Folgen
-
Sa harap ko— isang battle emcee, rap artist, at activist— kilala sa technical rhyming scheme nya, sa aggressive nyang atake, sa umaapoy na stage presence, sa hindi matinag na confidence; na-witness nating lahat ang evolution ng kanyang game nitong 2024 Isabuhay Run, kung saan nangibabaw ang kanyang Cultural Swagger; ang tinaguriang "The People's Champ" at " Ang Pinakamaangas na Gen Z"— mula Etivac pa para sa inyo, Goddamn, VITRUM! BOOM!
Isang linggo pagkatapos ng epic Isabuhay Finals laban kay GL, salang agad sa podcast si Vitrum. Sa simula, nagmistulang processing ng battle ang usapan (ano nga bang take nya at takeaway sa battle nila ni GL?). Pagkatapos, bahagyang pasada sa kanyang pinagmulan at background; tawid sa biyahe nya sa mundo ng hip hop-- sa pagpasok nya sa FlipTop, sa ebolusyon ng kanyang persona (kupal nga ba talaga sya? paano umabot sa ganitong "dark humor" ang kanyang estilo?), sa creative process; sa kultura ng rap sa Pinas, sa papel ng aktibismo sa sining (o ng sining sa aktibismo), sa kung ano pang aasahan sa kanyang "cultural swagger" sa loob at labas ng hip hop.
Mahigit dalawang oras ng solid na usapan. Walang ibang masasabi kundi isang napakalaking... GODDAMN!
-
So ayun, after 10 long years, nakasalang ulit ng standup comedy open mic sa Brick Wall, BGC, Taguig!
Isang araw na nalulunod ako sa kaba at pangamba, nagdecide akong gumawa ng bagay na masaya lang akong gawin. Binalikan ko yung mga nasulat kong jokes noon, binuo para sa isang 5-min set, at nagsign up sa open mic ng Comedy Manila. Salamat at nakapasok. Salamat at nagkalakas ng loob ulit na sumalang!
Short solo ep lang tayo. Start the year right! Listen up, yo!
-
Fehlende Folgen?
-
Isang araw pagkatapos ng AHON 15, salang agad sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show podcast.
Sa harap ko, para sa inyo— isang battle emcee, poet, at lyricist; isa sa pinaka-inaabangang emcee ng panahon ngayon dahil sa kanyang intelligent concepts and clever angles, sa lawak at lalim ng kanyang vocabulary, sa kanyang creative writing; Champion ng 2018 Process of Illumination, at kahapon lang, mainit-init pa, ang FlipTop Battle League 2024 ISABUHAY CHAMPION— representing Visayas division, mula pa Palo, Leyte para sa inyo— ang nagtawag sa Old Gods at nagpanginig sa current— GL! BOOM!
Tungkol sa kanyang Isabuhay experience at sa pagkamit ng kampeonato, sa creative process at preparations sa isang battle, sa poetry at kung paano nito natulungang mahubog ang kanyang pagsusulat at estilo, sa kwento sa likod ng tumatak nyang “Old Gods” scheme at sa matinding revelation nya (dito nya lang nireveal!) sa naging konsepto ng kanyang Isabuhay 2024 run.
All good with the Old Gods at maging ang current— samahan nyo akong pasukin ang isip, himayin ang mga ideya, at baybayin ang mundo ni GL.
Mindblowing ang mahigit dalawang oras na episode na ‘to.
Lisyen up, yo!
-
Isang karangalan na makasama natin sa The Linya-Linya Show— former Human Rights Chair, former Justice Secretary, former Senator, and now ML Partylist first nominee— Leila de Lima. BOOM!
Sa episode na ito, nakausap natin si Ma’am Leila tungkol sa simulain nya at naging biyahe sa mundo ng public service. Dinaanan din namin ang naging mga pagsubok sa panggigipit sa kanya ng nakaraang administrasyon, ang naging buhay niya sa piitan, at kung ano ang bitbit nya mula sa mga karanasang ito. Mula sa kung paano siya nakahanap ng pag-asa kasama ang mga pusa, hanggang sa umaatikabong QuadComm hearings na nagpasikip sa kaniyang puso at nagpainit sa ulo ng maraming Pilipino— ramdam sa usapang ito ang tapang at paninindigan ni Ma’am Leila, at kung paanong sa huli’t huli, isa syang simpleng taong lumalaban para sa katarungan at ikakabuti ng marami.
Sana mabigyan natin ng justice ang episode na ito! Listen up, yo!
-
Lumaki sa araw si Hya Bendaña bilang isang barker ng jeepney.
Sa kabila ng kahirapan, buong determinasyon siyang pinag-aral at napagtapos ni Tatay Renato na isang jeepney driver.
