Level Up)” na inilathala ng Visprint noong 2014. May tanong ka ba tungkol sa diyos, langit, o bakit ina-advance ang oras sa relos? Tara na’t itanong natin ‘yan kay Tatay Eros!
-
Gaano ka-personal ang personal at bakit ito itinuturing na isang mahirap na gawain sa konteksto ng pagsulat ng personal at malikhaing sanaysay? Sasagutin yan ni Prof. Ferdinand Pisigan Jarin sa kaniyang paksang "Ang Pasukin Ang Pamilyar ay Sobrang Hirap na Gawain". Mapapakinggan din dito ang kaniyang sanaysay na pinamagatang "Mangga" na bahagi naman ng "Tangke" -- kalipunan ng mga sanaysay ni Jarin na ilalathala ng UST Publishing House ngayong taon.
-
Ang "Politics of Forgetting: Preliminary Notes on Waray Poetry After the Balangiga Encounter of 1901" ay isang pagsipat ng iskolar, kritiko, at guro na si Ian Harvey Claros sa naging kalikasan at katangian ng panulaang Waray matapos ang 1901, isang mahalagang yugto ng Balangiga Encounter. Tayo nang makinig at unawain ang isang makabuluhang diskurso ukol sa pag-alaala at paglimot.
-
Ang “Pagbaklas at Pagbuo ng Panitikan sa Antas SHS” ay pagtalakay ni Billy Joy Creus sa kaniyang ilang taong karanasan bilang guro ng Panitikan sa high school. Mapapakinggan din dito ang pagbasa sa kaniyang akdang “Hinila” na lumabas sa antolohiyang Baclaran: Unang Biyahe na inilathala ng KaMaSo noong 2017. Makinig at matuto sa isang klase ng pagbaklas at pagbuo ng panitikang sariling atin.
-
Ang “Ang Imahen ng Bidang Bata sa mga Kuwentong Pambata” ni KC Daniel Inventor ay unang installment ng guesting series ng LIT Junction. Mapapakinggan din sa episode na ito ang maikling kuwentong pambatang “Ang Lumilipad na Perya ni Ginoong Pikpakbum” ni Inventor na inilathala ng Liwayway noong 2018. Sulyapan natin dito kung ano nga ba ang imahen ng mga batang bida sa kanilang kuwento.
- Mostra di più