Episodi
-
Ngayong National Literature Month, makakasama natin si Angelo "Sarge" Lacuesta. Siyempre, kasama sa kuwentuhang ito sina Resident Fellows Jose Mojica na magtatanong tungkol sa naging proseso ng pagsulat ng nobela, graphic literature, at ng screenplay. At hindi mawawala ang hard questions ni Dawn Marfil-Burris sa ating mga segments na USTinig Questionnaire at Save, Edit, Delete.
Si Sarge Lacuesta ay isang award-winning fictionist at essayist. Nakapaglathala na siya ng limang koleksiyon ng maiikling kuwento sa Ingles, dalawang aklat ng nonfiction at koleksiyon ng graphic stories. Ang unang nobela niyang “Joy” ay inilathala ng Penguin Random House SEA. Siya rin ang Editor-at-Large ng Esquire Philippines, publisher ng Good Intentions Books, at ang pangulo ng Philippine Centre of International PEN.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Narito na ang Women’s Month episode ng USTinig, kasama si Stefani Alvarez. Pakinggan ang kuwentuhan nila Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kaniyang early beginnings hanggang sa kaniyang fellowship sa Germany. Sa ating fun segments, makikilala pa nating lalo si Stefani sa kaniyang mga sagot sa Save, Edit, Delete, at sa USTinig Questionnaire.
Si Stefani Alvarez ang awtor ng Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga na nagwagi bilang Best Book of Nonfiction Prose in Filipino sa National Book Awards, at ng sequel nitong Autobiografia ng Ibang Lady Gaga: Ang Muling Pag-ariba. Siya rin ang awtor ng mga nobelang Kagay-An, At isang Pag-ibig sa Panahon ng All-Out War at Lama Sabactani.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
-
Episodi mancanti?
-
Mapapakinggan na ang latest episode ng USTinig Podcast bago matapos ang buwan ng Pag-ibig, mag-usap tayo tungkol sa mga kwento ng pagmamahal at pakikipagsapalaran. Pag-usapan natin ang patuloy na popularidad ng mga teleserye sa kabila ng pagpasok ng streaming services at foreign series pati na rin ang nagbabagong metrics ng panonood. Pakinggan natin ang kuwentuhan nina Louie Jon Sánchez at Resident Fellows Jose Mojica at Dawn Marfil-Burris tungkol sa teleserye at kung bakit nananatili ang hawak nito sa imahinasyon ng publiko.
Si Louie Jon Sánchez ay nagtuturo sa UP Diliman. Siya ay premyadong makata at ang awtor ng mga koleksiyon ng tula kabilang ang Kung Saan Sa Katawan, Siwang Sa Pinto ng Tabernakulo, at mga aklat ng sanaysay at kritisismo tulad ng Abangán: Mga Pambungad na Resepsiyon sa Kultura ng Teleserye na inilimbag ng UST Publishing House.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Ito na ang kauna-unahang offering ng USTinig para sa taong 2023 kasama si Zig Dulay, ang direktor sa likod ng hit teleserye ngayon na Maria Clara at Ibarra. Sa episode na ito ng Discussions Matters, maririnig natin ang pakikipagkuwentuhan niya kasama si Resident Fellow Jose Mojica tubngkol sa proseso ng MCAI, ang pagiging isekai o historical-portal series nito, ang tema nitong dalagang Filipina, at ang nais niyang maging silbi ng adaptation ng mga nobela ni Jose Rizal para sa mga mag-aaral ngayon. Makikipagkulitan din siya kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris para malaman kung aling mga pelikula at palabas ang gusto niya sa segment nating "Save, Edit, Delete."
Si Zig Dulay ay award-winning screenwriter, editor, at direktor sa telebisyon at pelikula. Kabilang sa mga naidirek niya ang mga pelikulang Bambanti, Paglipay, Bagahe, at Black Rainbow. Itinanghal na ang mga obra niya sa mga film festivals na Sinag Maynila, ToFarm, at Cinemalaya. Siya rin ang nasa likod ng kamera ng mga serye ng GMA7 na Sahaya, Legal Wives, at ang patok na patok ngayong Maria Clara at Ibarra.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Narito na ang December episode ng USTinig, kasama ang nobelistang si Katrina Martin. Sa edisyong ito, mapapakinggan natin ang pakikipagkuwentuhan niya with Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagkabuo ng YA novel niyang At Home With Crazy, ang mga dapat na malaman hinggil sa mental health care, at ang infulence ng filmmaking sa akdang ito. Malalaman din natin mula kay Katrina Martin ang mga paborito niyang libro at mga writers sa segment natin kasama si Dawn Marfil-Burris sa segment na "USTinig Questionnaire."
