Folgen
-
Hindi naman kailangan ng kompetensiya lalo na sa isang pamilya. Tanggalin sa puso ang inggitan at huwag ituring ang kapatid na kalaban. Pakinggan ang kwento ni Michelle sa Barangay Love Stories.
-
Kapag binalewala ang isang tao o bagay, siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa buhay. Kaya 'wag ipagpaliban ang maliit na problema dahil ang maliit na butas ay maaaring lumala. Pakinggan ang kwento ni Joanne sa Barangay Love Stories.
-
Fehlende Folgen?
-
Iba talaga ang Pasko ng mga Pilipino kaya naman halos lahat ay inaabangan ang pagdiriwang na ito lalo na si Sam. Maayos na ang buhay niya at may masayahin din siyang asawa. Lalo pang nagalak ang pamilya nila nang biniyayaan sila ng baby pero sa hindi inaasahang pagkakataon, binawi rin ito agad sa kanila. Paano na ang Pasko ng inaabangan sana ng kanilang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Sam sa Barangay Love Stories.
-
Sa away ng mga magulang, madalas ang mga anak ang mas nahihirapan. Bunsong anak si Cynthia at sa murang edad, kitang-kita at rinig niya ang sakitan ng kanyang mommy at daddy. Hindi man naghiwalay ang kanyang parents, hindi na rin naging mapayapa ang kanilang tahanan. Hanggang sa isang araw, hindi na siya umuwi. Pakinggan ang kwento ni Cynthia sa Barangay Love Stories.
-
Hindi biro ang pag-aalaga ng anak kaya imbes na magkaroon ng baby, nag-alaga na lang muna ng pusa sina Maiko at Jomel. Napakatagal din ng kanilang pagsasama sa iisang bubong hanggang sa na-realize daw nila na ayaw na pala nilang ipagpatuloy ang relasyon nila. Pero willing pa rin silang mag co-parent sa kanilang furbaby na si Yanyan. Pakinggan ang kwento ni Maiko sa Barangay Love Stories.
-
Masarap makasama sa buhay ang taong mahal mo pero kapag mahirap ang inyong estado, minsan nagkakaroon tuloy ng issue. Pangingisda ang hanapbuhay ni Dante kaya minsan mas matagal siya sa laot kaysa sa kanilang bahay. Mainit naman ang tahanang inuuwian niya dahil maasikaso ang kanyang kinakasamang si Amor. Pero nagbago ang lahat simula nang mapansin niyang napapadalas ang pag-aayos at paglabas-labas ni Amor. Pakinggan ang kwento ni Dante sa Barangay Love Stories.
-
Pagdating sa pag-ibig, hindi lang puro puso ang pinapairal dahil dapat pinapagana rin ang utak. At iyon ang ginamit ni Jojo sa relasyon nila ni Marie kaya nga nauwi sa proposal ang kanilang pagmamahalan. Habang pinaplano ang kanilang kasal, ang isa sa wedding supplier na nahanap nila ay ang pinakamamahal na ex pala ni Jojo. Damdamin pa rin kaya ang mangingibabaw o baka paganahin naman ni groom ang utak niya. Pakinggan ang kwento ni Jojo sa Barangay Love Stories.
-
Iba-iba ang paraan ng mga magulang sa pagpapakita ng pagmamahal nila. Para kay Priming, hindi niya masyadong hinihigpitan ang anak niyang si Volter dahil hindi rin naman umuobra sa binata ang mga pangaral niya. Kaya sinusuportahan niya na lang ang unico hijo niya sa mga gusto nito. Pero hindi habang buhay magiging mabait ang mundo kay Volter. Pakinggan ang kwento ni Priming sa Barangay Love Stories.
-
Lahat naman siguro ng tao ay gustong makaranas ng pagmamahal pero kung ang gusto mo ay ikaw lang laging pinagbibigyan at inaalagaan, parang hindi na tama iyon. Magaling magmahal si Ica pero hindi niya pa nararanasang mahalin nang tama. Kaya nang makilala niya si Elmer, nakita niya kung gaano ito kaiba magbigay ng atensyon kumpara sa boyfriend niyang mahilig magpalibre at humingi ng pera sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Ica sa Barangay Love Stories.
-
May mga sakripisyo na masarap sa kalooban lalo kung para iyon sa taong mahal mo. Sila ang inspirasyon upang maging magaan ang pagdadala sa buhay. Kahit na mapanakit ang ina ni Jel, may mapagmahal naman siyang tatay at kapatid. Pero nang umalis ang kanilang ama para magtrabaho, sa ilalim ng kumot natatagpuan ng magkapatid ang proteksyon na hinahangad nila. Pakinggan ang kwento ni Jel sa Barangay Love Stories.