Noong 2019, ginulat niya tayo sa kaniyang valedictorian speech sa Ateneo kung saan highlight ang mga ordinaryong taong walang mukha, walang pangalan.
Sa episode na ito, daraanan natin ang stops sa biyahe ng buhay ni Hya, at kung ano ang relevance ng araw sa kaniyang buhay ngayon—sa paggamit ng renewable energy, partikular na ang solar power.
Magigising ka at mae-energize sa kwentuhan sa episode na ito! Listen up, yo! POWER!
-
Yo, Fellow 22s! Let’s wrap up 2024!
Lumalamig na ang panahon pero punong-puno naman ng warmth ang year-end episode natin!
Sa episode na ‘to, sama–sama nating balikan ang mga nangyari this year mula sa mga unforgettable moments—mga good news at not-so-good news, at magpasalamat na rin tayo sa lahat ng accomplishments at blessings ng taon na ‘to.
Sama-sama rin tayong mag-reflect sa mga learnings at experiences natin this year para maging better version of ourselves natin in the future!
Makinig at matuto! Listen up, yo!
-
Yo, Fellow 22s! Makinig, maka-relate, at matuto sa bagong episode ng Turo-Turo kasama ang ating award-winning educators Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta.
Sa episode na ‘to, napag-usapan natin ang pagiging matatag sa iba’t ibang hirap ng buhay-- mula buhay-eskwela, love life, hanggang sa pagpapalaki ng anak! Ibinahagi ni Teach Sabs kung paano mag-bounce forward mula sa heartbreaks at past relationships. Habang si Teach Jaton, nagbahagi naman ng kaniyang experiences bilang magulang. Si Ali, well-- nakinig. Haha!
Sama-sama tayong maging matatag! Listen up, yo! -
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle League– tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM!
Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep dive sa kanyang karasanan sa hip hop-- sa pagiging baguhang battle rapper sa Barangay at Customer Service Representative sa isang BPO Company, sa mga hugot sa payak na pinanggalingan na nagsisilbing gasolina nyang makipaglaban at magtagumpay sa battle at sa buhay, sa pangungulit kay Anygma na sinasagot lang sya ng "Pucha," sa kwento sa likod ng alter ego nyang si "Eveready," sa simulain, mga pagsubok, at naaabot ng Motus Battle League, at sa mga pangunahin nyang katangian na nagdadala sa kanya sa mga panalo sa entablado at tagumpay sa buhay.
TIME!!! Pakinggang ang buong episode sa Spotify, o panoorin sa YouTube ng Linya-Linya. Listen up, yo!
-
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries!
Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE!
Masarap pakinggan ang episode na ‘to habang nabiyahe. Listen up, yo!
-
Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog!
At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humor– sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG!
Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition collab shirt na! Kaya sa Creepers dyan, dalaw na sa www.linyalinya.ph 👻
Listen up at sabay-sabay tayong ma-spook out sa special ep na ‘to! Mat Part 2 din sa Creepsilog podcast, abangan!
-
Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya… si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala!
HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colanta— ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito.
Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry?
Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At disclaimer lang: Walang nag-topless dito! Sorry!
Listen up, yo!
-
Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October!
Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!
-
Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons!
Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito.
Kabilang din ito sa selebrasyon ng ika-25 taon ng Orange & Lemons– sakto bago ang kanilang Now & Then concert sa Oct. 18, sa Metrotent. Labas na rin ang Linya-Linya x Orange & Lemons limited edition merch sa www.linyalinya.ph.
Listen up, yo!
-
Yo, check!
Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA!
Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap.
At para sa unang Bara-Bara episode: Nakilala sa kanyang husay sa pag-subvert ng expectations; tinatawag ng iba ang kanyang style bilang “unpredictable,” at expert sa “crowd control.” Mula pa sa Bicol, Lungsod ng Naga, kasama ngayon sa studio ng Linya-Linya-- si CripLi!
Maraming ibinahaging kwentong FlipTop (at marami ring ni-name drop, haha!) si CripLi. Mga karanasan niya sa loob at labas ng battle, sa pakikipagsapalaran sa Maynila, at ayun na nga-- umabot pa sa love language ni Anygma. BOOM! Malalaman niyo ‘yan dito, so tara, mag-ingay and listen up, yo!
-
Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo.
At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta, founder ng AHA Learning Center.
Sobrang honored kong makasama sila rito, at masaya akong ibahagi sa Fellow-22's at mga Ka-Linya ang mga magagawa naming episodes.