Si Katrina Martin ay naging fellow sa 3rd Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop on the Novel at naging finalist sa PBBY-Scholastic Asia’s You Write to Me, I’ll Write to You manuscript competition noong 2017. Nagtapos siya ng BS Nursing sa UP Manila at ng MA Creative Writing sa UP Diliman. Nakapagsulat na rin siya para sa telebisyon, pelikula, at sa global social sector. Siya ang awtor ng nobelang pag-uusapan natin ngayon, ang At Home With Crazy.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Ito na November episode namin, kasama si Dwein Baltazar. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagdi-direct ng mga pelikula at mga serye sa telebisyon at iba ang unang film school niya. Sasagutin din ni Direk Dwein ang mga tanong ni Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa segment natin na “USTinig Questionnaire.”
Si Dwein Baltazar ang award-winning writer-filmmaker ng mga pelikulang independent na Mamay Umeng, Gusto Kita With All My Hypothalamus, at Oda sa Wala na nanalo sa Famas ng Best Screenplay, Best Director at Best Picture. Aside from that, Nanalo na rin ang films niya sa Golden Horse Film Festival sa Taiwan, at Jeonju International Film Festival sa Korea. Director din siya ng mga series na Past, Present, Perfect?, I Am U, Marry Me, Marry You na ipinalabas sa IwantTFC at ABS-CBN.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Narito na ang aming October episode, kasama si Manix Abrera. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa paglikha ng graphic fiction na may humor. Dito rin mapapakinggan ang makulit na mga sagot ni Manix sa mga tanong ni Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa segment naming “USTo Mo 'Yon" at "USTinig Questionnaire."
Si Manix Abrera ay three-time National Book awardee at graphic fiction author-illustrator. Marami na siyang nailimbag na graphic works kabilang ang series na Kikomachine Komix na nasa 17th issue na, at nagka-spin-off na rin gaya ng Bertong Badtrip at The Terror Prof. Ilang beses na rin siyang nakapag-one-man exhibit sa Galerie Stepahnie, Vargas Museum, at marami pang iba. Siya rin ang nag-adapt sa nobelang Si Amapola sa 65 Kabanata ni National Artist Ricky Lee para maging graphic novel. At recently lang, ang silent comics niyang 12 at 14 ay nagkaroon ng US edition na published ng Ablaze.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paolo Priestos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Narito na ang aming September episode, kasama si Ferdinand Pisigan Jarin. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsulat ng sanaysay. Sasagutin din ni Ferdie ang mga tanong ni Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa “USTinig Questionnaire,” at magbabasa siya ng sipi mula sa kanyang sanaysay na “Tangke.”
Si Ferdinand Pisigan Jarin ang awtor ng popular na Anim na Sabado ng Beyblade na nagwagi bilang Best Book of Nonfiction sa National Book Awards at naging finalist sa Madrigal-Gonzales Best First Book Award. Tatlong beses na siyang nagwagi ng Palanca, at nakapaglimbag na ng maraming aklat na pambata at nag-edit ng mga antolohiya. Ang ikalawang edisyon ng Anim na Sabado ng Beyblade at ang kanyang ikalawang koleksiyon ng CNF na Tangke ay kapwa inilimbag ng UST Publishing House. Sa kasalukuyan, siya ay isang Assistant Professor sa UP Visayas.
Tangke
Shopee: https://bit.ly/3Dvrfgm
Lazada: https://bit.ly/3SwFeXF
Anim na Sabado ng Beyblade
Shopee: https://bit.ly/3BuzCG7
Lazada: https://bit.ly/3qPWew8
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paolo Priestos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta
-
Narito na ang aming episode ngayong Buwan ng Wika, kasama si Vlad Gonzales! Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsulat ng dulang adaptasyon at ang pagbasa ni Ronah dela Peña ng sipi mula sa dulang “Mal.” Pakinggan rin ang mga sagot ni Vlad sa “Save, Edit, Delete” kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris.