-
Para magkaroon ng maayos na buhay, may mga taong gagawin ang lahat makapagtapos lang ng pag-aaral. Pero si Isabella, nakahanap ng taong magiging katuwang niya pero malaki ang agwat ng edad nila. Pakinggan ang kwento ni Isabella sa Barangay Love Stories.
-
Kakosa ni Fredo si Buji. Pero para sa matandang tulad ni mang Fredo, pamilya na ang turing niya sa binata lalo pa't si Buji lang ang tanging tumulong sa kanya nang makalaya silang pareho sa kulungan. Maraming taon na ang lumipas pero sigurado si mang Fredo na hindi pa rin siya napapatawad ng mga naiwan niyang anak. Kaya imbes na dalawin at magpakita sa kanila, nakuntento na lamang siya na araw-araw silang pagmasdan sa malayo. Pakinggan ang kwento ni Fredo sa Barangay Love Stories.
-
Nang mabiyuda si Yolly, medyo nahirapan siyang buhayin ang apat niyang anak. Buti na lamang ay nandyan ang bayaw niyang si Danny upang tulungan sila sa pang araw-araw nilang buhay. Pero iba talaga ang motibo ni Danny dahil bukod sa pagtulong sa kanyang mga pamangkin, gusto niya ring tumayong haligi ng tahanan para kay Yolly. Pakinggan ang kwento ni Danny sa Barangay Love Stories.
-
Isang breadwinner si Pixie at ang boyfriend niyang si Kio, breadwinner din daw. Pero pagdating sa relasyon nila ni Pixie, pabuhat at manipulative siya. Walang masama sa sobrang pagmamahal ngunit mas mainam siguro kung titirahan mo pa rin ang sarili mo dahil baka mapanlamang din ang jowa mo. Pakinggan ang kwento ni Pixie sa Barangay Love Stories.
-
Matagal nang minamahal ni Georgette ang kanyang ex boyfriend na si Lino. Si Lino na bigla na lang naglaho para ayusin daw ang kanyang buhay. At ngayong maayos na si Georgette, ngayong may bago nang lalaki na nagpapasaya at nag-aalaga ng kanyang puso, saka naman biglang babalik si Lino. Si Lino na matagal na nilang pinalaya pero ngayon ay handa na raw ipagpatuloy ulit ang mga planong iniwan niya. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
-
Ang pamilya ay tahanang binubuo ng pagmamahal, saya, disiplina, at pagkakaisa. Ngunit sa iba, ang pamilyang kanlungan sana ay kapahamakan pala. Nang maiwan mag-isa si Janesa sa piling ng kanyang ama, parang wala nang magandang nangyari sa kanilang pamilya. Bukod sa pinaghihigpitan siya ng kanyang tatay, winawaldas din nito ang perang pinaghihirapan niya sa trabaho. Pakinggan ang kwento ni Janesa sa Barangay Love Stories.
-
Ang buhay ay nagtuturo ng mga aral na wala sa eskuwelahan at ang nagsisilbing guro ay ang mga karanasan. Pangarap ni Pearl na maging guro pero kahit pa gaano kabuti ang hangarin niya para sa kanyang sarili at sa iba, may mga tao talagang dumarating upang hadlangan siya. Pakinggan ang kwento ni Pearl sa Barangay Love Stories.
-
'Nawala na parang bula' - ganyan ang nangyari kay Lino. Si Lino na hinihintay pa rin ng ex girlfriend niyang si Georgette na maiayos ang buhay upang maipagpatuloy nila ang naudlot nilang pagmamahalan. Pero paano ba hintayin ang taong parang wala naman nang balak bumalik? Handa pa ring maghintay si Georgette kahit tumigil nang umasa ang lahat. Pero sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, dapat na siguro siyang mag move on. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
-
Masarap ang makipaglaro lalo na kung pareho kayong magaling ng taong kalaro mo. Pero kapag puso na ang pinag-uusapan, mahirap itong paglaruan dahil tiyak na iiyak sa dulo ang taong natalo. Ikaw, naranasan mo na bang maging talunan sa laro ng pag-ibig? Pakinggan ang kwento ni Dwight sa Barangay Love Stories.
-
Matapos ang ilang buwan simula nang makipaghiwalay si Georgette kay Lino, muli niya itong nakita sa wedding shower ng kanilang kaibigan. Akala ng dalaga magiging mahirap ang pagkikitang iyon pero nang lapitan siya ni Lino para kausapin, natapos ang kwentuhan nila na magkasama silang umuwi. Pakinggan ang kwento ni Georgette sa Barangay Love Stories.
- Mehr anzeigen