Folgen
-
Happy 100th episode!
Ang ating surprise guest ay ang 2024 New York Festival gold awardee para sa dokyumentaryong ‘Child’s Game’ at silver awardee para sa ‘One Deep Breath."
Alam n’yo bang hindi Mass Comm ang course ng award-winning journalist na si Atom Araullo? Iyong nag platform diving siya? All these and more interesting stories straight from Atom, only here in Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
From Colorado Springs, nag-umpisa na ang intense training ng Pinoy Olympian na si Eumir Marcial para sa nalalapit na Paris Olympics. Pero kahit busy sa training, game pa rin siyang magkwento sa kanyang journey patungo sa pinapangarap na gold medal.
Ano-ano ba ang mga hamon at pagsubok sa buhay ng isang Olympian? Pakinggan at alamin dito sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Fehlende Folgen?
-
Sinubukan niyang pasukin ang mundo ng showbiz, naging sportscaster hanggang makasama sa longest running morning show na "Unang Hirit!" bilang isa sa mga host nito.
Ang journey ng growing boy ng "Unang Hirit" na si Anjo Pertierra ikukuwento niya dito lang sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Kinaiinisan pero nagpapakilig.
‘Yan ang role niya bilang ‘Seb’ sa GMA Afternoon Prime revenge drama na ‘Makiling’. Pero sino nga ba sa likod ng kamera si Kristoffer Martin?
Mula sa pagpasok nya sa showbiz, hanggang sa cute na love and family stories! Lahat ng kulitang iyan, dito lang sa Surprise Guest with Pia Arcangel.
-
Mula sa pagpapakilig at pagsasayaw sa dance floor hanggang sa umaatikabong action scenes, talagang hindi matatawaran ang ipinakitang galing at talento ng promising young Kapuso actor na si Jon Lucas!
Pero sino ba ang mag-aakalang isa siyang mahiyain na tao, ulirang asawa at tatay, responsableng kuya at mapagmahal na anak? Ano pa kaya ang kaniyang itinatagong kuwento? Makinig na sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Dobol Weng meets Pia!
Sila ang bida sa pang-hapong talakayan ng Super Radyo DZBB! Ang tandem na walang inuurungan! Samahan sina El Bonita Weng Salvacion at Pogi ng Bayan Weng dela Peña sa kanilang mga ku-weng-to sa loob at labas ng radio booth!
-
From the land down under to the pearl of the orient seas, isa-isang iku-kwento ni multi-awarded Filipino-Australian actress Jasmine Curtis-Smith ang kanyang life experiences.
S’yempre, hindi mawawala ang usapang friendship, lalo pa at tungkol dito ang kanyang bagong pelikulang '3 Days 2 Nights In Poblacion.'
Ano kayang gagawin ni Jasmine kung may isang best friend na gustong makipag-FO or friendship over sa kanya? Pakinggan at alamin sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
‘Reincarnation’
'Yan ang kuwentong aabangan sa pelikulang ‘After All’, kung saan lead stars sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda. Para sa kuwentuhan ngayong linggo, si Kelvin naman ang bibida!
Ang kuwento mula sa pagiging extra na dumadaan lang, hanggang sa mag-debut sa pelikulang ‘Dead Kids’, at ngayon ang maging partner on camera ni Beauty, ilalahad niya sa Surprise Guest with Pia Arcangel.
-
Halos buong linggo natin siyang napapanoon sa ‘Stolen Life’ at ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik sa Misis’. Ngayon, sa pelikulang ‘After All’ natin siya aabangan kasama ang ka-love team na si Kelvin Miranda.
Paano nga kaya napag sasabay ni Beauty Gonzalez ang career and family? Iku-kuwento ni Beauty lahat iyan dito lang sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Love is in the air! Si Morning Sunshine at Kapuso sweetheart Shaira Diaz ang surprise guest ngayong linggo. Paano niya napagsasabay ang pag-aaral at pagiging artista, ang kanyang love life kasama ang fiance na si Edgar Allan Guzman?