Si Vlad Gonzales ay isang propesor mula sa UP Diliman. Naging tagapangulo siya ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at Deputy Director ng UP Institute of Creative Writing. Siya ang awtor ng Isang Napakalaking Kaastigan at A-Side/B-Side: Ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo, mga koleksiyon ng sanaysay; ng mga koleksiyon ng dulang Lab at Pop Lab, parehong koleksiyong ng mga dulang adaptasyon para sa klaseng panlaboratoryo. Mayroon din siyang koleksiyon ng mga kuwento, ang Dirty Pop Machines vs. Academia Nuts, koleksiyon ng kuwento at dula na Sa Kanto ng Makabud at Mangga, May Eskuwela, habang mga kuwento at tula naman ang nasa Mga Tala ng Isang Super Fan.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero
-
USTinig Episode 23: Reading Texts featuring Charmaine “Maine” Lasar.
Narito na ang inaabangang Reading Texts episode kasama si Charmaine “Maine” Lasar! Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsusulat. Narito rin ang mga sagot ni Maine sa Save, Edit, Delete segment kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris. Sa dulo, magbabasa si Maine ng sipi mula sa Toto O., ang kanyang nobelang nagwagi sa Palanca.
Si Maine Lasar ang awtor ng nobelang Toto O. na nagtamo ng Palanca Grand Prize for the Novel noong 2015 at pinarangalan sa National Book Awards bilang Best Fiction in Filipino noong 2017. Siya rin ang nagsulat ng mga nobelang Ab Initio, Hello, Love, Goodbye, at The Hows of Us, mga nobelang bersyon ng mga sikat na pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nagtuturo siya sa First Industrial Science and Technology College sa Batangas.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero
-
Ngayong buwan ng Mayo, magkuwentuhan tayo tungkol sa pagsulat, sa internet, sa pagsulat sa internet, at sa pagsulat sa internet na parang life hack! Ang guest namin para sa Reading Text episode na ito ay si Jade Mark Capiñanes.
Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kanyang mga koleksiyong Digital Loves at How to Grieve. Abangan rin ang kulitan kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa USTinig Questionnaire segment.
Si Jade Mark Capiñanes ang awtor ng Vince & Kath & Derrida at Nazi Literature in the Philippines, mga koleksiyon ng akdang satirikal. Noong 2020, naglabas siya ng dalawang koleksiyon ng kuwento online, ang Digital Loves at How to Grieve. Naging fellow siya sa UST National Writers Workshop noong 2017 at nagwagi sa Palanca para sa kanyang sanaysay na “A Portrait of a Young Man as a Banak.” Contributor din siya sa Culture section ng ANCX.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero
-
Ngayong Pambansang Buwan ng Panitikan, pag-uusapan sa USTinig ang mahigpit na ugnayan ng panitikan at lipunan!
Ikukuwento nina Mae Paner at Maynard Manansala kay Resident Fellow Jose Mojica ang naging karanasan nila sa pagbuo ng Tao Po. Sasagutin din nila ang mga tanong mula kay Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa mga segment na USTinig Questionnaire at Save, Edit, Delete!
Ang Tao Po ay isang dulang binubuo ng mga monologo tungkol sa EJKs. Nito lamang nakaraang taon, naging bahagi ng Cinemalaya ang pelikulang bersiyon nito. Maaaring mapanood ang Tao Po sa Upstream: https://bit.ly/3JwNLoi
Si Mae Paner, kilala rin bilang Juana Change, ay isang political activist, producer, awtor at isang aktres. Napanood na siya sa iba’t ibang teleserye at pelikula, kabilang ang Juana C. The Movie, Norte, Ang Babaeng Humayo, at marami pang iba. Nagwagi siya bilang Best Supporting Actress sa Cinema One Originals Film Festival noong 2017 para sa pelikulang Si Chedeng at si Apple.
Si Maynard Manansala ay manunulat ng iskrip para sa teatro, ilang tv mini-series at viral advertising. Naitanghal na ang kanyang mga dula sa loob at labas ng bansa. Nagwagi siya ng Palanca para sa dulang may isang yugto at kuwentong pambata. Sa kasalukuyan, nagtuturo siya sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP-Diliman, kung saan siya rin ang kasalukuyang Assistant Chairperson.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig technical team:
Korina Dela Cruz
Thea Flores
Ry Philip Jaco Galvan
Maxine Joaquin
Patricia Logina
Joshua Miguel Rivero
-
Ang guest namin ngayong Buwan ng Kababaihan ay si Jhoanna Lynn Cruz!