Kasabay ng kani-kaniyang mga pinagkakaabalahan sa pang-araw-araw, susubukin naming tatlo-- mga magkakaibigan-- para magrecord ng episodes tungkol sa iba't ibang subjects, anuman ang aming mapusuan, tulad na lang ng pagpili sa iba't ibang putahe sa isang Turo-Turo na kainan.
Matuto tayo sa isa't isa, mag-Turo-Turo tayong magkakasama!
-
Yo, yo, yo! Or should we say, ‘lo, ‘lo, ‘lo! Dahil eto na naman ang isang episode ng Daddy Diaries para i-celebrate ang Grandparents Day!
Biglaang topic at set-up ng pod lang, sakto namang kakakita lang ni Daddy Rene sa social media na Grandparents Day pala!
Kaya sa episode na ito, tinalakay natin ang naging experience niya sa pagiging lolo, at nagbahagi siya ng malulupit na karunungang napulot niya sa pagtanda. BOOM!
Full of wisdom ang episode na ito, kaya stream now!
-
The Linya-Linya Show, mag-ingay, o!
Sa harap ko, isang rap artist, battle emcee, at songwriter; nakilala bilang “Rebuttal King” dahil sa malulupit nyang balik at mga banat sa FlipTop Battle League– representing, Skwaterhauz and Mongol Unit, mula pa Tondo, Manila, at ngayon, nasa California na sa US– si DELLO! BOOM!
Laking Bambang, Tondo-- isa sa pinakamakulay na lugar sa Pilipinas-- kaya naman hitik din sa karanasan at kuwento ang mga bára at pambará ni Dello.
Sa episode na ‘to, kinuwento niya sa atin ang kanyang paglalakbay sa entablado ng hip hop at battle-rap, ang mga eksenang umusbong sa mga kanto ng Tondo; kanyang tingin sa mga nauna at bagong emcees, mga pananaw sa pagsulpot ng mga bagong liga; at ang kasalukuyan niyang pamumuhay, pati na ang ilan sa kanyang mga plano, sa California.
Para kaming nag-inuman nang walang alak. Ihanda na ang pulutan sa siksik sa kwentuhan.
Tara, listen up, yo!
-
Nitong Aug. 30, naimbitahan si Ali bilang tagapagsalita sa Miriam College Middle School. Para ito sa closing program ng kanilang Buwan ng Wika, kung saan ang tema ay: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.”
Nag-share siya ng kanyang sariling kwentong MC, ng kanyang karanasan sa skwela at trabaho, at syempre, ng memes. 💛💙
Sa panibagong “Basa Trip” episode na ito, nirecord ni Ali ang binasa nyang speech sa harap ng humigit-kumulang 1,800 na mag-aaral ng Grades 7-10. Sabi nga ni Ali, nakakatuwa ‘yung energy ng mga bata, at yung mga lumapit at nagsabing nagsusulat sila, na-inspire, at gusto pang magpatuloy magsulat. 🙏🏽😌
Pakinggan ang episode na ito, at sabihan nyo kami sa mga naiisip ninyo!
-
Walang script-script ang malulupit at makukulit na linyahan ng SPIT-- ang pioneer at popular improv group sa Pinas ngayon!
Samahan natin ang SPIT (Silly People's Improv Theater) members na sina Aryn Cristobal, Ariel Diccion, Kara Flores, Karl Echaluse, at Pappu de Leon sa episode na 'to! Dito, tinalakay natin ang sining ng improvised theater, at mga karanasan nila sa pagtatanghal sa iba’t ibang audiences sa Pilipinas. Ang saya ring malaman kung ano-ano ang kanilang backgrounds-- kung paano ito nakakatulong sa kanilang performances, at kung paano naman nakakatulong ang Improv sa kani-kanilang mga trabaho.
Malalaman din natin ang kuwento kung paano nga ba napaputok ng SPIT ang Improv Theater sa social media.
Tara! Maki-’yes, and’ na sa nakakaaliw at nakakatalinong kuwentuhan kasama ang SPIT-- listen up, yo!
Available na rin ang Linya-Linya x SPIT Manila collab shirts sa www.linyalinya.ph
-
Yow, yow, yow! Ihanda na ang kutsara at tinidor dahil ready na ang mainit-init na at malamang kuwentuhan natin ngayon! Kasama ang writer, producer, at standup comedian from Comedy Manila na si Chino Liao!
Sa episode na ‘to, usapang food at comedy tayo. Nagsimula sa kwentuhang hotdog sa sopas at hanggang nilantakan na ang life stories ni Chino sa pagiging isang komedyante. Malalaman natin ang maraming pit stops na dinaanan niya bago mapunta sa scene ng stand-up comedy.
Mabubusog ka sa tawanan at kuwentuhan sa episode na ‘to!
Kaya tara, listen up yo!
- Mehr anzeigen