Pakinggan ang nakakikilig na kuwentuhan dito sa Surprise Guest with Pia Arcangel.
-
Artista, Dancer, Technopreneur, Furparent, ano pa ba ang hindi nagagawa ng ating surprise guest ngayong episode na si Yassi Pressman?
Kahit napakabusy, how does she take care of herself? Isang masayang kuwentuhan with Yassi Pressman, pakinggan dito lang sa Surpise Guest with Pia Arcangel!
-
Advance Valentine’s day treat ang hatid sa atin Mark Bautista ngayong February 10! Iku-kuwento niya iyan at pati ang paghahanda sa kaniyang first concert na siya ang director!
Dito lang ‘yan sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Annyeonghaseyo! Si Kristel Fulgar ang surprise guest ni Pia Arcangel this week sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
Mula sa acting at singing, ngayong isa na ring content creator si Kristel! At madalas pa siya sa South Korea! Bukod sa love niya for K-drama, ano nga ba ang meron sa Korea at gustong-gusto niya rito?
-
Surprise! Isang up and coming Filipino-American rapper ang ating guest ngayong episode, MBNEL in the podcast house!
Mas kilalanin natin siya at alamin kung paano siya nagsusulat ng rap na may hugot, mula sa buhay bilang isang Filipino-American na lumalaki sa Stockton, California, hanggang sa paglibot niya sa Tondo, Maynila para makihalubilo sa mga kabataan doon pagballik niya sa Pilipinas! Surprise Guest with Pia Arcangel with MBNEL, makinig na!
-
Drama and comedy plus business off-camera lahat iyan kayang-kaya ni Ara Mina. Ang kanyang journey sa showbiz, personal life at business ventures ang ilan sa mga ikinuwento niya sa pinakabagong episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel.
-
Isang candid, magaan at masayang kuwentuhan ang mapapakinggan sa ating episode kasama ang ating surprise guest, Asia’s Romantic Baladeer, Mr. Christian Bautista!
Binisto niya sa atin ang kaniyang mga hidden talents sa paghuhugas ng plato, pag-mamaneho nang mabagal, at pagiging isang romantic na asawa! Makinig na sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Nasundan natin ang career niya mula Starstruck, hanggang siya’y maging primera kontrabida. Sumabak na rin siya sa drama nang mapabilang sa afternoon series na Prima Donnas. At ngayon, gabi-gabi natin siyang napapanood bilang Romana sa primetime series na Black Rider.
Ano nga bang pinagdaanan ni Katrina Halili at tumagal siya ng 22 years in showbiz? Babalikan niya lahat iyan dito lang sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Nasungkit ni Euwenn Mikaell ang Best Child Performer award habang nanalo naman ang pelikulang 'Firefly' ng Best Picture sa #MMFF2023 Gabi ng Parangal!
Kilalanin natin ang Sparkle child actor na na gumanap bilang Tonton sa pelikulang ‘Firefly’ ng GMA Pictures. Anu-ano bang experience niya sa pelikula at teleseryeng kinabilangan niya?
Dito iyan sa Surprise Guest with Pia Arcangel!
-
Si multi-awarded actress Alessandra de Rossi at ang kuwento sa likod ng kanyang bagong pelikulang Firefly na kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival, ang pagiging in love niya sa paggawa ng pelikula, ang hindi niya pagkaroon ng ka-love team at eksenang iniiwasan niyang gawin hanggang ngayon alamin sa new episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel.
-
Basta usapang pera, siguradong may paraan siya! Sa nalalapit na anniversary ng kaniyang programang "Pera Paraan," ang ating surprise guest, walang iba kundi ang idolo ng kababaihan, kumare ng bayan, beteranong host, reporter, Ms. Susan Enriquez!
Saan siya maluwag pagdating sa pera? Saan naman siya mahigpit? May ibinigay rin siyang tips kung paano mapalago ang negosyo, mula sa mga kuwentong kanilang na-feature sa show! Tara, makinig na!
- Mehr anzeigen