Pakinggan ang pakikipagkuwentuhan niya kay Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsusulat ng memoir at ang pagsagot niya sa USTinig Questionnaire, kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris. Magbabasa rin si Jhoanna ng ilang sipi mula sa "Sapay Koma" at "Do Not Resuscitate," mga piyesa mula sa kanyang librong Abi Nako, Or So I Thought.
Si Jhoanna Lynn Cruz ay isang Professor ng Creative Writing sa UP Mindanao. Nagtapos siya ng kanyang PhD sa RMIT University, Australia. Siya ang awtor ng Abi Nako, Or So I Thought at Women Loving, ang unang sole-author na koleksiyon ng mga kuwentong lesbiyana sa Pilipinas, at available na ngayon bilang e-book na may titulong Women on Fire. Siya rin ang editor ng Tingle: Anthology of Pinay Lesbian Writing.
-
Ngayong Anibersaryo ng EDSA Revolution, makinig tayo sa kuwentuhan tungkol sa kasaysayan!
Ang tampok na panauhin namin ngayong Pebrero ay ang tanyag na historyador na si Ambeth Ocampo. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica kay Ambeth Ocampo tungkol sa pagsulat ng kasaysayan at kung bakit lalong mahalagang pag-aralan ang kasaysayan sa kasalukuyang panahon. Pakinggan rin ang mga sagot ni Ambeth Ocampo sa mga tanong ni Dawn Marfil-Burris, ang bagong segment host ng USTinig.
Si Ambeth Ocampo ay isang public historian. Nagsasaliksik siya tungkol sa sining, kultura, at pagkabuo ng bayan noong huling bahagi ng ika-19 siglo ng Pilipinas. Mayroon siyang column sa Inquirer.net, at 48 books, kabilang ang popular na Rizal Without the Overcoat at Looking Back 15: Martial Law. Nagtuturo siya sa Department of History ng Ateneo de Manila University.
-
Narito na ang unang episode ng USTinig ngayong taon! Ang tampok na panauhin namin ay ang premyadong makata at manunulat sa telebisyon at pelikula na si Jerry Gracio. Magkukuwentuhan sila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagsulat ng tula, sanaysay, at script. Pakinggan rin ang pagsagot ni Jerry sa mga tanong ni Dawn Marfil-Burris, ang bagong segment host ng USTinig.
Si Jerry Gracio ay isang premyadong makata at manunulat sa telebisyon at pelikula. Siya ang awtor ng Apokripos, Aves, Hindi Bagay, at Waray Hinuong Sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig, mga koleksiyon ng tula; ng Bagay Tayo at Informal, mga koleksiyon ng sanaysay. Siya ang screenwriter ng Balangiga: Howling Wilderness, at isa sa mga manunulat ng mga programang The Greatest Love at A Soldier’s Heart.
-
Magkukuwento si Giancarlo Abrahan kung paano siya naging direktor, screenwriter, at makata. Ibabahagi rin niya kay Resident Fellow Jose Mojica kung paanong nabuo ang mga pelikulang "Transit," "Islands," "I'm Drunk I Love You," "Dagitab," "Paki," "Sila-sila," at "Kun Maupay Man It Panahon/Whether the Weather is Fine," na entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.
Si Giancarlo Abrahan ay direktor ng mga pelikula at ng mga dula, screenwriter, makata, at tagasalin. Naipalabas at kinilalala na ang mga pelikula niya sa loob at labas ng bansa.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
-
Narito na ang inaabangang USTinig episode kasama si Eliza Victoria!
Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica para malaman kung paano napunta si Eliza Victoria sa pagsusulat ng speculative fiction, kung ano ang naging proseso ng pagsulat ng popular na nobelang "Dwellers," ng graphic novel na "After Lambana," ng maikling kuwentong "The Seventh," at ng dulang "Marte" na itinanghal sa Virgin Labfest noong 2016.
Si Eliza Victoria ay isang manunulat na nagkamit ng parangal sa National Book Awards (para sa nobelang Dwellers) at sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (para sa kaniyang mga tula). Maaari siyang bisitahin sa http://elizavictoria.com.
-
Mookie Katigbak-Lacuesta will talk about how her poems begin and end. She will also read excerpts from her upcoming book, “Burning Houses & Hush Harbor,” from the UST Publishing House.
Mookie Katigbak-Lacuesta won the Philippines Free Press Award for Poetry in 2007 and the Carlos Palanca Memorial Award for Poetry in 2014. She has four poetry collections under name—“The Proxy Eros,” published in 2008, “Burning Houses” in 2013, “Hush Harbor” in 2017, “Eros Redux” in 2019, and the recently released “College Boy.”
-
Paano nga ba nagpapatuloy ang teatro ngayong panahon ng pandemya? Ano na ang nangyari sa mga aktor, direktor, at iba pang kasapi ng mga produksiyong pantanghalan
Pakinggan ang kuwentuhan nina Resident Fellow Jose Mojica, Katte Sabate, Jo Ann Quiros, at Ron Biñas para malaman ang sagot! Sina Katte, Jo, at Ron ay mga miyembro ng Relive Your Passion PH, isang grupong pantanghalan na patuloy na itinataguyod ang teatro ngayong pandemya, sa pamamagitan ng online readings.
Si Katte Sabate ay Director for Academic Affairs, Director of Dharma Theatre Ensemble, at Assistant Professor for Performing Arts sa Guang Ming College. Nagtapos siya ng Bachelor of Theater Arts, cum laude, at kasalukuyang Candidate Graduate of Master of Arts sa UP Diliman. Pagkatapos niyang magsiyasat, makipamuhay, at magsaliksik sa iba’t ibang lugar sa Asya, bumalik siya sa Pilipinas noong 2015 at nagtuturo na ngayon nang full-time sa Guang Ming College, kung saan tumutulong siya sa paghubog ng mga artist-scholar sa ating bansa. Miyembro siya ng Theatre Actors Guild of the Philippines, at ang kanyang mga pananaliksik ay nailimbag at binasa na sa ASWARA, Malaysia, Paris, France, Lisbon, Portugal, at sa University of the West, USA. Bilang core member ng Relive Your Passion PH, pinagyayaman niya pa ang kanyang mga kakayahan sa pag-arte at pagdidirek sa virtual platform.
Si Jo-Anne Quiros ay core member at isa sa mga tagapagtatag (aka promotor) ng Relive Your Passion PH. Nagpi-freelance siya bilang production at stage manager—sa kasalukuyan, siya ang may hawak sa lahat ng digital shows ng Puregold Channel—habang nagtatrabaho rin bilang Communications and Process Manager for Canbnb, isang property management na naka-base sa Australia.
Si Ron Biñas ay dating faculty member ng Department of Literature ng UST. Nagturo rin siya ng speech and theatre sa UP Los Baños. Nagtapos siya ng BA Theatre Arts, cum laude, sa UP Diliman, at naging aktibo sa Pagtatanghal. Nagsilbi na siyang stage director, production manager, actor, at opera singer sa iba’t ibang theatre companies, kabilang ang Dulaang UP, UP Dulaang Laboratoryo, UP Playwrights’ Theatre, Teatro Likhaan, Teatro Tomasino, Tabsing Kolektib Manila, Philippine Opera Company, at iba pa. Nagtanghal na rin siya sa Europa kasama ang UP Singing Ambassadors noong 2005. Sa kasalukuyan siya ang program director ng Kundiman, Kwentuhan at Katuwaan ng Performatibo Manila at isa siya sa mga core members ng Relive Your Passion PH.
-
Nakapanayam ni Resident Fellow Jose Mojica sina Aldrin Pentero at Joey Tabula ng LIRA tungkol sa pagsulat at pagpapalihan ng tula ngayong pandemya.
Si Joey Tabula ay nagtapos sa UP at nagsanay ng Internal Medicine sa Philippine General Hospital. Naging editor siya ng “From the Eyes of a Healer: An Anthology of Medical Oncologists” at co-editor ng “BULAWAN: Interviews with Filipino Medical Oncologists” at ng isang volume ng “Human Spirit Project.” Tinatapos niya ang kaniyang tesis para sa MFA in Creative Writing sa De La Salle University. Siya ang bagong halal na pangulo ng (LIRA).
Si Aldrin Pentero, dating pangulo ng LIRA, ay opisyal ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL at ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. o FILCOLS. Itinanghal siyang Makata ng Taon noong 2017 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naging kinatawan siya ng bansa sa Young Writers Forum na bahagi ng The First Forum Asian Writers na ginanap sa Nur Sultan, Kazahkstan noong 2019. Siya rin ang co-editor ng Pitong Pantig, Pintig, at Pagitan: 50 Tanaga sa Panahon ng Pandemya.
- Mostra di più